'You're not just the reason why I went here in the Philippines, I'll study also here with the both of you.'

'Wahhhh! Yehey! Now it's just the like the old times! We're altogether again!'

'Nice bro! '

'Oo nga eh. Mapag-tritripan na natin si Sam. Ahahahahaha!'

Hay salamat at nagtagalog din to. Akala mo kasi hindi marunong magtagalog eh marunong naman.

'Sige. Pagtripan natin si Sam, pero bawal paiyakin. Mahal ko eh.'

'What the?! Kayo na pre?!'

'Hindi ah! Nanliligaw pa lang yan.' singit na nman ni Sam.

'Sus! Magiging tayo din naman sa huli Sam.'

George's POV

George Lee ang pangalan ko. I became 17 years old last April. Well mag-kakaedad lang naman kaming tatlo eh. Pero si Sam na lang siguro ang hindi pa nagiging 17. Next month pa yan. I am Half-Filipino Half-Korean. Ang mom ko ay Filipino while my dad is Korean. Magkababata kami nina Sam, Joe at ako. We all met in Korea when we were kids. At ngayon bumalik na ako sa Pilipinas. Hindi ko first time pumunta dito sa Pilipinas. Ilang beses na rin ako nakapunta dito. Pero ito ang first time na I'm staying for good. Mayaman kami because of our family business. At balang araw, ako ang magmamana nun. Katulad lang nila Joe at Sam.

Well, actually hindi lang ang mga sinabi ko kanina ang mga rason kung bakit bumalik ako ng Pinas. Dahil....

Plano ko sanang mag-tapat kay Sam na mahal ko siya. Oo tama kayo ng nabasa. Mahal ko nga si Sam. Since siguro nung mga 10 years old na din kami. Well, alam ni Joe na mahal ko si Sam. At alam ko rin na karibal ko siya at mahal niya si Sam.

Pero dati kasi, kelangan naming magkahiwa-hiwalay. Sinabi ko kay Joe na siya na muna ang bahala kay Sam habang wala ako. Pero sinabi ko na magkakasama ulit kami. Umiyak din si Sam nun eh. Pero, kelangan talaga.

Okay, Back to present tayo.

'Sige. Pagtripan natin si Sam, pero bawal paiyakin. Mahal ko eh.'

'What the?! Kayo na pre?!'

'Hindi ah! Nanliligaw pa lang yan.'

'Sus! Magiging tayo din naman sa huli Sam.'

Siyete pitong naging seven. Takte. Naunahan pa ako ng kumag na to. Alam kong mahal niya si Sam. Pero siyete. Nanliligaw na. Nahuli ako ng dating sa Pinas. Leche naman oh. Ang sakit naman nun. Na malaman na yung taong mahal mo ay pangarap mo na lang. Pero di ako iiyak. Alam ko naman kasi na 'aalgaan yan ni Joe. Kilala ko si Joe at pinagkakatiwalaan ko yan. Buti na lang siya, kundi pag ibang lalaki. Malalagot sa'min ni Joe.

'George! Ikaw magbabantay sa akin dito?'

'Ay salamat tinawag din ako ng maayos!'

'Oo na . Oo na. Sagutin na lang.'

'Malamang Sam. Ano pa't sinabi ko na 'ako' ang magbabantay sa'yo kung di ko naman talaga gagawin diba?!'

'Parehas kayo ni Joe na pilosopo! T^T '

'Siyempre! Kami pa.'

Sabay naming sabi ni Joe at sabay akbay niya sa akin at akbay ko sa kanya. Di yung akbay ng magshota ah! Yung akbay na ginagawa ng mga lalaki lalo na kapag may barkada. Yun yun eh.

'Ahhh. It's good that we're altogether again. Ya George! Wag kang aalis ah!'

'Oo naman! Ako pa.'

'George, where is my pasalubong?'

'Wala akong nabiling pasalubong Sam eh. Nagmadali kasi ako pumunta dito para nga sa'yo.'

First Love Never DiesWhere stories live. Discover now