Hindi niya maaninagan kung ano ito kaya binuksan niya ang ilaw sa kwarto ngunit nawala ang kinang, muli niyang pinatay ang ilaw at kumislap kislap itong muli.

"Uh.???" binuksan niya ang pintuan at nakita ang limang bodyguards niyang nakatitig sa kanya.

"Hi po. Hehe.. matutulog Na po talaga ako .. " sinara niya uli ang pinto.

"Uhmm.." nilingon muli ang makislap Na bagay.

BiNuksan niyang muli ang pinto.

"Mga kuyang guards. ^_^ pwede po bang favor hehe he.."

"Uhmm!! Hmp!! ." Tinatalon niya habang pinipilit Na masungkit ang makislap Na kanyang nakikita. Hiniram niya ang flash light ng isa sa mga bodyguards niya, nagpakuha din siya ng kahit anong mahabang bagay ang binigay sa kanya ay ruler.

Hanggang sa makarinig siya ng isang sigaw.

"Yung bata!!."

"Nasa taas!!."

biglang malalakas Na putok nang baril ang narinig niya, at halos walang tigil.

Napatakbo siya sa pinto at nilock ito.

"huHuhuhu.... Mommy.... Mommy..."

Napaiyak Na siya sa takot at nagtalukbong ng kumot.

"Hindi ako magaling sa tago taguan .. palagi nalang akong taya.. Hindi ko alam kung San ako magtatago.. mommy...huHuhuhu.."

Tinignan niya nalang ang mga anino mula sa liwanag sa labas ng pinto niya Na maaaninag sa sahig.

Mga tumatkbo.

At ang sigaw ng daddy niya at kanyang mommy.

"Wag niyo siyang idadamay napakabata pa niya.."
Pagmamakaawa ng kanyang mommy.

Tinakpan niya ang tenga niya at taimtim Na nagdasal sa utak habang ang luha niya ay walang tigil sa pag buhos.

Muli napadilat siya at lumapit sa kumikislap Na bagay sa kisame.

Pinagpatong patong niya ang dalawang magaan na drawer Na pinatumba niya nag patong patong siya ng mga unan Hindi gaanong mataas ang kisame ng kwarto niya kaya madali siyang nakaakyat.

Saka niya naabot ang kisame at umakyat roon.

"huHuhuhu mommy.. daddy... Nasan po kayo . huHuhuhu ... Mommy daddy..."

Gumapang siya ng gumapang hanggang sa makarating siya sa bandang dulo Na may maliit Na butas masisilip niya ang labas.

"huHuhuhu..Mommy...Daddy.."

Hanggang sa marinig niya na nabuksan ang pinto.

Tinakpan niya ng dalawang kamay ang kanyang bibig.

"Bata...."

"Nasaan ka... Hahahah!! Mabuti pa lumabas kana diyan.. patay Na ang pamilya mo.. kaya maButi pa lumabas kana rin para magsama sama Na kayo..."

Umiiyak padin siya ng tahimik.

"Nasaan kaya ang batang yon.. lumabas kana... Wag mo Na kami paghanapin dahil kahit San ka magtago papatayin ka padin namin!!."

Hahahah ahahha!!!

Malakas Na tawanan ng mga kalalakihan.

Hanggang sa makita niya ang isang maliit Na kumikinang Na bagay.

Gusto niya itong lapitan kaso baka marinig siya mula sa itaas ng kisame.

"Tara Na nga pare baka wala Na yung bata."

Ng marinig niya yon ay unti unti siyang gumapang palapit sa maliit Na butas ng kisame Na binuksan niya.

Naaninagan niya ang kumikinang kinang Na libro.

Kinuha niya ito.

"Bulaga!!!" Sigaw ng lalaki

"Ahhh!!!!!." Napaatras siya sa takot at gulat nadin.

"Mommy!!! Daddy!!!! Mamita!!!! Tulong po!!! huHuhuhu.. tulong!!! Tulong!!!."

Wala siyang magawa kundi sumigaw habang yakap ang libro at nagsumiksik sa dulo ng kisame.

Hanggang sa itutok Na ng lalaki ang kutsilyo sa kanya.

"Mamamatay kana...." Nakangising sabi ng armadong lalaki.

Napapikit siya habang yakap ang libro.

Walang tigil sa pagpatak ang kanyang luha.

Hinawi ng lalaki ang buhok niya at dinikit sa kaliwang leeg niya ang kutsilyo.

Ang dulo ay nakatutok sa kanyang panga.

Dahan dahan iginuhit ng lalaki sa panga niya ang matalim Na kutsilyo.

Ahhh!!!!

Iyak nalang ang nagawa ni ada.

Hanggang sa nagdugo Na ang kanyang panga.

Hindi niya na maramdaman ang sakit dahil sa mas nangibabaw ang takot niya.

"Itong para sa anak ko!!!!."

Huling sinabi ng lalaki bago siya atakihin ng saksak .

Napikit siya ng Mariin habang yakap ang libro at basang basa siya ng kanyang sariling dugo.

"Ahhh!!"

Walang patalim.

Nagtataka siya kung bakit sumigaw ang lalaki sa takot.

Pagdilat niya..

Isang lalaki..

Walang damit Na lalaki..

Ang Humarang sa lalaki na dapat ay sasaksakin siya

Napatulala nalang siya

Dahil hawak nito ang mismong talim ng kutsilyo at binali ito.

Hindi nag sasalita ang lalaki.

Nanghina siya ng lumingon ito sa kanya.

Pero bago siya mawalan ng malay.

Isang malabong mukha ang nakita niya.

Pero Isa lang ang di niya makakalimutan.

Umilaw ang kung anong bagay sa dibdib nito.

Sa bandang puso.

TBC.


A

/N)
JiChang wook as andrei or night

Meant For You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon