Gatilyo

98 1 0
                                    

Pag segundo na lang ang binibilang mo

Biglang tumatalas ang iyong pandinig

Nakasentro sa bawat indibidwal na ingay sa paligid

Tila nagpapaalaala na maraming nilalang ang kabilang sa laro

Laro ng Buhay

Nagpaparinig ng sigla na kailanma'y di mo maaatim o mararanasan

O maging bahagi nito

At ang magagawa mo lamang ay ang makinig at maging saksi

Nakapikit ang mga mata

Hihinga ng malalim

Pababaw ng pababaw

Hanggang sa nakalimutan mo na ito ay isang ensayo ng baga at trabaho ang bawat singhot ng hangin

At pintig ng puso

At masyadong maingay

At masyadong maliwanag

At parang mahirap bumalanse sa sariling mga paa

Ang pokus ay wala na sa isang segundo

At isang minuto

At dalawa,

Tatlo

Hanggang sa maluha mula sa inis at hindi masolusyonang kalituhan

Masyadong masikip

Ang damit na nakayakap sa katawan

Ang balat sa aking isipan

Ang mundo sa kanyang kabaliwan

Na parang gusto ko na lang itong iwan

Pero parang hindi pa handa

Hindi pa plantsado ang mangyayari

Kaya't magpapakahirap na sumisid

Sa dagat ng pag-aalala

At ilog ng problema

Hanggang sa mapadpad na sa isang isla kung saan ako lang ang makapupunta

Walang gambala

Walang pabigat

Walang hadlang sa paghigpit ko ng lubid sa aking lalamunan

O sa pagguhit ng linya na may pulang tinta sa aking pulso

Kahit ang pagtulog sa ilalim ng tunog ng pumapatak na tubig

At ang paglundag gaya ng isang ibong sinusubukang lumipad pabagsak sa lupa...

At hindi na,

Hindi na makababangon pang muli

A String of Words (Book 1)Where stories live. Discover now