"Uhh, okay lang po. If you don't mind, mauna na po ako sa kwarto. Pagod na po talaga kasi ako," sagot ko habang sinusubukang makawala sa pagkakayakap niya sa akin.

"Of course. Kailangan mong magpahinga. Hindi ko pwedeng hayaan na may mangyaring masama sa 'yo. You're a part of our family now," sabi niya and I just gave her a light nod.

Imbis na magpakaplastik sa kanya, pinili kong dumeretso na lang sa kwarto. Pero bago pa ako makarating sa hagdanan, may sinabi si Denise na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

"You could still have time, you know. Give up now before your life becomes a living hell."

Imbis na patulan siya, sinubukan kong pakalmahin na lang ang sarili ko. Hahakbang na sana ulit ako sa palayo sa kanya nang may sinabi na naman siya na nagpakulo sa dugo ko.

"Lubusin mo na 'yong mga oras na kasama mo si Dwight. Malay mo, ako pala talaga ang makapagbibigay sa kanya."

Humarap ako sa kanya at hindi na ako nagulat nang makita ko ang malaking ngisi sa kanyang mukha. Gustuhin ko mang sampalin at sabunutan siya, pinili ko pa ring maging mas sibilisado kaysa sa kanya. Tinawanan ko lang siya at nagbitiw ako ng tatlong salitang nagpatahimik sa kanya.

Sumunod din agad sa akin si Dwight at sinubukan niya akong kumbinsihin na makipag-usap sa mommy niya. Siyempre tinanggihan ko agad 'yon. Ano ako, tanga?

"G, ano ba talagang nangyari sa inyo ni Mommy?" tanong ni Dwight.

"Sinabi ko na sa 'yo kanina. Hindi ka ba nakikinig? Dwight, sorry pero sa tingin ko, hindi talaga kami magkakasundo ng mommy mo. It would take a miracle for that to happen."

"Alright, let's just put it this way—huwag mo na lang pansinin lahat ng sasabihin o gagawin niya. Act as if she doesn't exist at all. Will that be okay with you?"

For a while, I tried to consider the proposition of Dwight. Tinitimbang ko 'yong pros and cons pero siyempre, mas lamang pa rin 'yong cons sa sitwasyon naming ito. Mahirap magpanggap na hindi nag-e-exist 'yong bruha pero para kay Dwight, I guess I'll have to give it a try.

"Fine, I'll try my best pero I won't promise anything. Minsan kasi, ang hirap talagang magpigil, e. With Denise in the picture, it's almost close to impossible."

"Alam ko naman 'yon, G, but knowing that' you'll try is enough for me. By the way, you know that I love you, right?" sabi niya sabay yakap sa akin.

"And I love you too," sagot ko tapos nagpahinga na ako.

Pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako nang mapansing wala si Dwight sa tabi ko. Nagsisimula na sana akong mag-panic pero bigla kong naalala na ngayon nga pala 'yong orientation niya sa family business nila. As much as he wanted to accept the offer of one of the companies that was hiring him, kinailangan na naman niyang pagbigyan 'yong nanay niya—and that is to manage their family business.

Since nagugutom na ako, inayos ko na 'yong kama namin tapos naligo na rin ako. Nang feeling kong mukha na akong presentable, dumeretso na ako sa dining room para i-check kung anong almusal. Unfortunately though, walang pagkain sa lamesa. Napailing agad ako dahil doon.

"Manang," pagtawag ko habang papunta ako sa kusina.

Isa sa mga katulong ang agad na sumalubong sa akin. "Yes, ma'am?"

"Wala ba silang tinira na almusal para sa akin?" tanong ko at nagsimula na ngang kumalam ang sikmura ko.

"Ay, wala po, ma'am. Sabi po kasi ni Ma'am Olivia, para sa tatlong tao lang po 'yong ihanda namin, e. Gusto n'yo po bang ipagluto na lang namin kayo?"

Moving Into the Monster's HouseWhere stories live. Discover now