Chapter12 : Princess Cassy

476K 7.9K 278
                                    

MADAMING ERROR SOBRA!

The Gangster Chick 12

"Sige na Arrianne this is the only way"

"A.YO.KO. Gagawin ko ang lahat huwag lang ang request na yan" matigas na sabi ni Arrianne.

"Hindi ka pa ba nakamove-on dun?" natigilan si Arrianne

"Tumahimik ka Hyra ah' matagal na akong nakamove-on sa lalaking yun ayoko lang talaga sa request niyo"

"Bigyan mo ako ng magandang rason Arrianne"sabi ni Hyra pero umiling lang si Arrianne

"Ang ingay niyo"sabi ko ng madaanan ko na sila

"Act professional Arrianne" sabi ni Shy na nakaupo sa couch habang nasa Laptop ang mata

"Cassy since malapit kayo ni Vlad pwede mo ring gawin ang part mo" sabi ulit ni Shy

"Anong part?" nag-type muna siya bago sumagot

"Ang kausapin si Vlad baka makakuha tayo ng lead diyan" sabi niya kaya hindi ko na lang siya pinansin

"Ikaw Daugh doon ka naman kay Zack and Ikaw naman Hyra ay kay Rainer" dagdag ni Shy

"Eh ikaw saan? Sa laptop mo? Tumahimik ka diyan Shy huwag mo akong idamay diyan" sabi ni Arrianne at padabog na umakyat.

"Para Fair doon naman ako kay Tuck"sabi ni Shy kaya natigilan kami. Seriously? Makikipaghalubilo siya sa lalaki?

"CALL" sigaw ni Hyra at Daugh. Ikaw ba naman na malaman mong makikipaghalubilo si Shy sa lalaki tiyak magugulat ka

"No" sabi ni Arrianne na nasa lobby lang pala. Ngumsi si Shy

"Magiging Boyfriend ko..ano?" mataray niyang sabi kaya nanlaki ang mata ni Arrianne as well as Hyra and Daugh

Napabuntong hininga na lang si Arrianne bago tumango "Magaling ka ha" sarcastic na sabi ni Arrianne bago tuluyang umalis

"YES!" sabay nilang sabing tatlo

"Pakana ninyo lahat to noh?" sabi ko at inisa-isa silang tinignan. Napayuko naman si Hyra

"Kasi Queen para maging madali ito para bumalik na tayo sa korea..."sabi ni Hyra

"We're just helping you Queen" tumango lang ako at pumunta sa mini Gym.

Thank God its Saturday again. I love weekends hindi ko kasi makikita ang pagmumukha ng Vlad na yun at ang mga out of the world na utos niya. Biruin niyo? Assistant ako pero pinalinis ako ng napakaruming CR? How come nagiging ganun yun? May Janitress naman. Kulang na lang utusan akong dakpin ang utot niya. Ang mga kaibigan ko naman tawang-tawa sa mga ginagawa ko. Kung makikita raw ako ng mga underlings ko sa Korea tiyak na mawawalan ito ng respeto sa akin.

Nagsout agad ako ng Gym Bra at maliit na shorts at nagsimulang mag-work out, 400 push-ups lang naman at 200 sit-ups tapos treadmill.

"OMIGOSH! This is all I want" sigaw ni Hyra. Na rinig hanggang dito sa mini gym. Huminto muna ako sa pag push-up and rolled my eyes. Exciting ka diyan

In less than a minute tumatakbong pumasok si Hyra na may dalang Ipark Tablet.

"Me din Hyra ha? Pagtapos mo" sabi ni Daughne na may dala ring phone

"Stop muna Cass" excited na sabi ni Hyra. Tumigil na ako at naramdaman ko na lang na nakaupo na sa likod ko si Hyra at naka-indian seat habang hawak ang Ipark Tablet niya. Nakasanayan na talaga niya itong gawin. Ang isip bata na to ay mahilig tumambay sa likod ko habang nag pupush-up ako kahit sa Korea

The Gangster Chick [UNDER MAJOR EDITING] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon