Chapter 2

4.8K 141 37
                                    

ORIENTATION DAY

GEN's POV

WOW! As in WOW! Yan lang ang masasabi ko sa kumpanyang ito. Sosyalin! First time ko makapasok sa ganito kalaking building! 21 floors ang main building dito the Bonifacio Global City sa Taguig. Meron din itong isa pang building sa BGC din, 15 floors lang ito pero 4 na floor lang ang occupied ng JP Wells dun. Nandito ako sa Main office, sa lobby naghihintay matawag kami lahat. Ang dami namin na nandito sa orientation. Sabi nila hindi kami pare-pareho ng LOB (Line of Business-department/account).

"Okay, those who are here for their orientation, please proceed to the pantry on the 7th Floor. Your orientation will start in an hour. Grap your welcome kits before you leave. Thank you and welcome to JP Wells Bank! I hope you enjoy your stay here! Again, congratulations to each and everyone!" magiliw na sabi nung girl from the Recruitment Department.

Kinuha ko ang welcome kit ko at dumerecho sa elevator paakyat ng 7th floor. Oh db, sosyalin! Pantry tawag sa canteen/cafeteria, tapos nasa 7th floor daw! Nakisisik ako sa elevator, hindi naman ito ang first time kong sumakay sa isang elevator. Pero ang bango ng elevator na ito, at may music pa! Sosyalin talaga!

Abala ako sa pagmamangha sa kapaligiran ko ng bigla kong mapansin sa reflection sa pinto ng elevator and mga grupo ng kababaihan na kung makatingin ay parang lalamunin ako. Tignan ba naman ako mula ulo hanggang paa, at yung isa naka ismid pa! Bakit? Pangit ba ang suot ko? May dumi ba? Baduy ba? Business casual daw eh, kaya nagsuot lang ako ng puting ¾ na blouse na may kwelyo. Black slacks at black flat shoes.

Hindi naman pangit ang suot ko ah. Pasimple akong tumingin sa mga katabi ko sa elevator. Yung mga kalalakihan halos naka long sleeves na nka-tuck in sa black slacks nila, at naka sapatos na itim din na pagka kintab-kintab. Meron ding iba na naka coat pa. Yung ibang kababaihan naman eh may naka dress, aka-blouse and skirt, may mga nka-slacks ding tulad ko pero meron silang mga coats. Halos sila naka eleganteng tignan na heals.

Kaya siguro ganun na lang makatingin ang mga bruhang ito sa akin. Sobrang simple ng suot kong business casual. Eh bakit ba? Orientation lang naman ito db? Sa Pampanga nga, pag orientation naka maong at rubber shoes lang ako na madalas t-shirt lang din ang suot. Iba talaga dito. Sosyalin!

Pagdating sa 7th floor, ni-guide kami ng guard patungo sa pantry. At ang pantry hindi basta basta! Meron vendo machine na pwede kang kumuha ng kahit anong drinks na gusto mo. Mainit na kape juice. Iced coffee, iced tea, cold drinks, cold soda. At libre po ito! Libre! Sosyalin talaga! Pakiramdam ko ang swerte swerte ko at natanggap ako dito. Kumuha ako ng malamig na coke sa vendo. Nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Pag-ikot ko, biglang SPLASH! Shit! Shit! Natapunan ng kung anong malamig na bagay ang putting blouse ko!!!

"Why don't you watch where you're going kasi eh!" singhal sa akin ng isang babae.

Aba! Aba! At ito pa yung galit?! Ako na nga itong natapunan sya pa itong galit?! Di porke ganito lang ako eh basta basta na lang ako magpapaapi?! Makikita ng babaeng to! Makikita niya!

Pinupunasan ko ng panyong dala ko ang damit kong nabasa, sisinghalan ko na ang babaeng naka bunggo sa akin, "Ikaw-", natigilan ako pagtingala ko. Wow ang ganda niya! Anong maganda ka dyan? Huy! Napapano ka? Nalunok mo ba dila mo? Db magsusungit ka?! "Ahm, ahm.." huy Gen, magsalita ka!

Wala na, nakatitig na lang ako sa babae sa harapan ko. Papano, ang amo amo ng mukha, kahit ang sungit niya. Ang ganda ng chinita niyang mata. Matangos din ang ilong niya at ang mga labi niya, ang pink pink! Ang puti niya, at ang bango niya!

"Are you stupid or what? Cmon Ichi! Let's go na! I'm so hungry." Sabi ng kasama ni Miss Sungit sa kanya. At dun lang ako parang nagising sa pagkakatulala ko, napansin ko na medyo tulala rin itong si Miss Sungit.

Crush ng Bayan (girlxgirl) - ON HOLDDär berättelser lever. Upptäck nu