Inbox Meets Outbox

67 1 7
                                    

“I’m going to Smile like Nothing’s Wrong, Talk like Everything’s Perfect, Act like it’s All a Dream, and Pretend it’s Not Hurting Me.”

Excited na excited pa ako nun, agad kong kinuha ang number nya sa classmate ko pagkatapos kong makalimituan ang cellphone ko,.AHAHA!!! Wag kang tumawa sapagkat hindi ito nakakatawa, nakakatawang isipin na hindi ito nakakatawa!

NOTE: Pero bago ang lahat, sa mga nagbabasa nito eh basahin niyo muna yung nauna kong post para makarelate kayo,. Huwag maging mangmang, basahin muna.

“Good afternoon “The One”, ahahaha, si Harvey nga pala i2, Harvey Perez from the Seminar. Stil Remember??”

Hindi siya nagreply,. Tinext ko ulit at hindi siya nagreply. At tinext ko ulit at hindi na naman nagreply. Kanis, bakit hindi siya nagrereply! Naka-50 text na yata ako na na-realize ko na baka wala siyang load. Kaya itinigil ko muna, at ang sabi ko sa sarili ko eh bukas na lang baka meron na siyang load bukas. Napaisip ako, napatulala, sumakit ang tiyan ko, napaihi at nakatulog.

Wednesday. Tinext ko ulit siya ngunit hindi siya nag-reply.

Thursday. Muli ko siyang tinext at hindi siya nag-reply. Nakakabaliw ang paghihintay!!

Friday. “Baka ito na yun, baka mag-reply na siya!” Yan ang nasa isip ko at tila ito ay nagkakatotoo sa isip ko, remember, sa ISIP LANG!!!

Saturday. Tila nawawalan na ako ng pag-asa. Pag-asang malaman ang buong pangalan niya. At ang pag-asang makilala pa siya ng lubos, Oh The One! Mag-text ka na aking Irog!

Sunday. Baka naman mali ang number na binigay ng classmate ko. o baka naman ay ayaw niya akong ka-text at makilala. At nung araw din na iyon ay nagdasal ako na sana ay mali na lang yung number na naibigay, wag lang yung ayaw akong makilala.

Monday. Monday na pala kaagad. Hindi ko man lang namalayan. Ano ba yan?!

Tuesday. Ito ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ito na ang pagkakataon ko! Ito na ang tamang oras! Sapagkat hindi pa rin siya nagte-text.

Basta everytime na tine-text ko siya eh ganto ang sabi ng text. “Good Afternoon ‘The One’” Pero tila nagbago ata ang kapalaran ko, dahil nagtext siya, yun ay araw ng … … … … …araw ng … … … Miyerkules? Sabado? Nakakatawang isipin, pero totoo nga na kapag may gusto ka sa isang tao eh nakakalimutan mo na ang lahat, ang pangalan mo, pangalan ng tiser mong masunigt, kung kelan ka nagka-LBM, at kung sino ang pumatay kay Tita Cory, mapapaisip ka na hindi lang kayong dalawa ang nagpapaikot ng sarili ng mundong ito.

BEWARE: Rated {PG - 18} by MTRCB and Friendster!

*Huwag BASAHIN*

Tagpuan: Sa Dormitory ko at sa Dormitory niya! Pinagtagpo sa Cellphone! Alas Nueve ng Gabi! Lights, Cellphones, Action!

*Ang Kulit – Huwag ngang Basahin eh*

Harvey: Good afternoon The One! Kamusta? c harvey nga pala 2, Harvey Perez. Stil remember? from the Scholar Seminar?

*PASAWAY ka ah??? Wag ngang Basahin eh*

Tok Tok Tok Tok (Yan ang Message Alert Tone ko!)

The One: Ahh yes, hello, nice to meet you.

Harvey: Ahahahaha,. ano nga pala whole name mo??

The One: ahhh, The One name ko, kahit One na lang,

Harvey: ako nga pala si John Harvey Perez alyas Cute (just kidding folks) 16 yrs old, from Quezon Prov.

The One: ahhh, The One name ko kahit nga One na lang, secret.

Harvey: BAkit secret? anong meron One? (Medyo ang gulo niya noh??)

