KABANATA 2

15 3 0
                                    


“Kumusta ang byahe niyo? Ibaba niyo muna ang mga gamit niyo at ang mga kapatid mo na Svana ang bahalang mag-akyat ng mga iyan. Kumain muna kayo at may hinanda akong pagkain sa kusina,” nagmano si Steven kay Mama nang salubungin kami nito.

“Nasaan po si Papa?” tanong ko kay Mama nang mapansing wala roon ang ama.

“Nasa bayan at namimili ng para sa boodle fight natin. Naku, noong isang araw ka pang hinihintay nang mga tiya at tiyo mo para i-congratulate. Mamaya magpunta kayo ni Steven sa kanila para makilala rin nila ang nobyo mo.” Natigilan ako sa sinabi ni Mama.

Matagal nang kilala nina Mama at Papa si Steven at ang pamilya nito dahil naging boss ko sila subalit ang iba ko pang mga kamag-anak ay hindi. Hindi ko alam na aabot sa ganitong punto kaya’t hindi ko napaghandaan.

Lumingon ako kay Steven, nakangiti siya sa akin kaya naman tipid ko itong sinuklian.

Noong hapon din nang araw na iyon nang hindi na tirik ang araw ay nagtungo kami sa bahay ng mga tiyahin ko. We are very close to our extended family. Siguro ay dahil tradisyon na sa probinsya na ganito. Nasa iisang Barangay lang din naman kasi ang mga kamag-anak naming kaya’t magkakalapit lamang ang mga bahay namin.

“Svana, congrats! Sa wakas ay isa nang ganap na abogado ang pamangkin ko!” masayang bati sa akin ni Tita Leona habang sinasalubong ako ng yakap. Binati rin ako ng nag-iisa niyang anak na si Eliah.

“Sino iyang kasama mo hija? Bagong nobyo mo? Kung ganoon ay hindi na talaga kayo nagkabalikan ni Leander.” Napalingon ako kay Steven dahil sa sinabing iyon ni Tita Leona.

Mabait si Tita Leona at isa siya sa mga paborito kong tiyahin subalit madalas talaga ay hindi mapigilan ang kadaldalan ng mga nakatatanda.
Masama ang timpla ni Steven dahil sa narinig subalit hindi iyon nahalata sa kanyang mukha. Sa halip ay makikitang malapad ang kanyang pagkakangisi.

“Sinsay muna kayo sa loob at makapagmeryenda,” alok ni Tita Leona na siyang tinanggihan namin. Marami pa kasi kaming pupuntahang kamag-anak para imbetahan sa boodle fight bukas ng tanghali.

Lahat ng mga kamag-anak ko ay nagagalak sa tuwa nang makita ako. Anila ay proud na proud sila sa akin. Sa Barangay kasi naming ay ako ang kauna-unahang naging abogado pati na sa aming pamilya.

Maghahating gabi na nang makauwi kami dahil sa dami nang kamag-anak na pinuntahan at sa haba ng kwentuhan at kumustahan. Paliko kami sa amin nang makasalubong ko sina Tita Josie at Tito Celo, mga magulang ni Leander.

“Svana, hija nandito ka na pala. Congrats nga pala nalaman naming na ganap na abogado ka na. Masaya kami para sa iyo,” maligayang bati sa akin ni Tita Josie habang hawak ang dalawang kamay ko.

Mabuti na lamang ay gabi na kaya’t medyo madilim. Hindi nila kita ang namumuong luha ko na pilit pinipigilan.

Pinilit kong huwag mautal o pumiyok, “Salamat po Tita.” Nagdadalawang isip ako kung iimbitahan ko ba sila bukas sa boodle fight.

Si Tita Josie ay kaibigan na ni Mama dalaga pa lamang sila at si Tito Celo naman ay naging barkada ni Papa noong mag-asawa na sila ni Mama. Lumaki ako na parang anak na ang turing sa akin nina Tita Josie at labis ang saya nila noong naging kami ni Leander. Kaya naman ganoon na rin ang hinagpis nila nang matapos ang higit dalawang taon naming relasyon.

“Punta po kayo sa amin bukas Tita. May kaunting salo-salo po sa tanghali bilang selebrasyon.” Ang totoo kaya nagdadalawang isip ako na imbitahan sina Tita Josie ay dahil alam kong malaki ang posibilidad na nariyan si Leander. Subalit higit sa pag-iwas ko na magkita kami ay nanaig ang pagiging malapit ko sa pamilya niya.

Natapos man ang kung ano mang mayroon kami noon hindi natapos ang koneksyon naming sa pamilya ng bawat isa.

KInabukasan ay abala ang lahat sa pamilya para maghanda ng panaghalian. Malaki ang extended family ko kaya naman tatlong mahahahaba at malalaking lamesa ang kinailangan para magkasya ang lahat. Ang iba pa ay hindi makakarating dahil nagtatrabaho sa malayo o sa malayo nakatira tulad ng mga pinsan kong sa malayong lugar nakapangasawa.

“Svana, pwede bang ikaw na muna ang manghiram ng kayuran. Nasira na kasi ang sa atin. Kailangan nang makayod ang niyog,” utos sa akin ni Mama na abala sa pagluluto ng mga panghimagas.

