Nakakunot noo akong nakatingin sa papaalis niyang rebulto. Ang gulo niya. Wear something nice? Napatingin ako sa suot kong damit. Napapangitan ba siya sa mga sinusuot kong damit?

Nagbeep ang cellphone ko kaya chineck ko yun.

From: Gray the fucker

Try me. Papasabugin ko yang kompanya niyo.

Nagmamadali kong pinaharurot ang kotse ko. Patay na naman ako! Ang malas ko naman ngayon!

Bumungad agad sakin ang magulong paligid pagpasok ko. What happened? Punching bag na naman ba ang role ko? Ilang concealer na ba ang nagamit ko para takpan ang mga pasang dulot niya?

"The bitch is here..." napatingin ako sa pinto ng kusina at nakita ko siya dun na nakasandal.

Umiwas ako ng tingin sakanya. No. Di ko siya mahal, di ko na siya mahal. Di ko siya namiss.

"Para kang nakawala sa kural nung wala ako 'no? Kung sino-sino siguro nilandi mo nung wala ako?" Nakangising saad nito.

Hindi kaya! Si Sir Kai lang nilandi ko! I mentally shake my head sa naisip ko.

"Don't worry. We're gonna play today." ngising demonyong sabi niya.

Pasuray-suray itong lumapit sakin. Napapaatras ako sa bawat lapit niya. Patay na talaga ako! Lalo na't lasing siya.

"Don't fucking step back, you bitch!" Galit na utas nito.

"I'd behave while you're gone! Wala akong ginawang ikagagalit mo!" Tarantang saad ko.

Ayoko masaktan. Ngumisi lang 'to sakin.

"Nakikita pa lang kita nagagalit na ko!" Then he gave me a caliginous stare. "Paano ba yan? You should be punished."

Hinatak niya ang braso ko at dinala sa kwarto niya. Napalunok ako. Pabalibag niya kong hinagis sa sahig.

"I'm so fucking frustrated! And you're gonna be the one to accept my wrath!"

Narinig ko ang tunog ng belt niya. Nakatingin lang ako habang tinatanggal niya yun. Ngumisi ito sakin.

Napadaing ako ng maramdaman ang sakit na bumalatay sa balat ko. Nasundan pa ang daing ko ng hagupitin niya ulit ako ng belt niya.

"Fuck grandpa! Mali ko na lang lagi ang nakikita niya! Wala na kong ginawang tama para sakanya!" Galit na sabi nito kasabay ng hagupit ng sinturon niya sakin.

"I didn't mean to ruin that fucking conference! Mandaraya lang talaga yung mga investors at hindi yun maintindihan ni lolo!"

Tiniis ko ang bawat hagupit niya. Hinayaan ko siya maglabas ng sama ng loob. It's always like this anyway. Pagfrustrated siya sakin niya binubuhos.

It's either physically or sexually. I know everything that frustrates him and the number one on the list is his grandpa. Wala kasi 'tong tiwala sakanya at napakastrikto. Sakanya pinamana sakanya ng lolo niya ang kompanya nila dahil siya lang din ang nag-iisang apo nito. Gustong patunayan ni Gray sakanya na kaya niya pero may mga panahon talaga na sobrang frustrated niya.

Pinilit kong hindi umiyak habang patuloy siya sa paghagupit sakin. It hurts but I'm immune to the pain. I can handle it but it doesn't mean that it doesn't hurt me. Masakit pagtaong mahal mo yung nananakit sayo.

"Cry, you bitch!" Galit na turan nito.

Ramdam na ramdam ko na ang kirot sa likod ko. Tumingala ako sakanya ng tumigil siya. I can see pain in his eyes. Nasasaktan siya, bakit? Dahil ba sa lolo niya? Tumayo ako at yumakap sakanya.

Sinubukan niya yun tanggalin pero hinigpitan ko ang pagkakayakap sakanya. He needs me now. He needs my comfort.

"Naniniwala ako sayo, Gray."

Binaba ko ang ulo niya pabaon sa leeg ko at hinaplos ng marahan ang buhok niya.

