Chapter.47*First Fight*

156 0 0
                                    

[Spade’s POV]

 

“mahal mo pa din ba siya?” tanong ni elise

 

“Oo. Mahal ko pa din siya, at hindi pa din nagbabago ung pagmamahal ko sakanya narinig kong sabi ni xander.

 

Hindi ko na din tinapos ang mga susunod na sasabihin niya, para ano pa? tama na ung nakita kong niyakap niya si mish. Nakita ko lahat ng hindi sinasadya. Hindi ko man alam ang pinag usapan nila ni mish pero kitang kita ko kung paano niya tignan si mish, and no doubt,he still feel something special for her.

--

Pag dating ko sa tapat ng gate namin nakita ko si mish na naka upo dun. Bumaba ako ng kotse para lapitan siya at pinauna ko na sa loob si manong.

Nang sumara yung gate isang sampal ang binigay sakin ni mish. Mugto ung mga mata niya.

“alam mo ba kung ilang oras ako naghintay dito? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Nag aalala ako kung ano nang nangyari sayo. Alam mo ba yun” sabi niya at bumuhos na ung mga luha niya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sa inis ko kasi hindi ko pa titignan ung cellphone ko mula kanina. Dinaan na din ako ni manong sa ospital kaya ginabi kami. Pero hindi ko yun masabi kay mish. Napipi ako ng umiyak siya sa harap ko. Niyakap ko siya pero kumawala siya at tinulak ako.

“ano? Wala ka man lang sasabihin? Bakit ka ba nakipag away kay xander? Kung hindi pa kayo nakita nila pinky hindi pa siguro kayo naawat sa away niyo. Ganyan ka ba spade? i’m so disappointed. Hindi ko alam na ganyan palang klase ng tao yung nagging boyfriend ko. Nakaka pang sisi” sa sinabi niya parang nawala ako sa sarili ko at nasagot ko siya.

“nag sisisi ka? Yun ba yung dahilan kaya siya yung kayakap mo kanina? Kaya hindi ka sumabay sakin sa pag pasok? Kaya kahapon mo pa ko ginaganyan? Kasi nagsisisi ka? Sana sinabi mo nalang agad. So anong gusto mo ngayon? Gusto mo nang makipag break?” dire diretsong sabi ko.

“wala akong sinasabing ganyan spade” sabi niya

“di ba sabi mo nag sisisi ka na ako yung naging boyfriend mo? Edi mag break nalang tayo. Dun ka na kay xander!” sabi ko

“yun ba gusto mo? Sige siguro nga kay xander nalang ako. Mag break na tayo!” sigaw niya at padabog na umuwi sakanila.

Pumasok na ko sa bahay at sinalubong ako ng tanong ni mommy pero hindi ko siya sinagot at umakyat nalang sa kwarto ko pero kahit si mommy disappointed sa ginawa ko

“I’m so disappointed to you son. This is the first time that you got home like that, again!. I thought nagbago ka na. Hindi ko alam kung kanino at bakit ka nakipagbugbugan pero nakita ko yung ginawa mo kay mish. She waited for you for 2 hours. Kahit nilalamok siya sa labas tiniis niyang hintayin ka ng hindi man lang umaalis dun. I tell her to go inside pero ayaw niya. Pero anong ginawa mo? Di ba kaya tayo nandito kasi para sakanya. Sa ginagawa mo spade mawawala siya sayo. Hindi poket alam mo na – ”

“ENOUGH!!” I cut her words

“Enough ma! Ayoko munang pag usapan to’. Yeah I know I disappointed you. I also did something rude, but I was hurt mom, could you please let me take my rest?” pagkasabi ko nun sinara ko na ang pinto.

Tama si mommy, at dahil sa ginawa ko nagbreak kami ni mish. Mas masakit pa yun kesa sa mga suntok na nakuha ko mula kay xander. Nasaktan ko yung babaeng pinangakuan ko na aalagaan ko.

“Ang tanga mo spade! ang tanga tanga mo!” naiinis ako sa sarili ko. Tinignan ko ung binatan ng kwarto niya pero patay na ung ilaw kahit bukas pa yung kurtina.

--

[Mish POV]

 

Tinext ko muna si xander

Xander sorry sa nagawa ni spade. hindi ko alm yung pinag awayan niyo pero sorry talaga. Sinabi lang sakin ni pinky na inabutan nila kayong nagsusuntukan. Sana maayos niyo yung problema niyo. Wala ding sinabi sakin si spade, I hope magka ayos na kayo at sorry talaga

Sinend ko na yung message at piñata ko na yung ilaw. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap si baby shimedaps.

“baby shime’ ung daddy mo naki pag break na sakin. Ang bad niya noh” sabi ko habang umiiyak pa din as if naman na magsasalita si babay shimedaps. Accidentally, napindot ko ung play button

“Happy 1st Monthsary misis. Akalain mo un, 1 month na tayo? Hehe. Pero 1 month pa lang tayo, madami pa tayong pwedeng pag daanan. Pero ito lang ang sasabihin ko. Mahal na mahal kita at mas mamahalin pa kita araw araw. Sana wag kang magsasawa sakin. Pag may problema ka sasabihin mo agad sakin. Tiwala lang. I love you forever Misis”

 

Lalo akong naiyak sa narinig ko.

“baby naman! Bat mo pinaalala. Sabi ng daddy mo mahal na mahal niya ko, may forever pang nalalaman eh siya naman tong nakipagbreak. Ang pangit niya! Bahala siya!” hinayaan ko lang na umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulugan ko nay un.

--

Pag gising ko mugto ang mga mata ko. Dumeretso na ko sa banyo para maghanda sa pagpasok sa school.

Pag dating ko sa school wala pa si spade pero nandun na si xander. May sugat siya sa gilid ng labi at sa kaliwang kilay. May benda din siya sa braso at ilang pasa.

“xander, grabe naman yung nangyari sayo. Okay ka lang ba? Kaya mo bang magsulat? Bat pumasok ka pa. magpahinga ka nalang” sabi ko.

“okay lang ako mish. Salamat sa concern pero promise okay lang ako” sagot naman ni xander at nakangiti pa siya

“nagtataka nga ko kasi mas mukhang napuruhan pa siya. Eh siya tong naka ibabaw kay spade nung inabutan naming” sabi naman ni pinky

“pinky hayaan mo na kung sino nauna. Tignan mo madaming injury si xander” sabi ko

“si elise nasan?” tanong ko

“di pa siguro dumadating” sagot ni pinky

“uy mish si spade. di mo ba aasikasuhin boyfriend mo?” sabi ni pinky. Hindi ko pa nga pala nasasabi sakanya.

Tinignan ko si spade pero mukhang wala naman siyang tulong na kailangan. Sugat lang sa labi at ilang pasa ung nakuha niya. Kung ikukumpara mo naman sa injury ni xander.

“mukhang hindi naman niya kailangan ng tulong. Tsaka break na kami. Naki pag break siya sakin kagabi” sabi ko na kinagulat naman nila.

“mish anong—.” Hindi malaman ni pinky kung anong sasabihin niya kaya umupo nalang ako at nanahimik. Akward lang kasi magkatabi kami ni spade at hindi kami nag uusap.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now