~// Chapter 8 //~

8.5K 297 18
                                    

~•~•~•~ Dedicated to Tranxler ~•~•~•~


Pyra's POV

Hapon na at tawa pa rin ako ng tawa. Paano ba naman kasi, hindi talaga ako makapaniwalang NATALO SI ALICE SA LARONG JACK 'EN POY! At si Pao pa ang nakatalo! Haha hindi ko mapigilan!

"Hey Xam stop laughing! Were here na!" Naka pout na sabi ni Alice. Sa tingin ko naaasar na sya. Nandito na pala kami sa tapat ng room. Nauna ng pumasok si Alice at si Pao naman ay nagpipigil ng tawa habang pumapasok, habang ako ay nakasunod lamang.

Nang makapasok ako ay tinginan lahat ng mga kaklase ko. June 3 na pala ngayon so tatlong araw na ako dito. Pumunta ako sa inuupuan ko. Wala pa yung nasa right side na row na katapat namin. Nacu-curious talaga ako kung sino yung nakaupo dun sa vacant seat.

Yung feeling na chapter 8 na pangatlong araw ko pa lang dito?

"Uy Xam anong nginingiti-ngiti mo na naman d'yan? Parang 'di na tungkol kay Alice yan ah?" Saad ni Paollo na nakatingin pala sa akin.

"Yah! Its creepy when you smile like that!" Kunot noong sabi ni Alice.

"Ako? Creepy? Sa cute kong 'to?" 

"Sorry Xam kahit magkaibigan tayo at pagbigyan pa kita eh wala ka talagang ubra sa ka-cute-an ko. Lahat ng people in our country tiyak na boboto to me kapag sa pa-cute-an na ang labanan." Taas noong sabi ni Pao. Himala nagtaglish ang loko, naging conyo na rin. Napailing na lamang ako sa pinagsasabi ng mokong na 'to.

Pumasok na si ma'am at nakita kong nandun na sila Erin at Ximon pero wala yung mayabang na tinatawag ng iba na 'Prince'.

"Good mor---"

Nagulat na lamang ako nang bumukas ng malakas ang pinto. Letse naman ang walang hiyang may kagagawan non!

"You're late again Mr. Nightray." Sabi ni maam na mukhang kaka-recover lang din sa pagkagulat. Tinignan ko yung Ej (Ethan James) na mayabang na yun. At nakatingin lang sya ng cold and blank expression kay ma'am at tumuloy na sa kanyang upuan.

Tinignan lang sya ni ma'am at "Ok lets start our discussion for today."

Ok? Ganun lang yun? Yun na yun?! Ibang klase naman pala 'tong Ej na 'to eh.

Ginagamit nya kapangyarihan nya dito. Diba nga anak sya ng principal dito? Paano ko nalaman? Malamang sa mga tsismosang estudyante dito. Kung makabulong akala mo may speaker na nalunok.

"Our lesson for today are the Subject-Verb Agreement Rules." Sa totoo lang napag-aralan ko na yan. Ilang beses na nga eh, hindi sila nagsasawang i-lesson.

Alam ko na yan kaya tuloy nabagot ako. Tumingin ako kila Alice at Paollo na nagngingitian. May sinusulat kasi si Pao na hindi ko alam at si Alice naman ay nakaharap dun sa sinusulat ni Pao. Kaya halos magkadikit na yung ulo nila at nagtatawanan ng mahina. Wow ang sweet ata nila ngayon. Mukha namang hindi nila ako napapansin kaya inilipat ko na sa iba ang aking paningin.

Hindi ko alam pero napatingin ako sa row nung mayabang na Ej. At... Nakatingin sya sa akin. Walang expression ang mukha pero biglang kumunot at nag-iwas ng tingin. Mabilis ang pangyayaring 'yan. Siguro napansin nya akong nakatingin din sa kanya kaya napaiwas sya ng tingin.

~~~~~~~~~

Matapos ang tatlong subject ay vacant namin ngayon. 10:01 na ng gabi. Yung ibang mga classmate ko ay nagsisilabasan at yung iba naman nakatayo at lumilipat sa upuan. Mayroon pa ngang naghahabulan eh. Syempre nangunguna yung mga makakasat na lalaki dito.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostWhere stories live. Discover now