Chapter 48- Lucky

Start from the beginning
                                    

"She doesn't have to." lumabas si daddy mula sa backdoor sa kusina.

"Why not?" tanong ni mommy.

"May sundo naman sya eh." sagot ni daddy.

Napatilt ung ulo ko sa isang side. Nagtataka naman ako kung sino ung sundo ko. Imposible kasing si Rev kasi hindi un nagsusundo ng 6 am sakin. Kaya sino naman kaya yun?

"Sinong sundo nya?" tanong ni mommy.

"Tignan mo Kylie sa may gate." sabi sakin ni daddy.

"Ok...?"

Naglakad ako palabas sa gate ng bahay namin. Binuksan ko ung gate at nakita si Rev na nakaupo sa gutter na nakapasak ang headset, suot na cap ngunit hindi sya tulog dahil may ginagawa sya sa phone nya.

Napangiti naman ako nang makita ko sya. Di pa nya alam na nakalabas na ako dahil nakatuon parin ung pansin nya sa kanyang phone kaya pumunta ako sa likod nya at tinakluban ung kanyang mata gamit ung dalawa kong kamay.

Kinapa-kapa nya muna ung kamay ko bago pa sya sumagot. Pinipigilan ko na din ang tumawa dahil mukhang mula sa pagkapa sa aking kamay ay hinuhulaan nya ung nagtaklob sa mata nya.

Nagtaka nalamang ako nang hawakan nya ito at hindi tinanggal sa kanyang mga mata. Ung hawak na... as in hawak.

"Halatang halatang tamad ka." sabi nya habang hawak ang aking kamay na nakataklob pa sa kanyang mga mata.

"H-huh?" nalilitong tanong ko.

"Ang kinis kasi ng kamay mo eh. Hindi magaspang." Tinanggal nya ung kamay ko sa mata nya saka tumingin sakin at ngumiti.

WTF. BAKIT ANG GWAPO NYA?!

"Bakit hindi ka pumasok sa bahay?" tanong ko.

Tumayo sya at humarap sakin, "Wala lang. Nagpapainit lang." sagot nya.

"Wag ganun. Lalo kang iitim." biro ko.

"Pakyu ka haha."

"Kaw din." I pout.

"Tara na sa school." aya nya.

"Pupunta ka sa school nang nakaganan?" tanong ko sabay napatingin sa kanyang suot na sweat pants na grey, sandong puti pero natakluban ito dahil sa kanyang kulay pulang jacket.

"Oo. Anong masama sa suot ko?"

"Wala naman. Tsaka, wala kang klase ng ganitong kaaga diba?" sabi ko.

"Kaya nga." sagot nya na parang wala lang sa kanya.

"Ok lang sayo ang maglakad ng ganitong kaaga? 6am palang oh." sabi ko.

"Basta ikaw. Malakas ka sakin eh." then he winked at me.

"Haha. Ok sige."

Nagsimula na kaming maglakad. Magkatabi kaming naglalakad sa gutter. Malapad naman ang gutter dito sa subdivision. Pwedeng maglakad nang sabay ang tatlong tao.

"Musta tulog mo?" tanong nya.

"Ok lang naman." sagot ko.

Humatching sya, "Ah ganun ba?"

"May sipon ka?" tanong ko.

"Oo eh." sagot nya.

"Uminom ka ng maraming tubig para mabilis na mawala yan." sabi ko.

Pagkatingin ko sa kanya, nakangiti sya. Ung slight na smile pero cute. Ah hindi ko maipaliwanag! Haha. Basta ang cute ng ngiting un!

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko.

My Bully Best FriendWhere stories live. Discover now