Chapter 6: New Colleague

284 18 3
                                    

Third Person's PoV


March 19, 2021. Monday.

After the class, hindi malaman ni Jerone kung bakit siya madaling-madali pag-uwi. Nang makarating sa apartment ay mabilis siyang pumasok sa unit niya. Nagpalit ng damit at mabilis na kinuha ang libro, highlighter, pen at pad.

Kailangan niyang matapos maisulat ang lahat ng importanteng i-take note. Saka lang mamayang madaling araw niya ito memoryahin para mas konreto itong ma-digest ng utak niya. At para bukas ay may isasagot siya sa recitation ng professor nila.

When he noticed the time, 7:08 pm. He quickly wrote the most important words that his brain could digest. Matapos noon nagdiretso siya sa fridge para kumain ng dinner. He assumed na naglagay ulit si Wena ng pagkain sa fridge niya pero wala. He pouted, nasanay lang siguro talaga siya.

Nakakapasok si Wena sa unit niya dahil may duplicate ito ng susi at bukod doon ay naglalagay rin ito ng pagkain sa fridge niya tuwing gabi. Sa umaga naman ay binibigyan din siya nito ng almusal. Jerone is so happy when she acted as if he's her own child.

Nagluto na lamang si Jerone ng canned chunk chicken breast. Matapos kumain at magsipilyo ay mabilis na siyang bumaba upang tumao naman sa grocery.

When he entered the grocery his lips parted as he saw Zet and Wena happily talking at each other. Hindi lang dahil doon kung bakit siya napanganga sandali dahil bakit ang daming tao sa labas ng grocery? Mostly, babae.

"Jerone, si Zet. Choice mo daw siya, sabi niya." Wena told him.

His heart pounded. "Over ang confidence ha."

Nalito si Wena. "Magkakilala kayo?"

Zet smiled as she winked at him, "Magkaklase po kami nung highschool. Ngayon namang second semester po e mag-e-enroll po ako sa University na pinapasukan niya, 'yun po ang gusto ng guardian ko. Kaya ngayong nag offer ang University ng scholarship ay nag apply na po ako at hinihintay ko na lang ang result. Ganoon din po sa entrance exam."

"Hmm... Kung hindi mo lang sinabi kanina sa'kin na nasa cavite pa ang guardian mo at dahil wala kang matuluyan na malapit sa Unibersidad na pag-aaralan mo kaya ka nag rent sa apartment ko ay iisipin ko talaga na may gusto ka dito kay Jerone."

Kalmadong tumango si Zet, "Op--"

Pinanliitan ni Jerone ito ng mata, "Oppo po 'yung brand ng phone ko oh." Zet showed it to Wena. "Ang ganda niya pong pang selfie, tingnan niyo po oh... walang mate-trace na pores sa mukha." Nag-selfie ang dalawa.

Nawala sa isip ni Wena ang gusto nitong kumpirmahin sa dalaga kung may crush nga ba talaga ito kay Jerone. Nang i-zoom ni Zet ang mukha ni Wena ay nagngingiti nitong pinagkumpara ang picture ni Wena sa mukha nito. "Grabe naman pala tita, hindi mo na kailangan ng magandang brand ng smartphone pang selfie e. Walang-wala ka talagang pores oh! Ang kinis ng mukha. Grabe akala ko nga talaga kanina three years lang ang gap natin!"

Napailing-iling si Jerone. 'Grabe 'tong mang-uto.'

"Talaga, Zet?" Nagningning ang mata ni Wena. Nagustuhan niya agad si Zet.

Mabilis na tumango ang babae. Hindi naman talaga siya nagpapalakas dito. Lahat naman ng papuri niya dito ay totoo.

Jerone wanted to roll his eyes at Sadako but he can't. Baka makita ni Wena at nang iba pa na nakatingin sa kanila.

