Rugby

66 1 0
                                    

Aba, ginoong tadhana,

Napupuno ka ng grasya,

Tila ba'y pinagkaitan mo ako?

Lubos kang hinahanap at ipinagdarasal ng lahat,

At hinahanap na rin ang kaunlarang kakambal mo.

Sa aking palad

Nakaguhit ang mahiyain mong pagngiti

Ngunit nakabaligtad yata ang aking tingin,

Nakasimangot ka, malinaw,

Dahil ako'y tila minamalas pa rin.

Tuwing babangon ako para sa bagong umaga,

Parang lumalalim lalo ang hukay ko,

Ibinabaon,

Inililibing,

Gayong kumakayod lang naman ako?

Kapag sumapit na ang dilim,

Ang mga tao ay nagkukumpulan sa  kahit katiting na liwanag,

At aasang ito'y magbibigay sa kanila ng pagkakakinlan,

Na mabuksan nito ang kanilang paningin,

At bigyan ng pag-asa na makikita na ang paroroonan.

Yung tipong

Naririnig ko na ang maliliit na turnilyong

Umiikot sa kanyang ulo,

At bakas pa ito sa kunot ng kanyang noo,

Nangangati

Ang kanyang mga kamay

Na humawak,

Humaplos,

Pilit inaabot,

Ang direksyon ng liwanag na inaangkin mo.

A String of Words (Book 1)Where stories live. Discover now