~// Chapter 3 //~

10.8K 371 33
                                    

Pyra's POV

Tatlong katok ang narinig ko mula sa pinto ng aking kwarto. Ano ba yan, istorbo!

"Hmmm... Sino ba yun?" Sabi ko ng inaantok at nakapikit pa ang mga mata.

Hanggang sa lumakas ang katok nung taong istorbo na yun.

"Xam! Buksan mo ang pinto." Teka parang si..... Bigla akong napabangon pero antok parin ako. Papungay-pungay akong lumapit sa pinto.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang naka cross arm na si Alice.

"Oh ano ba yun? Ang aga-aga nang-iistorbo ka." Pagrereklamo ko sa kanya. Ang sarap pa kasi ng tulog ko eh.

"Anong ang aga-aga ka dyan?!"

Tinignan ko sya ng inaantok at bored na look.

"Tingnan mo nga ang oras aber!" At itinapat nya ang wrist watch nya sa pagmumukha ko. May pagkamaingay din pala itong si Alice.

Ginawa ko naman yung sinabi nya at...

"O MY GAS!! 11 am na?!" Taranta kong sabi.

Hindi nya ako pinansin at pumasok sa loob ng dorm ko.

"Oh ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Magbihis ka na." Utos nya.

"Oo na, ito na po!" Pumunta agad ako sa kwarto ko at namili ng damit na isusuot. Nasabi ko bang mga naka-dress lang ang mga babae dito?

Pinili ko yung violet dress. Simple lang sya at paborito ko talaga ang kulay na violet!

Matapos kong maligo at gawin ang morning rituals ko ay lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si Alice na nakaupo sa cough.

Tumayo na sya at nagyayayang umalis na.

"Teka saan tayo pupunta?"

"Sa canteen. Wag mong sabihing hindi ka nagugutom?"

"Ahh hehe sige tara na!" Masigla kong sabi. Gutom na kasi ako eh pati yung mga sawa ko sa tiyan baka magalit sa akin eh.

Pagkarating namin dun ay kumuha na kami ng sarili naming foods. Nasabi ko na bang libre ang mga pagkain dito? Kung hindi pa, pwes libre LAHAT ng pagkain dito!!

50 thousand ang tuition dito isang bwan. Ang mahal nga eh at hindi ako makapaniwala.

Kumuha ako ng 1 cup cake, 2 slice of chocolate cake, 3 chicken, 1 rice, 2 grapes juice, 1 pancake, 3 coockies, 3 brownies, 1 siopao, 1 siomai and coockies & cream ice cream. Halo-halo na ang inorder ko. Umagahan at Tanghalian ko na yan noh! With dessert pa. Haha isang rice lang hindi kasi ako mahilig kumain nun.

"Grabe di halatang gutom ka." Singit nya.

"Bakit sino ba nakahalata?" Natatawa kong sabi. Inirapan naman nya ako. Ganyan kami nag-iirapan, ganyan ang lambingan namin kahit nung isang araw ko lang sya nakilala haha.

Tapos ng kumain si Alice, pero ako kumakain pa din. Malapit na din akong matapos.

"Alice!" Napalingon si Alice sa tumawag sa kanya. Si Paollo pala.

"Oh bakit?" Sagot ni Alice na nasa harapan ko.

"Pinapatawag ka ni principal Jane."

"Ganun ba? Osige una muna ako Xam ah. Babalik agad ako." At umalis na si Alice kasama si Paollo.

Eto na naman. Mag-isa na naman ako. Ayos lang, sanay naman na 'ko. Okay nagda-drama na naman ako!

Naubos ko na yung mga pagkain ko kaya bumili ulit ako. Wag kayong mag-alala chuckie lang bibilhin ko.

Vampyra Academy: The Comeback of the LostWhere stories live. Discover now