Hinugasan ko ang kamay, pinunasan ko iyon gamit ang tela sa tabi ng sink at humarap sa kanya. "Kung may iba pa siyang sinabi, hindi ko na alam. Itago mo rin," Please, don't.

Sinimulan ko nang maglakad, malalagpasan ko na siya nang bigla nitong abutin ang siko ko. Matalim akong tumingin sa kanya, akala ko ay binitiwan niya ako ngunit nanatili lang itong nakatingin sa akin.

"You can sleep on the other room, that's fine with you, right?" Pilit kong binabawi ang siko sa kanya ngunit mas humigpit pa ang hawak nito. "Wala na akong sasabihin!" Sigaw ko at ibinuhos ang lahat ng lakas para makabitiw sa kanya ngunit walang nangyari.

"Mag-usap tayo," Aniya.

"Kausapin mo ang sarili mo," Napakagat siya sa pang-ibabang labi, sa isang kisap mata ay napunta roon ang tingin ko. Natural ang pula nito, ngunit nang pawalan niya ang mga iyon ay mas lalo pang pumula. "What is it, then?" Napalunok ako't nag-iwas.

Papatayin ako ng labi na 'yan. Nagiging mas makasalanan ako. "Worry not much," Sambit nito, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi na mahigpit ang kapit nito, isang malamyos na haplos ang iginawad niya sa akin. "I'll do my best to figure it out." He added.

"You can't expect me to stand by," Tumango siya, nakukuha ang gusto kong sabihin. "It's obvious, Hell. You want to keep me off to it. It's obvious that your conversation with my mother has depths too,"

Tuluyan kong nabawi ang sarili, lumayo ako at diretso siyang tinignan. "Gagawin ko ang lahat para malaman 'yon," Napapikit siya at inihilamos ang palad sa mukha, nanatili pa akong nakatingin sa kanya. "Alam mo, Hell. Alam mong imposibleng matahimik pa ako pagkatapos ng gabing ito,"

"Makinig ka sa akin," Muli niyang sinubukan na kuhanin ako ngunit mabilis kong nailayo ang sarili. Gumuhit ang gulat sa mga mata nito, ngunit dumaan din ang takot.

Hindi ko alam kung para saan, dahil ni isang ay beses ay hindi ko naisip na makikita kong may nagkukubling takot sa mata niya.

"Pakinggan mo muna ako bago ka umakyat," Isang tinig ng pagsusumamo iyon, matapos marinig ay itinuon ko sa kanya ang atensyon at inangkin nito ang aking mga mata. "Isang beses ko lang hihingin sa 'yo, kaya mo bang magtiwala? Hayaan mong ako ang gumawa ng paraan."

Kahit gusto kong magsalita ay tila na napipi ako, kahit isang oposisyon ay hindi lumabas sa bibig ko. Ipinahinga niya ang likod sa ref, pagod na ang matang pinabulaanan ako ng tingin. Hindi pagod na pisikal, ngunit tila ba pagod na rin itong mag-isip.

"I know, you'll seek it. I won't be surprised that a day or two from now, it'll come to you too. But if it won't hurt your pride that much, can you depend yourself on me?"

Marriage is like this. It's submitting yourself to your husband, not only your physical self but your whole life too. It's being united and recognizing each other as one. It's difficult, I'll admit. To submit myself, yet, he's asking me... For the very first time.

"It's a gamble, Hurricane. I'm slowly bringing down all my aces, they can take all of those from me." Humakbang siya, tuluyan ko nang hindi naigalaw ang sarili, hanggang sa isang iglap lang ay nasa harapan ko na siya. "Hindi ko pa sila kayang pagalawin sa palad ko, ito pa lang ang kaya kong gawin." Nanunuyo pa ang titig nito.

Kinuha niya ang kamay ko, bumaba na roon ang aking tingin. Pinanood ko ang paglukob ng kanyang mga daliri sa bawat espasyo ng akin. Dahan-dahan iyon, tila tinatamasa ang bawat segundo.

"I'm trying to take over, to control it. At kung sa susunod na araw o kahit kailan, ay sobra ang maging galit mo sa akin... maiintindihan ko." Napapikit ako at sinapo ang sentido, sa hindi malamang dahilan ay tila hinaplos ang puso ko sa narinig.

Forever Agape [FS#1]Where stories live. Discover now