Chapter12 : Princess Cassy

Start from the beginning
                                    

"I missed this" she said and giggled

"Bilis Hyra I wanna Try din kaya" sigaw ni Daughne na nakatayo habang nag-crossed arms

"Oo, na tumahimik ka lang diyan" sabi ni Hyra. Kaya napangiwi ako mabigat kasi yang si Daughne


"How was your workout?" tanong ni Shy habang nilamon ko ang Tuna Sandwich na ginawa niya. Bigla akong nasamid ng maalala ko kung gaano kabigat si Daughne

"It was suicidal" bored kong sabi bago ininum ang juice. Natawa naman si Shy sa sinabi ko

"Ginawa na naman bang couch ang likod mo?" sabi niya kaya I rolled my eyes

"Nagtanong ka pa" sarcastic kong sabi. Alam na alam kasi niyang gawain ni Hyra yun.

"Since we got here ngayon lang kita ulit nakitang nag-work-out ahh...but in Korea everyday mo itong ginagawa" sabi ni Shy. How can I? Eh sobrang siksik ng sched ko noh' isama mo pa ang feeling Boss na si Vlad kaya nga parang kinakalawang na ako eh'

"Why are you late last night? Ano na naman bang plano ni Vlad?" tanong niya sa akin habang nakangisi. Naalala ko na naman ang hambog na lalaking yun at ipinusta ba naman ako kapalit ng lambo? The heck! Sarap sakalin.

I shook my head "D-amn him..naiinis pa rin ako sa lalaking yan he keeps bugging me kahit wala naman talagang epek ang ginagawa niya" Biglang ngumisi ng kakaiba si Shy

"Wala ba talaga? O nagtitimpi ka lang?....I know you Cassy and this is the longest you've hold your temper, ever" sabi ni Shy at nagsimulang magtype. Yes. Ako ang may pinakamaikling pasensya sa Gang namin konting mali halos bugbugin ko na pero iba ngayun. I'm at the Philippines at malalaman at malalaman talaga to ni Tito Ken.

"Nagtitimpi" kung alam mo lang Shy kung gaano ko gustong ibitin yang si Vlad at pagtatadtarin ang katawan pero hindi ko talaga magawa. "Nasend mo na?" tanong ko kay Shy kaya tumango lang siya

"Yup' Queen at I'm sure natanggap na niya yun" sabi ni Shy.

Vlad~

"Hoy Dude" tinignan ko lang ng masama si Rainer

"Huwag kang manggulat sayang ang effort mo" inis kung sabi. Lagi kasi yang nangugulat pero hindi naman ako nagugulat.

"Grabe Dude hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang natulog lang sa boung karera yung Cassy na yun..."sabi ni Rainer habang kinukuha ang wine at nilagok. Kahit ako hindi rin makapaniwala.

"Dude? Ang haggard ng mukha mo. Natulog ka ba?" natatawang sabi ni Dred na dumaan sa harap ko kaya agad hinawakan ni Rainer ang balikat ko at pinaharap sa kanya sinuri muna niya ang mukha ko.

"Ang pula ng mata mo tapos ang laki ng eye bag" sabi niya at pinipigilang tumawa "Pfft..Hahahaha" natawa na talaga siya kaya sinamaan ko agad ng tingin. D-ammit!

"Tigilan niyo ko" matigas kong sabi at tumayo pumasok sa kwarto ko dito sa Scorpion's Den

Tumalon ako sa kama at inihiga ang sarili. Tinitigan ko lang ang kisame

"Arghhhh! Ano bang meron sa sinabi niya?" frustrated kong sabi at ginulo ang buhok ko. Honestly hindi ako nakatulog sa iniwan niyang salita.

'May tiwala ako sa 'yo'

How can she trust me kung ako nga ang dahilan lahat ng paghihirap niya?

Fine. Wala pang nagsabi sa akin ng ganyan in my 19 years of existence. Wala pang nagsabing may tiwala sila sa akin even my Dad and Mom.

The Gangster Chick [UNDER MAJOR EDITING] COMPLETEDWhere stories live. Discover now