Chapter.17: Secret

369 2 0
                                    

[Mish POV]

“Anong iniisip mo?" tanong sa’kin ni pinky

"wala naman" sagot ko pero base sa tingin niya, halatang hindi siya naniniwala

"sus! Para namang di kita kilala. Bakit kasi ayaw mo magsumbong?" tanong pa niya

"Gusto ko kasi silang daanin sa maayos na usapan" pero hindi makapaniwalang tingin ang pinukol ni pinky sa’kin dahil sa sinabi ko

"Wow mish, maayos na usapan? Araw-araw ka nilang dinadalan ng kamalasan, tapos maayos na usapan pa din?" sarkastikong sabi ni pinky. Oo nga naman, after nung ‘meet my haters eklavu na floorwax something’ sunod sunod na yung ginagawa nilang pang ti-trip sa’kin. Yung una, nawala yung bag ko then nakita ko sa basurahan. Meron pang nadulas ako sa canteen, natapunan ng kape, at kung anu-ano pa. Mild lang naman, kailangan ko lang talaga maging ready. Tapos si elise, palaging ang sama ng tingin tapos pag kinakausap ko iniirapan lang ako. Hindi ko na nga alam gagawin eh. Hay!

Pauwi na ko mag-isa. hindi ako nagpasundo at nagpasyang maglakad-lakad muna para naman makalanghap ng sariwang hangin at makapag-isip ng maayos

"hoy mish"

"Ay palakang kabayo ka!" nasabi ko sa pagka-bigla. Bigla-bigla ba namang may lalaking lumabas mula sa likod ng puno. Psh!

“Ang pogi ko naman para maging palakang kabayo. Tsaka, meron bang ganun?” natatawang sabi niya. Sino pa ba? Si kuya Dion lang naman ‘tong bigla na lang bumulaga sa harap ko

“Nagulat lang ako. Bakit pala nandito ka?” tanong ko

“Pauwi ka na ba?” tanong niya naman imbes na sagutin yung tanong ko

“Papunta ako sa kapit bahay niyo, maglalakwatsa. Sama ka?” sarcastic na sagot ko. Engot din ‘tong si kuya dion eh. Obvious naman na daan ‘to pauwi sa’min. tsk!

“Aray!” sigaw ko. bigla ba naman akong batukan. “bakit nanaman?” reklamo ko

"Baliw kang bata ka! Tinatanong ka lang eh” sagot naman niya

"Obvious naman kasi, nagtatanong pa!” sagot ko.

“Tsk! Malay ko ba kung katatagpuin mo muna yung boyfriend mo” nakangising sabi naman niya. Napasimangot tuloy ako

“Mukha ba kong may boyfriend?” sarkastikong tanong ko. Naalala ko nanaman tuloy si Xander. Nasaan na kaya yung unggoy na yun? hmmm!

"Ba’t pala mag-isa ka lang, nasa’n si kinky?" tanong ni kuya dion

"Sinong kinky?" may pagtatakang tanong ko

"Yung kasama mo lagi na classmate mo" sabi naman niya

“Ah! Pinky yun kuya! P-I-N-K-Y! Pinky at hindi kinky!” pagtatama ko. Gunggong talaga ‘tong unggoy na ‘to

“Oo, yung si Blue” natatawang sabi niya kaya tinignan ko naman siya ng masama

“Kuya korny na! swear!” kaya naman agad siyang huminto sa pagtawa

"Haha joke lang. nasa’n nga yun? bakit ‘di kayo sabay?" tanong niya ulit

"May pinuntahan pa eh” sagot ko naman. Pero ang totoo, ako ang humiwalay

"Katahimikan! Katahimikan!" mala-boy pick-up na sabi ng isang boses ng lalaki muna sa likod. Nang tignan ko, si kuya Alvin!

“Uy! Nandiyan ka pala!” masiglang sabi ko

"Wala mish, wala! Standee lang ‘to. Gwapo noh?" sarkastikong sabi niya pero tinawanan lang naming siya ni Kuya Dion

Hindi din nagtagal, isa-isang nagsulputan yung mga Chikboys kasunod ni Kuya Alvin.

"Anong meron? Bakit nandito kayong lahat?” tanong ko

“Wala naman. Ihahatid ka lang naming para hindi napa-praning yung isa dito” si Kuya Anthony ang sumagot

“Ha? Sino?” tanong ko pero wala namang sumagot maliban kay Jhake sungit na asusual, sinungitan nanaman ako. Psh! Ba’t kasi kasama pa yan eh!

“Wag ka ng maarte. Ihahatid ka na nga, tanong ka pa ng tanong” Oh dib a, para namang gusto kong magpahatod sa kanya?! E ‘di hindi na sana siya sumama. Kainis!

“May sinabi ba kong ihatid mo ko?” mataray na tanong ko

"Sinabi ko bang sumagot ka?” Napanga-nga na lang ako sa sinabi niya. Aba! Talagang sinusubukan ako nitong Jhake Alvarez na ‘to ah!

“Tara na nga" sabi pa niya na parang hindi man lang inintindi yung inis ko sa kanya at naunan nang lumakad

“Hayaan mo na, May dalaw eh” natatawang bulong sa’kin ni Gino sabay kindat

“Bakit kasi sinama niyo pa yun?” tanong ko naman

“Secret” makahulugang sagot ni Gino. May something dun sa ngiti niya nung sinabi niya yung secret pero hindi ko ma-gets. O’ praning lang ako kaya kung anu-ano iniisip ko? pati yung ‘secret’ na sinabi niya feeling ko may meaning

Maayos naman akong nakauwi sa bahay dahil nga sakanila. Kulitan lang kami ng kulitan sa kalya habang pauwi habang si Jhake sungit hindi masyadong nagsasalita. Kaya sinabayan na siya ni Gino kanina tapos parang may seryoso silang pinag-uusapan

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now