Chapter 11: New Setup

Começar do início
                                    

Zet pouted, "Nandito rin naman ako, 'di mo nga pansin."

Lumawak ang ngiti ng binata, "Syempre hindi ko 'yon alam. Wait me here," Saka ito kumatok sa pinto ni Jeraine.

Nang magbukas ay lumipat ang tingin ni Jeraine kay Zet saka siya nito pinagtaasan ng kilay. Binigay ng binata ang supot kay Jeraine bago tumalikod ito dito.

Nang nasa store na sila ay hindi ni Zet maiwasang magtanong kay Jerone. "Pakiramdam ko hindi niya ako gusto." She pointed.

"Required ba na gustuhin ka ni Jeraine?" Natatawang tanong ni Jerone habang nagpapackaging.

"Siguro," she muttered.

"Is there something going on between us para gustuhin ka niya?" Asar ng lalaki.

Natameme agad si Zet, "Sinabi mo nga sa'kin I'm longing to see you Zet, tapos hinalikan mo pa ako sa noo. Niyakap mo pa---"

"Do you think I like you because of those things? Don't give it a meaning, Zet." He reasoned out.

Napanguso ang dalaga at bumulong. "Pa-hard to get ka talaga Jerone."

"May sinasabi ka?"

"Wala." Saka siya padabog na tumayo para asikasuhin ang bagong bumibili.

Natapos ang buong oras nila sa grocery na panay ang pang-aasar sa kaniya ang binata na kesyo nagtatampo si Zet dahil doon.

Sabay silang lumabas ni Jerone sa grocery at sabay ding umakyat ng hagdan. Nang nasa tapat na ng unit ang binata ay agad na nagsalita si Zet. "Okay lang ba sa'yo na dumistansiya ako sa'yo kapag nasa loob na ng UCV? 'Yung parang hindi tayo magkakilala, ganoon."

Napatigil si Jerone nang akmang bubuksan ang pinto, "Bakit?"

"Madami akong naririnig na bulungan kapag magkasama tayo. Alam kong 'yung iba e masama na ang impresyon sa'kin. At medyo hindi ako komportable dahil doon. Tsaka nga 'di ba, sinabi mo sa'kin na baka nga gamitin ako ni Axel laban sa'yo. 'Yun lang ang naisip kong paraan para maiwasan lahat 'yun."

Umikbit ng balikat ang binata, "If that's what you want," saka ito pumasok sa unit at nagsarado ng pinto.

Pumasok na rin si Zet sa unit niya na katabi ng kay Jerone. Naligo na siya at saka natulog.

Kinabukasan ay mabilis na naglakad siya para makasabay sa lakad ni Jerone papunta university pero binagalan niya ulit ang lakad dahil naisip niyang kahit siguro sa labas ay kailangan niyang magbigay kahit kaunting distansiya sa binata?

Sinundan lang niya ito hanggang sa makapasok na sila. Nang nasa room ay hinintay lang nila ang prof para sa bagong subject nila. Nag-orientation lang ulit ito. Dumaan ang break time, napansin niyang hindi bumababa si Jerone. Nagbabasa lang ito ng libro. Napatingin siya sa table niya, wala manlang siyang kahit anong libro para sa mga subjects niya. Dahil doon ay bumaba na si Zet para humiram ng libro sa library.

Kailangan niya ring magbasa-basa dahil baka sa mag susunod e may biglang pa-surprise quiz, recitation o kung ano pa man tapos wala siyang alam.

Nang makapasok sa library ay nakita niya si Vanessa sa bungad. Agad niyang hinanap ang libro na kailangan niya para sa susunod na mga subject. Mabilis siyang umupo sa tapat ng babae matapos makuha ang libro.

"Akala ko hindi ka mahilig pumunta sa library?" Nakangiti niyang tanong sa dalaga.

"I'm bored, tsaka loner ako sa room kainis. Naisip ko na dito na lang kasi alam mo naman dito sa library, dami ring cute guys."

"Akala ko pumasok ka dito sa UCV because of a guy?"

"Oo pero matatagalan pa 'yun makapasok dito e. Tsaka may misunderstanding pa rin kami, hindi ko pa naman masiyado siyang like mga 75 percent pa lang naman," Napatingin ito sa hawak na libro niya. "You like reading huh?"

"Hindi e, pero kailangan."

Napairap ang babae saka pinakita ang libro rin na hawak. "Me too."

Nagbasa-basa na si Zet ganoon din si Vanessa. Pero nang mapatingin siya sa kaharap niya e baliktad ang libro nito na patingin-tingin sa paligid. "Ascella, look." Ngumuso ito sa mga grupo ng lalaki na nasa kabilang table.

"Ang cute nung isa na may dimple," Humagikhik ito. "Ikaw sinong type mo sa kanila?" Mahina nitong sinabi.

Pinagmasdan niya ang mga ito, "Wala e."

"Wow, I'm amazed of your loyalty with him ha."

Pilit na napangiti si Zet dito saka niya pinagpatuloy ang pag-a-advance reading. Nang makabalik sa room ay umupo na siya at saka tinext si Jerone.

'Gaya ng napag-usapan ha. Pero papaalam ako, sa kabilang building ng sports kami kakain ng lunch.'

Pinindot na niya ang send at saka niya napansin na nagtatype na si Jerone.

'Kasama, who?'

'Vanessa, friend ko. :d'

'Why don't u two eat in this building? :)'

'She told me that she's stress. So she asked me to accompany her to see bunches of abs. XD'

"What!?" Napatayo si Jerone habang hawak ang smartphone. Pinanliitan siya nito ng mata saka nag-iwas ng tingin nang mapansin na paparating na ang ilan na mga kaklase nila sa room.

Kunot ang noo si Jerone na umupo saka nag-compose ng message. Madiin niyang pinindot ang send button.

'She's not good for you.'

---

A/N: I'm sorry for mistakes such as: Grammatical error, misspell etc. You can correct me if I'm wrong, thank you!

I Am Your Protector (Girl Friends) Series #2Onde as histórias ganham vida. Descobre agora