Sa Mundong Likha ni Plato

241 2 0
                                    

Kaligayahan;
Naimbento ng isang nahumaling sa konsepto nito taong Mula pa Noong Una
Kung saan wala pang ganap at buo
At wala pang simula at dulo

Nilalang ito sa mundo ng porma
Perpektong mundo kung saan ang lahat ng bagay na alam mo:
ay maganda

Mga luha ay mga tawanan
Ang arko ng mukha ay isang ngiti
Ang sakit ay ginhawa
Walang mali;
Lahat ay pawang tama

Nasa isip ang katotohanan
At ang katotohanan ay imahinasyon
Lahat ng bagay ay naiisip at nililikha
Nararamdaman, at ginagawa

Ang wala ay nandito
Naririto,
Nilalang,
Nananatili,
Buhay,
Hindi imbento
Hindi ilusyon o espasyo o blangko

Hindi nalilimutan...
Nililimot...
Dito sa atin
Sa mundo ng Pagbabago

Kakambal ng Perpektong Mundo Repleksyon sa salamin
Parang dalawang mukha ng isang piso
Walang saysay ang isa kung wala ang kakambal na mamalasin

Dito sa pagbabago
Hindi lahat ay bago
Ngunit ang lahat, nagbabago
Dito masakit sa katawan, sa kalamnan, sa sentido
Sa puso
Dito ayoko na
Dito kahit mahirap na talaga ay may mas mahirap pa pala

Yung tipong susukuan mo na,
May daragdag pang paasa
Na ilang ulit mang subukin ay talagang mabibigo ka rin

Dito lugi ang lahat, laging talo
Ang mga tao ay pulubi sa tunay na mga tao
Walang kabuluhan ang mamuhay ng maligaya
Dahil dito
Di uso ang konsepto

Dito lumuluha
Bingi ang lahat sa maliliit na kampana ng tawa
Dito ang mga ngiti ay arkong tumataob
Ang haplos ng ginhawa ay kakaibang sensayon na lingid sa pakiramdam,
Hindi kilala

Ang Kaligayahan ay isang mitolohiya
Di umiiral sa bokabularyo ng mundo ng Pagbabago
Isang kamay na bumibitin sa iyo sa parang
At pag siya'y bumitaw ikaw ang laging talo
Kaya't payo ko sa'yo:
Wag ka nang umasa pa

Wag ka nang umasa pa, (g*go) tao.

A String of Words (Book 1)Where stories live. Discover now