Matapos ang paguusap nila kahapon ay napagdesisyonan ni Zet na magrerenta sa apartment ni Wena. Sinabi rin ni Zet kay Wena na kung p'wede siyang mag-apply sa grocery store nito matapos makita ang nakapaskil na papel sa labas ng apartment at grocery saka na rin sa iilang poste sa street nila.

Wanted: Partner ni Jerone Valdazar hindi sa buhay niya... pero p'wede na rin! Grab the chance now!

"Anong meron?" He mouthed at Wena.

Wena handed the paper at him. He then saw his picture and the advertising tagline. "What is t-this?" Napangiwi siya. Kahit kailan talaga may kalokohan din itong si Wena.

Natatawa na lamang si Wena dahil simula rin nang nagbenta itong si Jerone sa grocery niya ay hindi niya maitatangging mas lumago ang tindahan niya sa dami ng bumibili para lang masulyapan itong alaga niya.

"Oh anong desisyon Jerone? Para sa'kin e mas gusto ko itong si Zet. Pero ikaw na rin ang papipiliin ko. Kung gusto mo e papasukin ko na 'yung ibang nag-apply?"

He sighed, "No need. Your choice is Zet so do I. Tsaka baka kulamin pa ako niyan e kapag hindi ko pinili."

"Talaga? Mangkukulam ka daw Zet," Asar ni Wena. "Sa gandang babae nito, tapos mangkukulam? Grabe ka Jerone ha." Tumawa ito.

"Hindi pala 'yan mangkukulam. Multo 'yan." Naaliw na asar ni Jerone.

Pero imbes na maasar e nakitawa pa si Zet. Nang mapansin iyon ni Jerone ay umismid ito, "Sadako."

Madaming umungol nang sabihin ni Wena na nakapili na ng kasamahan sa grocery. "Ikaw yata ang nangkukulam One e, kinulam mo ata mga babae kanina diyan ha." Zet sat beside him. Gustong ngumiti ni Jerone dahil tinawag siya nitong muli sa palayaw niya. He missed it too.

"Kapag kaklase mo na ako, you'll see kung gaano ako kagaling mangkulam." He told her as he grinned.

Tinawag na sila ni Wena sa may counter at ipinaliwanag nito ang mga dapat gawin at iba pang rules niya kay Zet. Naintindihan naman 'yun ni Zet dahil na rin sanay din itong magtinda. Nagsimula na sila at ganoon pa rin ang p'westo. Si Jerone at Zet ang nagtitinda, nagrerearrange ng mga paninda, nagrerepack ng mga binili ng customer at iba pa. Samantalang si Wena naman ang nasa counter.

"Kahit gabi na ay mas dumagsa ang mga bumibili," Nakangisi si Wena habang nakatingin sa likod ni Zet na nagaayos ng paninda. Napatingin naman sa kaniya si Jerone na nakaupo malapit sa counter at naglalagay ng pinamili ng customer sa box. "Dati e puro babae lang, ngayon puro lalaki naman. Puro kabataan pa ha. Lakas din ng charm ni Zet Jerone ha."

Jerone ignored it as he continued his doing.

"Oo nga po e, Zet pala pangalan niya. Hmm, parang hindi ko na kailangang mapilitan sa utos ni Mama na mag-grocery ah. Ako na mismo magrerequest kay Mama na ako na madalas ang maggrocery sa'min. May number ka po niya?" Napatingin si Jerone sa lalaki na nasa harap niya. Based in his physical appearance, nasa 18 pataas ito.

Tumawa si Wena. "Meron, pero ibibigay ko sa'yo kapag madalas kang namili at mas madami kang bibilhin dito."

Tumawa rin ang lalaki, "Maasahan mo po ako diyan. Baka nga kahit na tatlong beses kaming magrocery sa isang linggo ay gawin kong araw-araw e."

Nairita si Jerone sa narinig kaya't hindi niya mapigilan ang magsalita, "He has a boyfriend."




---

A/N: I'm sorry for mistakes such as: Grammatical error, misspell etc. You can correct me if I'm wrong, thank you!

I Am Your Protector (Girl Friends) Series #2Where stories live. Discover now