Chapter 40: Islewing

Start from the beginning
                                    

Biglang nadako ang mata ko kay Caloy na nakatingin sa akin. Nakaturo ang kamay niya sa isang lugar. Nakita ko na ang tinuturo niya ay si Inang Reyna. Nakita ko na may minamanipula siya sa kamay niya. Bago ko pa ito mapigilan ay nag si bagsakan na ang mga kasamahan namin!

"Akin na ang Bantayan simula ng maluklok sa pwesto si Inang Reyna. Masaya nga kami na kinaingin ito ng mga tao. Matagal na naming hinihiling iyon. Tamang tama pa mga walang kwenta ang mga taga bantay. Pagkakaingin nila ay kinuha namin ang mga ginto sa ilalim ng lupang ito." Ginto? Para sa ginto? Pinatay ang Ama ko at ibang mga kasamahan niya? Sa dahilang hindi nila nabantayan ng maayos iyon? Manloloko!!!  Bumangon ang higante katsaka lumakad. Aapakan niya si Caloy! Mga walang hiya!

Tumakbo ako doon para ilayo si Caloy. Hindi pa ako nakakalapit kay Caloy ay may pwersang humigit sa akin sa likuran. Nanlaban ako sa paghigit sa akin. Pakawalan niyo ako! Hindi ako papayag na hindi ako makakapag higanti para sa mga mahal ko sa buhay!

Si Krissy na ang nakipag laban sa higante habang si Caloy sinusubukang lumakad palayo. 

Bigla ko na lang naramdaman na nasa likuran ko si Inang Reyna. Hinawakan niya ang baba ko. At unti-unti humaba ang kuko niya sa daliri. 

"Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sayo Fygliana. Dahil sayo nakarating ako sa mundo ng tao. Ang saya palang magpahirap sa kanila no?" demonyo!

"Damn you!" sigaw ko. Ang lakas niya! Tinusok niya sa pisngi ko ang kuko niyang mahaba. Habang nakaangat ako. 

"Alam mo ang tanga mo. Nung pinadala ko kayo sa lupa ay dahil wala lang akong magawa. Pinadala ko kayo para mabawasan ang mga diwatang hihingi sa akin ng tulong mula sa mga mahal nila sa buhay na yumao."

"Yun lang?!" palapit na si Krissy sa amin at naging abo na ang higante na kalaban nya kanina. Si Caloy ay hindi ko makita!

Nakaramdam ako ng pamamanhid pagkatapos akong tusukin ni Inang Reyna. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Katulad noon. Nakalutang ako sa ere hanggang sa nakita kong nagising ang mga kasama namin kanina. Mukha silang mga bangkay na nabuhay at sabay sabay na bumuo ng bilog.

Gamit ng mahika nila ay bumuo sila ng malaking batya na malaki na kayang maglaman ng limang katao kung ipapasok doon. Mga tanga kayo! Papatayin niyo rin ang sarili niyo!

Hindi alam ni Krissy ang gagawin. 

Lumapit siya doon at nilabanan ang mahika ngunit hindi kaya ang isa ang mahika ng isang daan.

Ako ay langtang gulay na bigla na lang lumipad papunta sa ibabaw ng batya. Nakita ko itong nagkatubig bigla. 

"Fyglia!!!!" sigaw ni Krissy pero wala pa rin akong magawa. 

Katapusan ko na ba? Ito na ba? Paglunod lang ba ang kamatayan ko? Nakakainis! Hindi pa ako nakakapag higanti!

Nakita ko na nakipaglaban si Krissy kay Inang Reyna. Sa tuwing dumadaplis ang mahika ni Inang Reyna sa mahika ni Krissy ay dugo ang lumalabas sa katawan niya.

"Inuutusan ko kayong mga nasasakupan ko. Patayin niyo na ang Fygliana Aspenglade na yan gamit ang paglunod sa kanya sa tubi--" sinubukan kong mapangiti kahit namamanhid ang katawan ko nung bumagsak si Inang Reyna ng tamaan siya ng mahika ni Krissy.

"Subukan mong lumapit sa akin! Ihuhulog ko ang kaibigan mo sa tubig!" 

Hindi ako makasigaw. Kahit ang bibig ko ay minahika niya. Go Krissy! Lumapit ka sa kanya. Patayin mo na sya! Kahit ako ang kapalit! Napahinto si Krissy at napatingin sa akin. Tanging pagluha lang ang nagawa ko. Gustong gusto kong sumigaw. Patayin mo na yan! 

Kamatayan ng Reynang iyan ang hustisya ng lahat ng namatay dito! 

Natuwa ako ng lumapit si Krissy at bumuo ulit ng pulang usok katulad kanina. Isang langhap lang ni Inang Reyna niyan ay hihinto ang tibok ng puso niya. 

Fyglia's EnchantmentWhere stories live. Discover now