~// Chapter 9 //~

8.2K 278 28
                                    

Pyra's POV

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!
















Wala lang, trip ko lang sumigaw sa isip ko. Naaning kasi ako eh.

Pero seryoso na! Naging mabilis nga ang mga araw at !

Maghahanda na kami para sa festival na gaganapin sa lunes! Sayang no akala ko pa naman festival na haha.

Sa ngayon mag-iisip muna kami ngayong buong araw kung anong theme ng booth namin. Wednesday na kasi ngayon at mamaya na kami bibili ng materyales at bukas magkakabit na kami ng mga chuchuvakels na design at kung anu-ano pa.

Tiyak na nakakapagod 'to pero masaya naman sa huli!

"Ok class maiwan ko na kayo para makapag-usap-usap na kayo." At umalis na nga si ma'am Leah. English teacher namin. 3:00 pm nagsimula ang pagpupulong na ito. Kems lalim.

Nang makaalis si ma'am ay pumunta na si Presedent ng aming section sa harapan.

"So ano na ang mga naisip nyo na magiging theme ng ating booth?" Tanong ni Pres. Nagtaas ng isang kamay yung kaklase kong babae. Tinawag naman ito ni Pres. para magsalita ng kanyang idea sa booth.

"Eh kung Cafe na lang?" Sabi nito.

"Masyadong common na yan Laine, iba pang suggestion?"

"Candy World!" Nakakagulat naman yun! Bigla kasi syang tumayo at nagtaas ng dalawang kamay habang sinabi yung Candy World.

"Tumigil ka Choco, baka magka-sakit kami sa sobrang tamis. Wag mo na kaming idamay sa pagka-childish mo. Other suggestion? Yung matino sana."

"Eeeehh matino naman yun eh! Kainis ka naman hmp!" Parang bata nitong sabi. Napailing na lang si President sa inasal ng classmate naming babae.

"Ang cute nila no?" Bulong ng nasa tabi ko. Lumipat kasi ako sa upuan ni Alice at si Alice naman ang nasa upuan ko. So pinaggigitnaan ako ng dalawang mag-LQ.

"Bakit mo naman nasabi Pao?" Oo si Pao yan.

"Eh kasi ang alam ko may gusto si President kay Choco." Bulong nito. "Kaso priority ni Choco yung mga candies at kung ano pang matamis kesa sa lovelife nya. Tsk tsk kawawa naman si mr. Pres." Dugtong nya pa.

"Eh kung wag iyan ang problemahin mo? Problemahin mo yung lovelife mo at hindi ng iba." Sabi ko sa kanya.

"Huh may lovelife ba ako?" Takang tanong nito.

"Ayan oh. Si Alice."

"Dah ef Xam hindi ko yan ka-lovelife." Sabat ni Alice.

"Oh nakikinig ka pala sa usapan ng may usapan?" Masungit na sabi ni Paollo.

"Paano ko hindi maririnig eh ang lakas nyo magsalita?" Pataray namang sabi ni Alice kay Pao. Mukhang magkakaroon na naman ng giyera.

"Edi----" bago pa makapagsalita si Pao ay hinarang ko na ang mukha nya gamit ang kamay ko.

Ng tumahimik naman sya ay umayos na ako ng upo.

"Alam nyo?--"

"Hindi pa." Sabay na sabi ng dalawa. Tinignan ko naman sila ng masama at napa-peace sign na lang sila, sabay pa yan ah.

"Magbati na nga lang kayong dalawa! Pati ako nadadamay sa inyo eh." At tumayo ako sabay hila kay Alice kaya napatayo din sya. At umupo na ako sa upuan ko. Sya naman wala ng nagawa at umupo na sa kanyang pwesto.

Mabalik nga tayo sa reality.

"Eh kung horror house na lang kaya?" Suggest nung lalaki naming kaklase. Hindi ko pa sila gaanong kilala no, kaya di ko mabanggit kung ano name nila.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostWhere stories live. Discover now