Chapter 9: Life

485 3 0
                                    

Chapter 9: Life

[Xander’s POV]

Sa ngayon, nag-decide muna kong magbantay kay Erika. Gusto kong bumawi sakanya at lumayo muna kay mish para makapag-isip. After what she said, hindi niya pa ko mahal? Grabe! Ang sakit!

Ang hirap kasi sa’kin, kalalaki kong tao masyado akong assuming. Akala ko mahal niya na din ako, hindi pa pala. one sided lang pala ang lahat. Shet! Bakit ganito? Bakit ang sakit!

Napatingin nanaman ako sa nahihimbing na si Erika.

“pasensya na ha, si mish nanaman ang nasa isip ko. kung anu-anong inaatupag ko, samantalang ikaw, hindi pa nagigising. Bakit kasi kailangan mo pang gawin ‘to? Hindi ka ba nanghihinayang sa buhay mo?” tanong ko sakanya. Para kong tanga, paano naman siya sasagot eh comatose nga siya.

Tumingin ako sa relos ko. alas-onse na ng gabi, inaantok na din ako. Naghihikab na din ako sa antok kaya napagpasyahan kong matulog nalang, nang narinig ko siya

“xander?” napatingin ako sakanya. Nakapikit pa din siya, pero alam ko boses ni Erika yun.

“Erika? Gising ka na ba?” tanong ko. unti-unti nakita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata. Sa sobrang saya ko, tumayo ako agad para tumawag ng doktor at nurse.

“anong gusto mo? Gising ka na bang talaga?” tanong ko agad sakanya habang hinihintay ko yung pagpasok ng mga nurse at doktor na tinawag ko.

“xander, nauuhaw ako” narinig kong sabi nya

“sandali, kukuha akong tubig” sagot ko at agad na kumuha ng baso at tubig sa pitsel. Agad ko din yung inabot sakanya.

“salamat” sabi niya matapos niyang uminom at pinahid ang tubig sa paligid ng labi niya.

“okay ka na? anong nararamdaman mo?” nag-aalalang tanong ko

“ayos lang ako. Bakit ka nandito?” tanong niya. Pinilit kong ngumiti kahit ang sakit pa din para sa’kin kung bakit ako nandito.

“binabantayan kita. Hinihintay kitang magising” sagot ko.

May sasabihin pa sana siya kaso nag-datingan na yung nurses at doktor. Ilang sandali lang, nakarating na din si Irish kasama si Sherwin.

“okay na ang pasyente. Wag niyo lang muna siya masyadong tanungin dahil bawal siyang ma-stress” sabi sa’min ng doktor bago umalis

“ate, buti gising ka na. thank you, I miss you” yumakap agad si Irish kay Erika. Pakiramdam ko, oras nila yun kaya lumabas na lang kami ni Sherwin para makapag-usap yung magkapatid.

--

“xander, kakausapin ka daw ni ate” sabi ni Erika ng makalabas siya sa kwarto ng ate niya. Kami naman ni Sherwin nakaupo lang sa hilera ng upuan malapit sa nurse station.

“sige, papasok na ko dun” sagot ko. siya naman ang umupo sa tabi ni Sherwin at pumunta na ko sa kwarto ni Erika. Ngumiti siya agad nang makita niya ko, kaya ngumiti din ako sakanya.

“okay ka na ba talaga? Baka gusto mo pang magpahinga, babantayan lang kita” sabi ko pa pero umiling lang siya.

“sabi ni Irish, mahigit isang linggo na kong comatose, mahigit isang linggo ka na din daw nagba-bantay sa’kin, salamat ha” nakita ko yung namuong luha sa mga mata niya at nakaramdam ako ng awa.

“wala yun, di ba nga boyfriend mo ko. sorry ha, dahil sa’kin nagawa mo yan sa sarili mo” sabi ko pero ngumiti siya.

“ako ang dapat mag-sorry kasi pinilit kitang makisama sa’kin. Naging selfish ako, kaya pati babaeng mahal mo, nasaktan mo” mahinahon niyang sabi

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now