Pasasalamat

1.2K 44 5
                                    

Gusto ko lang po ulit kayo i-remind na hindi po ako regular na nag-update. Pag naka mood lang po usually ako nagsusulat. Natutuwa naman ako at meron pa rin palang nagbabasa at naghihintay ng mga updates kahit na almost 2 years akong hindi nakapag update. Super thank you talaga. Tina-try ko naman mag-update kaso ayaw ko naman yung basta-basta lang kaya po pag naka-mood sinusulit ko talaga na magsulat. Mas masaya kasi diba kung hindi puro sabaw ang nababasa. Kasi avid reader din ako, pag medyo sabaw ang mga updates ng mga binabasa ko minsan nawawalan ako ng gana basahin and most of the time I end up removing them kahit hindi pa sila tapos. May mga nasa list ko na matagal na rin walang update pero hindi ko binibitawan kasi maganda. At sa mga sinusulat ko gusto ko ganun din. Hindi po kasi ako after sa rating or sa paramihan ng readers. Kahit konti lang magbasa okay lang. As long as those few enjoys every chapter I write and liked my stories enough to wait long enough for the next one. Mas nakakataba ng puso yun kesa naman sa andami ngang reads and votes and mataas ang rating pero forgettable di ba?

Sa lahat ng nagbabasa pa din, again super thank you! Gagawin ko lahat ng makakaya ko para makapag-update and I'll do my best din na sulit ang bawat paghihintay. Wag lang po masyado umasa ng SPG scenes ha. Baka kasi hindi ko na lagyan ng ganun. Hirap kasi isulat sa totoo lang..Hehe

Mahal ko kayong lahat! 😘

Crush ng Bayan (girlxgirl) - ON HOLDWhere stories live. Discover now