Chapter 8: UCV

279 16 4
                                    

Third Person's PoV

Malakas ang kabog ng dibdib ni Zet habang papunta sa bakanteng upuan sa unahan ng inuupuan ni Jerone. But after all, she's thankful because her seat is close to Jerone. Hanggang ngayon, tutok pa rin sa kaniya ang mata ng ilan kahit na nagsisimula na namang magtawag ang prof nila ng magrerecite.

Nawala bigla ang kaba niya nang may maglapag ng maliit na papel sa mesa niya. She looked behind and it was from Jerone. Nakatingin lang ito sa unahan---lagpas sa kaniya.

She looked down to see what's on the piece of paper.

'Let's talk later. Follow me.'

When their Prof was done for calling ten of his students. He coughed, "Okay so be ready for the next ten. And you," Zet Prof called her. "Prepare an index card just put your name and give it to me tomorrow." Their Prof roamed his eyes, "Please add her on your GC's. I'll off now." He went out.

Few of her classmates' gasped unbelievably after that.

"Seriously, was Prof know you?" Napatingin siya sa gilid sa likod niya. Tanong iyon ni Kierla na katabi ng seat ni Jerone. Medyo mamulamula pa ang mata nito galing sa pag-iyak kanina. Medyo may kalakasan ang tanong nito kaya ang ilan ay napatingin din sa kaniya sa kuryosidad na baka nga magkakilala sila.

Ayaw niyang sabihin na ito ang owner sa coffee shop na pinagtratrabahuhan niya ng ilang taon. Dahil baka mag dulot pa iyon ng masamang impresyon sa kaniya ng mga kaklase niya. She knew that their Proff who was his boss is a terror in UCV. Mahigpit ito lalo na sa pagbibigay ng grado. She doesn't want to be involved into a mess dahil lang doon.

"No," she muttered.

"Then why he smiled at you?" Mapanuring tanong nito. Kierla was hoping na magkaclose ang Prof nila at si Zeta. Gusto niyang pakiusapan si Zeta na baka mabago pa ang grade na ibinigay ng Prof sa kaniya kanina.

"Bakit? Masama bang ngitian pang welcome ang bagong estudyante niya?" Balik tanong ni Zet.

"Hindi naman... What I meant is, you know kahit sa first impression pa lang. He's a terror! At hindi siya ngumingiti never din siyang nakiusap! Wow, we're just amazed." Sumang-ayon ang ilan.

"Zeta is beautiful. Advantage na 'yon ng mga magaganda." Sabat ng isang lalaki.

Napapangiwi si Zeta na napatingin sa mga kaklase niya na ang ilan sa kanila ngayon ay nagsimula nang umupo pabalibot sa kaniya. Ang ilan naman ay pumunta na sa labas ng room, ang ilan naman ay may kaniya-kaniyang mundo. Si Jerone ay nakatingin lang sa mga nangyayari.

"No way! Maganda rin ako 'no, so why naman na hindi sa'kin ngumiti si Sir?" Protesta ng isa saka umirap pa ito.

"Maganda ka," Sabat ng isa na naman nilang kaklase. "Magandang lalaki nga lang."

"Teh! Bakit ka pa ba kase nagbakla!"

"It's my choice mga teh!"

"Shh, may something talaga." Tumango ang ilan sa sinabi naman ng isa pang babae.

"There's something sus." Saad ni Kierla, muling tumahimik ang classroom habang tinitinigan nila si Zet.

I Am Your Protector (Girl Friends) Series #2Where stories live. Discover now