Chapter 6

497K 8.8K 342
                                    

The Gangster Chick 6

"Ano ba kasing nangyari?" Hindi ko na lamang pinansin ang tanong ni Hyra at patuloy pa rin ako sa pagbabasa.

Silang apat ay nakatingin lang sa replay ng video sa cctv at pilit nilang iniintindi ang pinaguusapan namin.

"Cassy bakit galit na galit si Vlad?" Hindi matiis na tanong ni Shy habang titig na titig sa screen. 

"Look, parang pay pinopoint siya ng finger sa loob eh" Turo ni Daughne sa screen nang makita si Vlad na tinututuro ang gate.

"Hoy, Cassy bakit nga kasi galit na galit yung Vlad na yun? Nagsisigaw pa nga sa labas eh" sabi ulit ni Hyra pero umiling lang ako habang patuloy pa rin sa pagbabasa.

"Ano ang sinabi niya at bakit pumunta siya ng ganitong oras?" Puno ng pagtataka na tanong ni Shy habang nakakunot ang noo sa screen kung saan makikita ang cctv.

Lumingon siya sa gawi ko at muling ibinalik ang tingin sa screen. Puno ng kuryusidad ang mukha nito.

"What did you tell him ba?" Nagtatakang tanong ni Daughne.

Isinara ko ang libro na binabasa ko at lumapit sa screen na pinagkakaguluhan nila.

"Hayaan mo yung baliw na yun dun" sabi ko at pumanhik sa taas.

"Hoy Bruha! Hala lagot ka dun" tapos nag-hand gesture pa siya na 'Hala ka' agad ko siyang tinaasan ng kilay

"Shut up Ace. I'm not in the mood. Paalisin mo yang lalaking yan bago ako magalit" sabi ko at umakyat na. Paki ko dun kung nagkabukol siya? Kesyo daw ako ang nagtulak sa kanya.

Calling.....0908379****

Sino na naman 'to? Pinindot ko na ang answer at baka importante. Sasabihin ko sanang Hello? pero agad kong nilayo ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses

[HOY! BABAE SINASABI KO SA 'YO MAGBABAYAD KA SA GINAWA MONG BUKOL SA ULO KO! LALO MO LANG DINAGDAGAN ANG GALIT KO SA 'YONG BABAE KA! HUMANDA KA SA LUNES KAKALBUHIN KA NG FANS KO AT-] hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko ang tawag. Ang ingay eh daig pa ang bakla. Agad kong nilagay ang number niya sa Block List. Saan naman niya nakuha number ko? At paano niya nalaman address ko? Ay Oo, nga pala makapangyarihan ang lalaking yun, baka nga siya ang may-ari ng school. Sa apelyido pa lang, alams na

—-

Vlad~

"Dude!" bati sa akin ni Rainer na may hawak na alak. Nandito kami sa condo naming magbabarkada, Scorpion's Den daw ito sabi ni Rainer. Mga kabaklaan na naman niya.

"Umalis ka sa harapan ko" singhal ko habang hinihimas ang ulo ko. Bwiset na babaeng yun ang lakas para matulak lang ako ng ganun o baka sadyang nawala lang talaga ako sa sarili ko. "Bigyan mo ako ng ice dali" sigaw ko kay Rainer na nag-aayos ng Ipod niya dahil nagsa-soundtrip.

"Right away Sir" nagsaludo pa siya bago umalis, napailing na lang ako. Bagay talaga ang isang yun sa kaibigan ni Cassandra, yung isip-bata? Bagay sila eh. Ang sarap pag-untugin. "Vlad oh' Ano ba kasing nangyari?" inabutan niya ako ng ice rack na puno ng ice cube.

"Nabukulan , ano pa?"

"Pumunta ka lang kila Cassy nagkabukol ka na?" tumawa pa kaya pinaningkitan ko siya ng mata

"Nakiki-Cassy ka pa! Close kayo?" sarcastic kong sabi kaya tumawa lang siya

"Narinig ko lang..mas gusto ko ang Cassy eh'-Teka nga ano nga kasing nangyari?" napailing na lang ako ng maalala ko ang itsura ni Cassandra.

Bakit ba kasi ganun ang suot niya? Paano kung may bisita silang dumating. Paano kung may manyak na makita siya edi pagpapantasyahan siya 'pag nagkataon? Hindi ko naman kasi siya nakitang naka-short, ang mga kaibigan niya Oo, pumasok sa school na naka-short wala naman kasing Dress Code ang University ko dahil hindi naman kasi nakakabawas ng utak ang pagdamit ng hindi casual. Aish' ba't ba kasi ang puti ng babaeng yun? Ganun ba talaga yun 'pag nasa bahay lang? Naka-Racer Back tapos short? hindi naman talaga maikli ang short pero Aish! Basta ang hita niya kasi ang puti tapos ang kinis. Ano ba 'tong nasa isip ko? Sisilip lang naman sana ako sa bahay niya. Hindi ko naman talaga intensyon na magpakita pero biglang may lumabas eh' yung kaibigan pala ng Cassandra na yun. Biruin niyo ang isang Cassandra na napakakinis at balingkinitan ay nakapaa sa labas ng bahay nila? Iniisip ko pa lang maraming galos na ang paa nun sa kin-

The Gangster Chick [UNDER MAJOR EDITING] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon