The Untamed Eleven Lucky Numbers

62 1 3
                                    

 Pangalawang seminar na noon, sa taas ng bagong Technology buliding, 9th Floor ata nun pero hindi ko sure. Limot ko na si “The One”, wala akong ine-expect na makikita ko siya nun, ni hindi ko nga siya naiisip nung mga araw na yun, ewan ko kung bakit. Kakaunti pa lang kami nun, naghihintayan at nagkukwentuhan, dahil siguro sa kakagaling lang sa Star City yesterday. Pero umatend pa rin ako dahil may libreng merienda na naman, na galing sa KFC.

Note: Yung merienda last seminar ay galing sa Jollibee. Kakaunti ang mga estudyanteng dumalo sa pagpupulong, mas nakilala ko si Sir Noel, ang aming speaker at mas madami akong naging kaibigan.

Note (again): Madaldal daw po kasi ako. Pero dumating ang oras na dumating din siya, late nga lang, pero ayos lang dahil dumating siya kahit papano. Sabi ko sa sarili ko, “Kukunin ko number niya!”

Ayun na nga, nag-seminar kami tungkol sa values tapos nag-break. Remember na isang classroom yung ginagamit namin, nasa isang side ko talking and eating my merienda with my friends last seminar, at nandoon siya sa kabilang side na kung saan ay katapat ko lang siya, as in, katapat ko lang siya. Siyempre, pasulyap-sulyap ng konti ang tsong ninyo. Pa-cute ng konti. Pinakilala ko sa friends ko yung crush ko at itunuro ko, sabi ko sa kanila eh kukunin ko  ang number niya. Natapos ang break at may panibagong activity na naman, tungkol sa families. We are asked to draw a tree, basta un na yun.

Nagulat ako, AYOS!, Friend pala ni “The One” tong katabi ko, ayun lumapit, hindi ako mapakali, nagsimula na silang mag-drawing. Ganito ang ngyari:

8 Steps to Get the Number of the Girl You Like:

Step 1. Siyempre, pasimple muna, wag magpapahalata.

Step 2. Kunin mo ang numbers  ng nasa paligid para hindi mahalata na crush mo ang isang tao.

Step 3. Matapos makuha ang numbers ng mga kalapit eh, aim for the target na!

Step 4. Kunin mo ang number ng kalapit bago ang nasa malayong lugar para hindi halata.

Step 5. Then, sabihin sa kalapit na ipasa yung cellphone mo dun sa kalapit pa niya para makuha rin yung number.

Step 6. Tapos maghintay ng ilang sandali, huwag magmadali.

Step 7. Ayon naibigay na nga sa kalapit na nagngangalang “The One”.

Step 8. Huwag gayahin ang mga steps na ito dahil palpak ang mga ito.

Sabi niya kasi eh mamaya na lang kasi nga nag-dodrawing pa. Oo nga naman, tanga talaga ang tsong ninyo. Pero dumaan ang panahon, bumagyo na at lahat, eh hindi ko pa rin nakuha ang number niya, hanggang sa matapos ang seminar.

Change of HypothalamusWhere stories live. Discover now