Ang tulang ito ay pinamagatang Ayo.
A-Y-O
Ito ang tawag sa nararamdaman mo kapag hapong-hapo ka na, sawa na sa buhay
Yung tipong nakangiti ka isang minuto at lumuluha na kasunod
Pakiramdam kapag nais mong isuka ang iyong pagkatao pero di ka pa handang lisanin ang mundo...
Ayo.
Ito, ay walang kahulugan.
O maaring ito ang lahat ng kahulugan na nilalaman ng isang tatlong-letrang salita?
Ayo.
Ito, ang lahat ng paliwanag sa mga damdaming wala namang pangalan.
Ayo.
Ito, ang tawag sa kombinasyon ng kapayapaan at digmaan
Ayo.
Ito, ang buhay ko matapos mo akong iwan..
Ayo.
Gusto ko man sanang sabihin na ito'y isang hiram na salita na may malalim at ubod na halagang kahulugan ay hindi maari
Na ipinamana ito ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng tita ng ama ng tiyo ng pamangkin ng bayaw ng ninong ng nanay ng biyenan ng anak ng kuya ng ate niya, ay hindi.
Nangangahulugan ito ng Wala.
Pero bago ang lahat,
Ayo na walang pakahulugan maari ka namang bigyang umpisa.
Dahil bago nawalan ng saysay ang salitang ito ay nagkaroon muna ang lahat ng bagay ng simula
Gaya ng buhay ko bago ka pa naging bahagi nito—ay mali—
Bago pa umikot ang mundo ko sa isang tulad mo
Ayo
—DayoHindi ka naman taga-rito
Isa kang dayuhan sa aking mundo
Hanggang sa binalot ng presensiya mo ang lahat ng nandito
Karisma na nakalalason
Napaikot mo pati ako
Nakahuhumaling ang iyong mga ngiti
Matatamis pati iyong mga pagbati
'Gang sa naging pamilyar ako sa init ng iyong mga kamay
Sa mga sulyap mong nakamamatay
At ako, masaya
'Gang sa namalagi ka na sa isipan ng isang dalaga
Ayo
—Tayo naging mas malapitNakabigkis ang ating mga braso sa bawat desisyon na ating gagawin
Nakasalalay ang buhay natin sa ating bawat paghinga
Hindi ko kakayanin 'pag wala ka.
Ayo
—Sa'yoNangako sa isa't isa
Dahil may tiwala ako sa iyo
At ikaw sa akin
Hawak mo na ng buong-buo ang aking pagkatao
Ikaw ang umangkin ng lahat ng karanasan at unang pagkakataon na aking dinanas.
Ayo
—HayoNagtanan, tumakas
Nagbalak magpakasal
At sumumpa sa harap Niya
Dahil mahal, handa ko na yatang harapin ang mundo basta't hawak mo ang kamay ko.
Ayo
—MayoO naku, bakit ganito anong nangyari?
Umabot lang tayo ng tatlong buwan bago ko nadiskubreng tumitikim ka ng ibang putahe
Hindi ba ako sumapat sa iyong pamantayan?
At di nagtagal lang ay nahuli kong kumakaliwa ka?
Ayo
—KayoMas pinili mo siya
Umiikli, humahabol na lamang
Ang aking mga salita
Ayo
—LayoNamaalam ako,
Iniwan na kita.
Ayo
—PayoKakalimutan na kita
Tutal kinalimutan mo na lang rin ako.
JE LEEST
A String of Words (Book 1)
PoëzieEnglish/Filipino Poems. Thoughts. Voices in my head. Kalipunan ng mga kalakasang matatagpuan sa isang tula.