The Pageant for Names

59 1 1
                                    

“Ang panliligaw ay parang pag-aaply sa isang trabaho, kelangan mong malaman ang pangalan ng pagtatrabahuhan mo, pati na rin ang trabahong gagampanan mo.”

Sa Biographic Data, nandun ang name, address, age, status, religion, sex, favourite food, likes and dislikes, pati na rin motto at ang pinakamahalaga ay ang average monthly income mo at saka ang PIN number ng ATM mo at kung magkano ang laman nun. At saka 2×2 Picture ng alaga mong pusa.

Walang kinalaman ang nasa itaas… … … Wala nga ba? O meron ?? Actually, WALA talaga! Siningit ko lang yun, para mahaba ang masabi ko. Nakakatuwang isipin, pero para makilala mo ang taong gusto mo, ay kelangan niyang dumaan sa PROCESS, na parang Biographic Data.

Edward Cullen…… Angelina Jolie… Brad Pitt… Johnny Depp… Leonardo De Carpio…Dingdong Dantes… Marian Rivera… Piolo Pascual… Pokwang… Chocol8.

Question No. 1: Ano ang name ng crush ko sa Paris-tern University?

a.Jenny I. Bagonggahasa

b.Mary S. Bagongligo

c.Merry A. Lantantuta

‘WAG kang matawa, sapagkat nandyan ang name ng crush ko. Nakakatuwang isipin na may iniisip akong nakakatuwa. Ang gulo ng buhay niyo. Para kayong buhok sa kili-kili ng taong may putok sa singit!!!

BAAACCCKKK to the Main Story: Haay, nakakapagod magkwento. Pinipilit ko si “The One” na sabihin sakin ang name niya. Ang alam ko lang talaga sa kanya eh “ONE” kasi yun yung nakalagay sa name tag niya nung mga nakalipas na seminar. Ayaw niya talagang sabihin, kulit ko daw! Hanep naman oh!

BABALA: Parang Boys over Flowers ang inyong mababasa!

Harvey: Ano nga name mo?? Pls?

The One: Xcrt.

Harvey: Ano nga pls??

The One: Basta secret…

Harvey: ahahaha, malalaman ko rin ang name mo…

The One: Panu mo nmn malalaman??

Harvey: May plano ako,. At siguradong effective ‘to,.

The One: Ano yun??

Harvey: Xcrt…

The One: Daya, kapag hindi mo sinabi sakin eh hindi na kita ittxt…

Harvey: (naku, naku, kinabahan naman ako dun sa sinabi niya oohh, ano?? Sasabihin ko ba? Siyempre hindi ko sasabihin, HINDING-HINDI ko sasabihin ang plano ko!) Ahhmm, sige na nga,.

The One: Ano yun??

Harvey: Eh kasi, may listahan yung nagpa-Seminar sa atin ng mga umatend dun, sa Guidance ko kukunin, bwahahaha, kukunin ko yun!!!

The One: Hmmfft, hindi mo makukuha yun, sige nyt,.

Harvey: Bakit?? Bakit hindi ko makukuha?

Harvey: Bakit??

Harvey: Goodnight “The One”

Kinabukasan… ay Linggo, kaya the next next day ko pa malalaman ang WHOLE name niya! Dumating ang Lunes, at muntik ko pang makalimutan na itanong sa Guidance Office ang name niya. Pumasok ako, medyo kinakabahan, alam mo ba yung feeling na kapag tumaya ka sa Lotto at isang numero na lang ang kelangan mo para tumama ka at manalo ng limpak-limpak?? Mas matindi pa dun ang nararamdaman ko. Sapagkat, masakit kasi ang Tiyan ko nung araw na iyon.

Sabi samin ni Sir Noel, na naging kakutsaba ko na sa Paris-tern University, ay nagpunta na daw si “The One” dun at ang sabi pa ni “The One” ay medyo pakiputan niya daw ng konti ang humihingi ng name niya. Ang saya ko nun, kasi nauna na pala siya, hmmm, akala niya hindi ko makukuha name niya. Bwahahaha,. Wait lang, hindi ko pa nakukuha, nasa akin ang Listahan, 10 pages, back to back, Font Size ay 10. NAKU, NAKU!!! Mahaba-haba itong paghahanap!

…..Batongbakal….Bagonggahasa….Bagongligo…Lantantuta…Lantanbaka…Kulasa….. Singhotkulangot….******** *****…..Rifampicin….Rumpeltiltskin…..White…

Hindi ako sigurado kung yun nga ang name niya, pero feeling ko eh yun nay un. Alam mo ba ang pakiramdam na nakagat mo na ang chocolate sa candy ng Dynamite?? Alam mo ba ang pakiramdam na nakakuha ka ng grade na 99.9% sa subject na hindi naman kasama sa Final Grade mo? Alam mo ba ang pakiramdam na nailabas mo na ang lahat ng sama ng loob sa Tiyan mo???

Itinext ko na kaagad sa kanya ang nalaman ko,. Hindi siya sumagot… Nagtext ulit ako, medyo nangungulit…. NOTE: Dapat sa bawat text ay may pa-cute pa rin!….. Ito ang text ko sa kanya:

Good evening, Hello Ms. “The Only One” Ahahaha,. Ang swerte, alam ko na ang whole name mo,. Ahem, ahem, *pa-cute*…

Hindi siya nag-reply,. KAINIS!!! Pa-cute pa naman ako!!

Change of HypothalamusOù les histoires vivent. Découvrez maintenant