~// Chapter 39 //~

4.9K 155 26
                                    


Third Person's POV

Hindi na pinalipas pa ng mag-asawang sina Jane at Michael ang araw na ito at nagtungo sa iba't ibang kaharian.

Nagpulong sila para mabawi ang mga mag-aaral at ang prinsesa.

Samantalang si Ethan ay tinitipon ang hukbo ng mga Lyre. Naghahanda na sila para sa pagsalakay sa akademya ng Dapire.

"Sasama kami Ethan."

"Huwag na Erin. Dito na lang kayo masyadong mapanganib para sa iyo na sumama pa."

Kinalabog ni Erin ang nasa harap nyang mesa. Tipong hindi nya ito mapipigilan na sumama at wala syang mamagawa kun'di ang sumang-ayon.

"Ethan nandoon ang kaibigan ko! Ang kaibigan natin! At wala ka nang magagawa para pigilan ako." Disididong saad ni Erin.

Nagbuntong hininga naman si Ethan na para bang wala na syang magagawa pa para kumbinsihin ang nagmamatigas na nilang kaibigan.

"Okay sige. Pero sasama ka sa amin para tumulong sa mga healers, kung kinakailangan talagang lumaban, sige hindi kita pipigilan." Saad ni nito.

"Kailan tayo lulusob?" Seryosong tanong ni Ximon.

"Nakausap na nila ama't ina ang iba't ibang kaharian. Sang-ayon sila sa plano natin. At nagpadala na rin ako ng tauhan para ipaalam na lulusob tayo mamayang madaling araw." Tugon nito.

"Masaya 'to." Naka-ngising saad ni Gray.


~Dapire Academy~

"Mahal na Reyna." At yumuko ito sa harapan ni Santana.

"Bakit naparito ka? Anong balita?"

"Napag-alaman po naming lulusob dito ang apat na kaharian, ngunit hindi po kasama dito ang palasyo ng Enchantrous."

"Kailan sila lulusob?!" Galit na tanong ni Santana. Tila hindi niya ito inaasahan na ganoong kadaling panahon. Siguro ay alam na nilang nasa kanya na ang prinsesa.

"Mamayang madaling araw ho." Sagot ng tauhan nito.

"Sabihin mo sa lahat na maghanda at dakpin nyo lahat ng tao dito sa Akademya!" Agad namang sumunod ang kanyang tauhan sa inutos nya.

"Akala nyo ba hindi kami handa? Matagal ko na yang hinihintay Jane. Sa tingin nyo ba mananalo kayo? Hindi! Dahil napakarami kong alas laban sa inyo! Magugulat ka na lang dahil ang matagal nyo nang hinahanap ang syang magpapabagsak sa lahi nyo!" At saka sya humalakhak ng malademonyo.


Pyra's POV

"Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo sila?" Inosenteng tanong ni Cyrus.

Ito na naman sya eh, nangungulit. Kanina pa sya sunod ng sunod.

"Hindi ko din alam." Simpleng sagot ko.

"Hey, bakit may mga sumisigaw? Bakit nyo sila dinadakip?!" Tanong ko sa mukhang namumuno sa kaguluhang ito.

"Utos po ito ng inyong ina." Saad nito.

Tumakbo ako para pumunta sa kulungan.

"Teka ang bilis mo naman!" Reklamo ni asungot.

"Woah sino itong magandang dilag na nakakulong?" Tanong ni Cyrus.

"Emylie ang pangalan nya."

"P-pyra?"

"Pyra? Sinong Pyra? Baka Cyrus?"

Inirapan ko naman itong si Cyrus. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

Nakita ko ang mga mag-aaral dito na dala-dala ang mga taong nag-aaral din sa akademyang ito.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostWhere stories live. Discover now