KABANATA 1

19 3 0
                                    


Kakatapos ko lamang mag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa Batangas nang tumunog ang cellphone ko.

“Hello, babe. Nasa labas ka na ng apartment ko?” kumiling ako upang ipitin ang cellphone sa pagitan nang tenga at balikat upang maisara ang bag gamit ang isang kamay bago ako lumapit sa pintuan.

“Good morning, babe.” Steven lean closer to kiss me pero nagkunwari akong hindi alam ang ginawa niya para hindi ito matuloy. Mabilis ang pagtalikod ko at dumiretso sa maliit na table para ipatong doon ang aking cellphone. Kinakabahan ako sa ginawa.

Me and Steven had a smooth relationship so far. Wala kami pinag-awayan sa halos dalawang taon naming pagsasama. Many envy us and says we are a perfect couple but deep down I know something’s wrong. And I know it’s me.

Tahimik kami sa byahe. Nagkunwari akong tulog samantalang nagpatugtog naman si Steven upang hindi ma-bored sa biyahe habang nagmamaneho mula Pasay hanggang Batangas. Gumising lamang ako nang nakalabas na ng Star Toll Way para ituro kay Steven ang daan patungo sa bayan naming sa San Carlos.

Sa kahabaan ng traffic sa Lipa City may magkasintahan akong napansin sa loob ng kotse na katapat naming. They are kissing. Sa tagal naming ni Steven I can’t remember a time na nag-kiss kami or if we ever become physical. Dahil sa tuwing lalapit siya ay kaagad akong lumalayo. Hindi ko alam paano niya ako tinagalan ganoong ganito naman ang trato ko sa kanya.

Steven is three years older than me. He is lawyer that’s why he is always busy so we really only see each other every weekend on normal days since I am also busy with law school.

Oftentimes he will offer to help me with my school works but I always reject him saying I want to learn on my own as an excuse. But the truth is, I just don’t want him around. At sinong matinong babae ang aayaw na nasa tabi nila ang nobyo nila? Wala. At hindi ako matinong babae.

Bakasyon ko at kakatapos lamang ng ikalawang taon ko sa law school noon kaya umuwi ulit ako sa Batangas. Sa kabilang kalsada lamang ang bahay nina Leander mula sa amin kaya naman tanaw ko siya isang umaga habang nagwawalis ako sa aming bakuran. Nakita ko siyang nakadungaw sa balkonahe nila sa ikalawang palapag habang humihithit ng sigarilyo. Kaagad akong nag-iwas at bumalik sa pagwawalis nang mapatingin siya sa gawi ko.

Kung ganoon ay naninigarilyo na pala siya ulit.

Minsan isang beses sa isang buwan akong umuuwi sa Batangas noong hindi pa ako pumapasok sa law school subalit hindi ko nakikita si Leander. Ayon sa mga naririnig sa kapit-bahay ay nagtatrabaho ito sa barko at minsan lamang sa isang taon umuwi.

Simula noong nag-law school ako at umuuwi sa Batangas ay madalas ko na siyang makita. Minsan ay nakauniporme pamasok at may dalang malalaking putting papel at t-square. Minsan nasisilayan ko siya habang gumuguhit mula sa kanilang balkonahe. Palihim akong nangingiti sa tuwing nadadatnan ko siyang ganoon. Kung ganoon ay itinuloy pa rin niya ang kanyang pangarap na maging Architect.

Isang gabi isasara ko ang gate nang mapalingon ako ulit sa balkonahe nina Leander. Madilim doon at ang alam ko’y walang tao dahil bumisita sa bahay ng nakatatandang kapatid ni Leander na nakapangasawa na. Kaya naman laking gulat ko nang may gumalaw mula sa balkonahe.

Maliwanag ang buwan sa langit kaya’t kahit walang ilaw sa bahay nina Leander ay kitang-kita ko kung paano niya halikan ang babaeng kayakap. Buhat pa niya ito at ang mga hita’y nakapulupot sa kanyang bewang. Nanlaki ang aking mga mata lalo na nang magtama ang aming tingin. Tila nanghahamon at walang pakialam. Dahil hindi nakayanan ang nakita ay kaagad akong pumasok sa bahay, nagkulong sa kwarto at hindi na nakakain ng hapunan.

Kinabukasan ay maaga akong gumising at naghanda ng mga gamit. Nagpaalam ako na luluwas na ng Maynila para mag-enroll sa law school kahit dalawang lingo pa naman bago ang pasukan. Hindi ko hilig ang mag-bar pero noong mga sumunod na araw ay tila naging suki ako sa isang bar sa Pasay. Gabi-gabi rin ay sinusundo ako ni Steven at iniuuwi.

“What happened? Do you have a problem? You know you can always talk to me.” Tulala ako sa aking sofa habang nakatayo si Steven sa harap ko. Kasusundo lamang niya sa akin mula sa bar kung saan ako nagpapakalasing.

Dahil na rin siguro sa dami nang alak na nainom ay tumayo ako saka hinalikan si Steven. Naestatwa siya at hindi makagalaw. Hindi siya nakaresponde kaagad sa aking mga halik dahil sa gulat.

Napatigil lamang kami nang biglang magbukas ang pinto ng aking apartment. It was Nikki, nakita niya kaming magkahalikan. She assumed na sinagot ko na si Steven and I never bother to deny it kaya naman nakarating din kaagad kay Tita Amanda at Tito Carlos.

Kinabukasan nagising ako sa sigla ng mag-asawa at nais nilang mag-dinner ako sa bahay nila para mag-celebrate. They were too happy with the lie that I couldn’t deny. Paano ko sasabihin sa kanila na hindi totoong kami na kung ganoon sila kasaya? Paano mo papalungkutin ang isang tao na ganoon magdiwang? I just can’t do it.

Malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Steven and he have been courting me for two years already kaya siguro naman ay ayos lamang na bigyan ko siya ng pagkakataon.

Tumagal nang tumagal ang kasinungalingan ko hanggang sa sakyan ko na at totohanin. Nasanay na ako sa ganoon.

RELEASE ME PLEASEWhere stories live. Discover now