"Anong nangyari kanina, Jep? Paanong nagsimula ang kanilang panggugulo?" He asked in hushed sound.

Tumango ang tauhan nito bago nagsalita, "Nagsisiuwian na ang mga bata natin noon at inaayos na lang nila Neil iyong mga instrumento nang biglang dumating ang grupo nila sakay ng dalawang pickup. Bumaba si Drake at kinutya iyong mga instrumentong hindi pa naitatago. Hindi pa siya nakontento at pinagsisipa niya pa iyong bass. Sinugod siya ni Mikoy na nasuntok siya sa panga. At doon na nagsimula iyong riot."

Umigting ang panga ng kanilang hari sa narinig.

"Mga tarantado sila!" Galit na asik ni Nonoy.

"Away ang hanap nila? Di, pagbigyan natin!" Asik naman ni Kaloy.

"Tara at nang makita nila ang hinahanap nila!" Kulas said as he was cracking his knuckles. I bobbed my head in agreement as we prepared to leave.

Susugod na sana kami nang bigla kaming harangin ng kanilang leader.

"Sandali lang—" nahinto si Reign sa kanyang sasabihin nang mahagip ako ng kanyang paningin. Awtomatikong nanlaki ang mga mata nito at pagkatapos ay inilang hakbang ang aming distansya.

Napakislot ako nang mariin niyang hinablot ang aking braso at hinatak ako papalayo sa lagusan, "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't iniwan ka namin sa perya? Bakit ka pa sumunod?!"

Kumunot ang noo ko sa kanyang reaksyon at agad na binawi ang aking braso mula sa kanya. It stung from his grip.

"Kanina pa ako nakasunod sa inyo ngayon mo lang napansin?" Asik ko rito habang hinihimas ang parteng kanyang hinawakan, "At saka, bakit ako magpapaiwan doon when you obviously need my help—"

"Anong 'need your help' ang sinasabi mo riyan? Hindi ba't napag-usapan na natin na hindi ka na uli sasali sa away?" Nakapamaywang ito at ang kanyang mga berdeng mata ay tila inaakusahan ako sa paglimot.

"I don't remember agreeing to anything--" I tried to argue but got cut off.

"Wala kang gagawin!" Sabi nito bago itinuro ang aming kinatatayuan, "Dito ka lang at hindi ka lalabas hangga't hindi ko sinasabi!"

"Ano? Pero makakatulong ako sa inyo! Nakaharap ko na sila dati kaya alam ko na kung papaano sila—"

"Matapang ka na niyan kasi nakaharap mo na sila? Hmm? Sige nga... ilang beses mo na ba silang nakaharap sa isang away? Sagot?!"

Hindi ako umimik. Pareho naming alam ang sagot ko roon.

"Isang beses! Isang beses lang akala mo ang galing-galing mo na? Kaya mo na sila? E, noong huli mo nga silang nakaharap, muntik ka ng lagyan ng gripo ng demonyong iyon! Sa tingin mo papayag akong makaharap mo siya ule?" Nagtagis ang panga nito habang matalim na nakipagtitigan sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin dahil wala akong maisagot doon. The last time I've seen Drake, he unspokenly promised danger to me.

"Jepoy!" Biglang tawag nito sa kanyang tauhan.

Ibinalik ko sa kanya ang aking paningin at nakitang nakatuon pa rin ang kanyang mga mata sa akin.

"King," narinig kong tugon ni Jepoy.

"Bantayan mo nang maigi ang batang ito."

"What?!" Angal ko na kaagad niya namang pinutol.

"Huwag mong hahayaang makalabas o makalapit man lamang sa labasang iyon. Naiintindihan mo?"

"But Reign—" Reklamo ko uli.

"Kahit anong mangyari Jepoy kargado mo ang batang iyan. Ikaw ang mananagot kapag nakawala siya, maliwanag?"

Paper Stars (Self-Published)Where stories live. Discover now