Chapter 11: New Setup

235 10 3
                                    

Third Person's PoV

"Jerone!" She waved her hand. Nang napansin ni Kiko na papunta na sa kanila si Jerone ay mabilis itong sumakay sa motor at nagpaalam na kay Zet.

Nang makatawid na si Jerone ay nilampasan siya nito at nagdiretso na sa hagdan pataas. Agad niya itong hinabol, "Hoy bakit ba ang moody mo? Sorry na kung nakipag-usap ako kay Axel. Hindi ko kasi siya agad natandaan e."

Naikwento rin ni Zet kay Jerone ang pagsunod niya dito sa bar nung linggo pero ang mga nakaaway ni Jerone ay hindi na niya pinagtuonan niya ng pansin dahil mas naging tutok siya sa binata at pati na rin ang plano niya na pagtawid sa daan nung mga oras na 'yon. She tested Jerone that time if he would save her as a cat and as expected Jerone did.

"Next time if necessarily, don't talk to him. He's probably planning something. I have this feeling na alam niyang magkakilala tayo. I knew him, he's angry with me." Dinantay nito ang kamay sa railings na nakatalikod sa kaniya nang nasa banderada na ng floor nila.

Sumunod siya dito at tumabi, ginaya ang ginawa ni Jerone. "Kung galit siya sa'yo, bakit sa akin naman siya lumapit?"

"He probably thinks that I like you."

"Ha? E hindi nga niya tayo nakikitang magkasama e."

"His friends told him for sure,"

"Ganoon ka ba kasikat para lang doon? Kanina lang tayong recess magkasama ah. Binigyan na agad nila ng meaning 'yun?"

"They knew my status in UCV. I'm usually alone. I don't like talking with others, laughing with others, eating with others at lahat ng 'yun ginawa ko sa'yo. They saw it."

"Hindi ba p'wedeng magpagkamalan nila tayong magpinsan, childhood friend o kung ano pa? Lovers agad, grabe naman."

"Basta don't get along with him. He will use you for me."

"Narinig ko 'yung tinanong nung babae kung magkakilala kayo ni Axel. May past nga ba kayo?" Pagbabago niya ng usapan.

Tumango si Jerone, "Yes but I don't want to talk about that."

Zet let out a sigh, "Kung 'yan ang gusto mo e," napatingin siya sa dala na supot ng binata. "Ano 'yan, makakain ba 'yan?"

He pushed his fingers on her forehead while starting to have a ruddy face. "Puro ka na lang pagkain," natatawang asar nito saka binaba ang kamay.

"Eh ano ba 'yan? Ba't ka namumula?" Natatawang tanong niya rin kay Jerone.

Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya, "N-napkin."

Gulat siyang napatingin sa dala nito saka tinuro, "Wala naman ako ngayon e. O binili mo sa'kin para ireserba?"

Natatawang nilagay na naman nito ang daliri sa noo ng babae, "Ikaw... ang lakas ng confidence mo sa sarili, p'wede pakibabaan?" Saka niya tinulak ang noo ng babae gamit ang daliri.

"Gumaganiyan ka na sa'kin ha, bati na ba tayo?"

Pinagtaasan siya nito ng kilay, "Nag-away ba tayo?"

She awkwardly made a peace sign, "Hindi naman pero pakiramdam ko nagtatampo ka dahil doon e, " Nag-iwas siya ng tingin sa binata. "Pero kanino ba 'yan?" Turo niya ulit sa dala nito para baguhin ang usapan.

"Kay Jeraine, when she's on her first day of period minsan ay na-absent 'yon sa trabaho dahil masakit daw ang puson niya. So I went to pharmacy and bought these sanitary napkin and I also searched for ginger tea to at least vanish her abdominal cramps."

Napangiti si Zet. "Nakakatuwa naman, ganiyan talaga kayo ka-close."

"Yes, she's also my friend through these years. Nang madaming tumalikod sa'kin, siya 'yung naiwan." Pilit ngumiti ang binata.

I Am Your Protector (Girl Friends) Series #2Where stories live. Discover now