Ilang sandali kami ganun ng maramdaman kong bumibigat na siya. Nakatulog na yata.

Kahit nanghihina ako ay sinikap ko siyang ilagay sa kama. Mukhang kadadating niya lang kasi nakasuit pa siya. Hinubad ko ang damit niya at tinira lang ang boxers. Kumuha din ako ng planggana at towel pamunas sakanya.

Napabuntong hininga ako habang pinupunasan ang katawan niya. He seems so tired. Kahit natutulog ay mukhang malungkot ito. Nalulungkot din ako sa nakikita ko.

Ganto lang kami lagi pagkatapos ng frustration niya. Yayakapin ko siya at makakatulog agad siya. Gantong-ganto lagi. Hindi ko kasi maatim na pabayaan na lang siya.

"We're gonna be happy soon."

Sana. Sana totoo yang sinabi ko sayo, Gray. Hindi man tayo maging masaya ng magkasama, basta maging masaya lalo ka na. Gusto kong maging masaya ka.

Kelan ko ba huling nakita yung ngiti mo? Nung buhay pa si Mary? Sana maging masaya ka na. Ayoko din ng ganto, na miserable ka... tayo. I want you to be happy. Kung may magagawa lang ako para mapasaya.

He don't have any friends. Hindi ko alam kung anong nangyari kila Kate He's just like this. Work, girls, drink, bar and house. Ganun lang siya lagi. Alam kong hindi siya masaya. Ako din hindi.

Di ko na alam ang gagawin ko kay Gray. I'm indebted to him. Doble... triple... isang milyon beses ang sakit, pagsiya ang nananakit sakin. Literal na kumikirot ang puso ko.

Hindi ko malaman sa sarili ko kung masokista lang ako o talagang mahal na mahal ko siya kasi sa kabila ng lahat ng ginawa niya sakin mahal ko pa rin siya.

Posible kayang matuon sa iba ang atensyon ko? Posible kayang magmahal  ako ng iba maliban sakanya? Kasi sawang-sawa na ko.

Sawang-sawa na kong mahalin ka, Gray Saibara Urquico. Ayoko ng mahalin ka. Ayoko ng masaktan ng dahil sayo. Ayoko na.

Gusto ko ng maranasan mahalin na hindi mo naman magagawa. Sa maraming taon nating magkasama ni minsan hindi ka nagpakita ng konting pake sakin. Puro pananakit lang ang natanggap ko mula sayo. Sawang-sawa na ko. Suko na talaga ako.

Hindi ako ang kasagutan sa kasiyahan mo. Puro poot lang ang nararamdaman mo pagnakikita ako kaya suko na ko. Pasensya ka na kung susuko na ko sayo. Pagod na pagod na kasi ako.

Sinubukan kong magtiis pero lahat ng bagay may hangganan at hanggang dito na lang ako.

Sana maging masaya na tayo. Kahit magkalayong landas. Tanggap ko na, Gray.

Ngayong tanggap ko ng hindi ka kahit kelan magiging akin. Magiging masaya na kaya tayo? Sana.

Sana may isang babae dyan na kaya kang mahalin higit pa sa pagmamahal ko at sana kaya mo din siyang mahalin higit pa sa pagmamahal mo kay Mary.

Wag mo siyang sasaktan, okay? Alam ko naman na pagnagmamahal ka, todo. Tignan mo nga kay Mary hanggang ngayon siya pa rin kaya sigurado akong swerte din yung babaeng mamahalin mo.

Isa ka kasing mabait at mapagmahal na lalaki. Natatakpan lang ng poot ang puso mo kaya sana palayain mo na yung galit mo.

At sa lalaking nakalaan para sakin? Sana mahalin mo ko. Mahalin mo ko ng sobra kasi kailangan ko yun. Gustong-gusto ko ng mahalin. Gusto ko ng maramdaman kung gano kasarap mahalin.

Inayos ko ang kumot niya pagkatapos ko siyang punasan. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan ang noo niya. Napangiti ako ng makita ang maamo niyang mukha.

I'm Mindy Jane Espeilla, my first love is not for me.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon