"M-maliwanag, King. Akong bahala kay Ian," sagot agad ni Jepoy bago ako hinawakan sa braso.

Nang makontento sa pangako ng tauhan ay tumango ito nang isang beses bago tumalikod at tumakbo kasama nina Kaloy palabas para harapin ang Emperors. Sinubukan ko pang makawala sa hawak ng aking bantay pero mas lalo pa nitong hinigpitan.

"P-pasensiya na, bata. D-dito na lang muna tayo tulad ng sabi ni King. Hayaan mo't kaya naman nila ang mga iyon."

Aalma pa sana ako nang makita ang pagtitimpi sa kanyang mukha. Doon ko lang napansin ang panginginig at panlalamig ng kamay nitong nakahawak sa akin.

He also must have wanted to go out and help avenge his friends but his king gave him orders and prohibited him from doing so. To leave them being beaten by their enemies to run and report to their leader must have hurt him more than the bruises in his face and body.

Ibinaba ko na lang ang aking braso at hindi na nanlaban.

"I just wanted to help, Jepoy. Alam ko namang makakatulong ako sa kanila. I can fight," mahinang usal ko rito.

"Alam ko at alam rin iyon ni King."

"Kung ganoon—"

"Pero sang-ayon ako sa desisyon niyang huwag kang pasalihin."

Sumimangot ako sa kanyang magkasalungat na pahayag.

"Halos liparin na niya ang kalsada nang malamang hinarap mong mag-isa ang Emperors doon sa may dalampasigan para iligtas si Cel. At nang makitang gri-gripuhan ka na sana ng hayop na Drake na iyon, muntik ng magdilim ang paningin niya. Kung hindi pa namin siya pinigilan, baka napukpok na niya ng bato ang pagmumukha noon!"

Hindi ako nakasagot. Naiintindihan ko kung anong pinupunto niya. Alam ko at tanggap ko naman na may pagkakamali ako sa huli kong laban. Pero ang husgahan ang kakayahan ko bilang isang manlalaban base rito at sa pagiging bata ko ay hindi katanggap-tanggap. To restrain a fighter to fight is like depriving your lungs of air.

Ikinuyom ko ang aking mga kamao sa inis na naramdaman.

"I am not weak," I said in between teeth.

"Alam ko. Nasubukan na naming apat iyon unang araw pa lang ng ating pagkikita," he said as he scratched the back of his neck, trying to lighten the mood.

Ngumuso ako nang sumagi sa isipan ang araw na iyon.

"Pero tama si King, Ian. Bata ka pa. Mas mabuting ilaan mo na lang sa ibang bagay ang lakas mo kaysa sumali sa mga gulong tulad nito."

"But I—"

Pareho kaming natigilan nang biglang nagsigawan ang mga tao sa kabilang dulo.

Nagkatinginan pa kami ni Jepoy bago parehong nagmamadaling tinungo ang bukana ng labasan. I was about to go out, when he quickly grabbed me by the arm and then jerked me back inside. Isinampa niya pa ako sa dingding ng aming pinagtataguan.

"Huwag kang magpapakita, Ian. Dito ka lang," utos nito bago tumalikod upang silipin kung ano na ang nangyayari. He even extended his arm to prevent me from coming out as his body tensed at something he was witnessing.

Nang hindi ako nakatiis, kumapit ako sa balikat niya at tumingkayad para makita ang sitwasyon. Halos hindi ko na makilala ang lugar nang masilayan na ito: sira ang lahat ng mga instrumento ng kanilang banda at nagkalat ang mga ito sa kalsada; may mga simbolo ng Emperors ang nakaguhit sa daan at dingding ng talyer.

May mga nakabulagta sa daan at walang malay na hindi ko matukoy kung miyembro ng Dragons o ng Emperors. Sa di kalayuan, namataan ko sina Kaloy at Nonoy na tinulungan ang mga kabanda ng kanilang leader na makatayo at maipasok sa loob ng talyer kung saan nakaantabay si Kulas.

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now