Luminga-linga ako sa paligid at nakita na abala ang lahat kaya ako ang nautusan niya. Si Steven nag-iihaw ng ulam kasama ng dalawa pang pinsang lalaki. Sa ayos niya’y halatang hindi siya sanay sa ganitong gawain.

“Saan po ako hihiram?” tanong ko kay Mama habang naghuhugas ng kamay dahil nagtuhog ako ng mga iihawin.

“Magtanong ka kina Tita Josie mo-“ natigilan si Mama at hindi natapos ang sasabihin nang mapagtanto kung saan niya ako pinapahiram ng kayuran. “Si Evon na lamang pala ang pakuhanin mo,” baw[ ni Mama sa utos niya.

“Ma, sasama ako kay Papa pangunguha ng dahon ng saging. Busy po ako,” tugon ni Evon nang marinig na sa kanya ipinapapasa ang utos.

“Ako na po, Ma. Ayo slang po,” nakangiti kong sagot kay Mama. Hindi sigurado kung siya baa ng kinukumbinsi ko na ayos lamang o ang sarili ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko papunta kina Tita Cely lalo na nang nasa harap na ako ng bahay nila. Sarado ang mga bintana saka ang pinto.

Nag-aalangan akong tumawag. Tumalikod ako at nagdadalawang isip kung uuwi na lamang ba. “Mukha namang wala sina Tita Josie. Baka nagsimba dahil lingo. Sasabihin ko na lamang kay Mama na walang tapo,” bulong ko sa sarili
.
“Sinong nagsabi sa’yo na walang tao?”

“Ay, kabayo!” pagitla kong baling sa kung sino man ang nagsalita. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Leander iyon.

Napansin ko kaagad ang laki ng nagbago sa kanya. Hindi ko na maalala kung gaano katagal na noong huli ko siyang nakita. Mas malaki at mas matikas na ang kanyang katawan. Matangos at mapula pa rin ang kanyang labi. Ang paraan nang paghagod niya sa malambot at brown niyang buhok ay ganoon pa rin. Subalit ang kanyang mata, ang paraan nang pagtingin niya sa akin, hindi na ganoon. His eyes is unfathomable.

“May kailangan ka ba?” tanong niya sa akin bago kami sabay na napalingon sa loob nang bahay nila dahil sa tinig nang hindi pamilyar na babae na tumawag sa kanya. Bago na naman ba?

“I’m asking you. Do you need anything?” natauhan ako dahil sap ag-ulit ni Leander sa tanong niya.

I can’t explain what I’m feeling right now. May kirot sa puso ko subalit kailangan kong maging matatag. Hindi niya dapat makita na naaapektuhan pa rin ako sa presensya niya. Na nanghihina pa rin ako sa bawat titig niya. Hindi niya dapat makita sa mga mata ko ang pag-asa na baka pwede pang ibalik. Na baka pwedeng kami na lang ulit.

“Kayuran. Pahiram daw ng kayuran nasira raw ang-“ hindi pa ako tapos sa pagpapaliwanag subalit nawala na siya kaagad sa harap ko.

Isang minuto lamang ang nakalipas at nasa harap ko na ulit si Leander dala ang kayuran. Tinaasan niya ako nang kilay nang hindi ko agad iyon kinuha mula sa kanya. Nangangamba na baka mapansin niya ang panginginig nang kamay ko.

Sinikap ko na kunin nang mabilis ang kayuran mula kay Leander saka nagpasalamat at pinilit na maging normal lamang ang pagtalikod at paglakad pauwi. Kahit na ang totoo ay halos kumaripas na ako nang takbo makalayo lamang sa kanila.

Hindi ko na rin tinangka pa na lingunin ulit ang kanila at baka pa kung anong isipin niya.

Nang sumapit ang tanghalian ay masayang kumain ang lahat. Dumalo rin sina Tita Josie at Tito Celo subalit hindi nila kasama ang kanilang mga anak. Anila ay abala ang mga anak nila sa trabaho. Nabanggit din nila na sa Maynila nagtatrabaho ang kapatid ni Leander na si Asher.

Kung ganoon ay abala pala siya. Saan? Baka sa ibang bagay siya abala.

At ano namang pakialam ko kung hindi siya pumunta rit Mabuti na rin iyon mas tahimik ang buhay ko kapag wala siya. Iyon din naman ang gusto ko simula pa lamang. Ako naman ang may gusto na mawala siya sa buhay ko. Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang mapalingon kaming lahat sa dumating.

“Magandang tanghali po. Abot pa po ba ako sa salo-salo?” nakangiting bati ni Leander. May dala siyang alak at softdrinks. Nakasuot siya ng simpleng putting t-shirt at jeans subalit halata ang tikas ng katawan niya.

Mas maputi na pala siya ngayon hindi tulad ng dati na medyo moreno.

Namalayan ko lamang na kanina pa pala akong nakanganga at nakatitig kay Leander nang subuan ako ni Steven ng shanghai. Matamis niya akong nginitian pero hindi koi yon masuklian. I know it wasn’t genuine.

RELEASE ME PLEASEWhere stories live. Discover now