~// Chapter 32 //~

5K 168 23
                                    


Pyra's (Kiara) POV

Padabog kong isinara ang pinto ng aking kwarto at pabagsak na nahiga sa napakalambot kong kama.

Tss, nakakapagod ang mga ginawa ko kanina.

Pero worth it naman eh.

"Makakapaghiganti din ako."

Third Person's POV

Kumatok sa pinto ng kwarto si Santana.

Bumukas ito at sumalubong ang inis na mukha ni Kiara.

Biglang nag-iba ang itsura ni Kiara ng makita ang ina-inahan nya.

"Any problem mom?"

"Nothing." At umiling si Santana. Pumasok sya sa loob ng kwarto ni Kiara.

"Tomorrow is your first day of school in our Academy." Santana said. Bagot namang tumingin sa kanya si Kiara. Hindi nya alam kung bakit pa nya kailangang pumasok sa eskwelahan.

"What? No need mom."

"Yes you need." Madiing saad ni Santana na parang nagbabanta.

"Ok fine, ano pa bang magagawa ko?" Santana smiled at her.

"Now sleep and take a rest. I love you my daughter." At inayos nya ang pagkakahiga ni Kiara sa kama.

"Love yah too mom and thank you."

"Whats for the thank you?"

"Thank you 'coz you still there even though I can't remember my past."

"Lahat gagawin ko sayo anak. For now take a rest."

At bagot na pumikit si Kiara. Tumayo naman na si Santana at saka lumabas ng kwarto.


~Kinabukasan~

Iritang pinatay ni Kiara ang alarm clock nya na nasa tabi ng kanyang kama.

Napasabunot syang umupo sa higaan.

5:30 pm na at balak nya sanang isang buong araw sya matutulog dahil sa puyat nya dahilan ng hindi makatulog.

Hanggang sa naisip nyang papasok na pala sya. Tumayo na sya sa pagkakaupo at ginawa ang rituals nya tuwing umaga pero hapon na.

Matapos yun, pumunta muna sya ng cafeteria kasi nagugutom na sya't di pa nag-umagahan at tanghalian.

Umupo sya sa isang sulok at kaagad namang may lumapit sa kanya para kuhanin ang kanyang order. Restaurant lang ang peg.

"Gusto ko ng two slice of chocolate cake, 1 pancake, 2 doughnuts, 1 nestea, 1 water, 2 siopao, 2 siomai, 1 spaghetti, 1 carbonara, 2 shawarma and 1 ice cream. And take note, I.Dont.Want.To.Wait!"

Agad namang pumunta sa counter ang nagte-take ng order para ihanda ang mga order ni Kiara.

After 2 minutes ay nakahain na sa kanya ang lahat ng inorder nya. Bampira ang mga nagseserve, tindera, janitor, teachers at iba pa kaya mabibilis sila kumilos. Tanging ibang estudyante lamang ang tao dito.

Alam yun ni Kiara dahil naaamoy nya ang mga ito.

Nag-umpisa na syang kumain. Pagkatapos ay pumunta sya sa counter at namili ulit.

"I want chuckie." Bored na saad nito. Ibinigay kaagad naman ito ng tindera. Walang cashier dito dahil libre lahat ng pagkain.

Tumalikod na sya ng maibigay ang gusto nya saka ito hinigop. Hindi nya napansin na may nabangga na pala sya.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon