~•// EPILOGUE //•~

7.4K 188 36
                                    


Third Person's POV

Isang buwan din ang nakalipas ng mangyari ang ikalawang digmaan sa pagitan ng iba't ibang kaharian.

Unti-unting sumigla ang mga naninirahan lalo na sa mga bampira. May iilan pa ring nakatakas na mga Vark o masasamang bampira ngunit wala na silang pinuno para mamuno sa kanila kasamaan.

Hinigpitan na rin ng iba't ibang kaharian ang portal papunta sa mundo ng mga tao dahil baka ito'y maging puntirya ng iilang mga Vark na nakatakas.

May mga Vark na naging Lyre, dahil sa pagsisisi at sa hindi naman nila gusto ang kanilang ginagawa.

Ang Akademyang Vampyra ay muling nagliwanag at nabuhayan ang kapaligiran lalo na ang mga rosas na lila at pula. Ang mga bampirang ito'y pupunta sa kaharian upang doon ipagdaos ang kanilang pagtatapos, sa ingles ay Graduation. Kung saan panibagong yugto na naman sa kanilang buhay ang magaganap.

Masayang-masayang nakaupo si Pyra sa napaka-eleganteng karwaheng kanyang sinasakyan kasama ang kanyang mga magulang na dugong tao.

"Mommy.." Hinawakan ni Pyra ang kamay ng kanyang ina-inahan.

"Bakit anak?" Nakangiti nitong tanong.

"K-kinakabahan po ako." Nakangiwing sabi ni Pyra. Tumawa naman ang kanyang ama-amahan.

"Honey, huwag kang kabahan... Basta't lagi lang kaming nandito para sa 'yo." Nginitian nya ang kanyang ina at ama. Tila nabawasan ang kabang kanyang nararamdaman.

Maya-maya lang ay huminto na ang karwahe at naririnig na sa labas ang malalakas na hiyawan ng mga nilalang na nandidito.

Unang lumabas ang kanyang magulang at huminga muna sya ng malalim bago nag-umpisang lumabas.

Lalong lumakas ang hiyawan kasabay no'n ang pagsabi nila ng "MALIGAYANG PAGBABALIK MAHAL NA PRINSESA!" at may mga kumikinang pang nagsisilitawan. Parang mga alitaptap sa umaga. Glitters kumbaga.

Sumalubong sa kanya ang kanyang totoong magulang. Nasa malaki silang stage ngayon. (Sinaunang stage gawa sa bato, parang sa mga movie na may kaharian)

"Anak." Niyakap sya ng kanyang ama't ina.

Kumumpas ang hari at kaagad silang tumahimik.

"Nagpapasalamat ako sa mga taong namuno at tumulong ng ako at ang reyna nyo'y nawala. Malaki ang pagpapasalamat ko sa aking kanang kamay, na si Michael Knightray! At sa kanyang asawa na si Prinsesa Jane Knightray!" Kaagad na nagpalakpakan ang mga tao.

"Pati na rin sa anak nila na hindi sumuko sa anak ko, si Prinsipe Ethan James Knightray! Pati na rin sa kanilang mga kaibigan."

"Maligayang pagtatapos sa inyong lahat!" At nagpalakpakan ang lahat. Bumaba sila at isa-isa namang nakatanggap ng gantimpala at gintong logo, simbolo sa kanilang pagtatapos.

Matapos ang okasyon na iyon ay nagpahanda ang pamilya ni Pyra para sa lahat.

Gabi na nag-umpisa ang malaking pagsasalong ito. Hindi lang ito pagsasalo dahil para itong ball night. May mga nagsasayawan sa gitna.

Habang busy ang totoong magulang ni Pyra sa mga bisita ay kausap naman nya ang kanyang magulang sa mundo ng mga tao.

"Mom.. Dad." Ngumiti ang kanyang mga magulang na may pagtatanong.

"Paano na po kung natapos na 'to? Babalik na po ba kayo--" hindi na sya pinatapos ng kanyang ama.

"Anak huwag kang mag-alala sa amin." Wika ng kanyang ama.

"Tama ang papa mo." Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa. "Ayos lang kami. Ang mahalaga makakasama mo na ang tunay mong mga magulang."

Vampyra Academy: The Comeback of the LostWhere stories live. Discover now