The One: Wala naman, may gagawin pa nga pala ako, cge, bye.

Harvey: Kumain ka na ba? (Ang kulit ko naman noh?)

The One: Oo, kumain na ako, ikaw?

Harvey: Oo, kumain na rin ako, kelan nga pala Birthday mo?

The One: Ahh, does it matter po ba?

Harvey: June 23, 1992 nga pala ako, eh ikaw?

The One: … … … (ibig sabihin, hindi nagreply)

Harvey: June 23, 1992 nga pala ako, eh ikaw?

Nakakain na ako, nakapag-toothbrush na ako! Nakapaglaba pa ako! Nakapaghilamos na rin ako at nakapagbenta pa ng pirata sa Quiapo, eh wala pa rin akong natanggap na text after nun. And then … … …

Tok Tok Tok Tok

Kinuha ang Cellphone at agad tiningnan, oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh! Nakalimutan ko pa ang Lock Code ko, wait… … … birthday ko ang Password! Ayon, type then ok! Menu, then hanapin ang may Picture na Envelope, tapos OK, then Inbox. Ang TAAAAAAAGGGGAAALLL! Ayun na! … …. … …. … …. … Nag-HANG pa naman oh,. Naku, naku, Dali!!!

Hindi pala siya! Binaba ko ulit Cellphone ko! Then … … … …

Tok Tok Tok Tok

Kinuha agad ang Cellphone,. Wala naman!

Tok Tok Tok Tok

Kinuha ulit ang Cellphone, Wala naman. HALA! Ghost ata yung ka-text ko kanina! Nag-iisa pa naman ako sa Dorm ko ng gabing iyon! May kwento pa naman na may multo pa naman dito sa dorm ko, parang HAUNTED HOUSE ‘tong dorm ko, ang structure ng bahay na ito ay parang kulungan, as in kulungan, hindi ng baboy o kung anong hayop kundi TAO. Let’s get back to the main story… wait… kwento ko muna ‘tong Ghost Story ko, maganda kasi eh. May nagbigti kasi sa kabilang Annex at meron ngang nagpapakita dito sa dorm namin kapag nagtotoothbrush pa naman ako, para bang may naglalakad papalapit sa likod mo at gugulatin ka bigla at bigla pang nawalan ng ilaw at ako’y kinain ng buo, hindi ako nagkasya kaya sinuka na lang ako. Just kidding… pero totoo yung unang part.Ang dahilan ng pagbibigti ng lalaking yun ay dahil sa pag-ibig, BASTED siguro, ang masasabi ko lang sa lalaking yun eh:

“Wag mong hahayaang mamatay ang puso mo kahit pa ang taong may hawak nito ang pumatay dito.”

At saka:

“Mahina ka pre, BASTED!!!”

Tok Tok Tok Tok

Pinagpapawisan dahil sa kaba at takot. Muli kong kinuha ang Cellphone ko at wala namang Text. Biglang may tumawag ng “Pssst, Haarvveeey!” Nagulat ako! May tao pala sa Labas ng pintuan ko at kanina pa tumatawag! Whoo!

Nakahinga rin sa wakas ng Malalim at saka hindi ako madaling matakot noh?! Sinong matatakutin? Baka ikaw!! Matapang ata ‘to!

Tok Tok Tok Tok (Ayan text na talaga ‘to)

The One: December 13, 1992, sige po, tutulog na ako!

Ngunit, Subalit, Datapwat. Dahil sa ayaw ko pa munang matigil ang pag-uusap namin ng araw na iyon ay Hindi nagpapaawat si Machong Harvey! Kaya nireplyan ko ng bonggang bongga, yung tipong sasagutin pa niya.

Harvey: Sige po, nyt!

The One: Switdrims, dream of the girl you like!

Harvey: How can I dream of the girl you are telling me, if you are the one in my dreams???! (yan dapat ang sinabi ko pero hindi ehh, haay! E2 ang sinabi ko.)

Harvey: Cge, po, switdrims also, nyt nyt, ingat ingat ingat! Baka mahulog sa kama! (Yan ang sinabi ko at Ang pangit ng Banat!)

Nagkamustahan kami! Nagkakwentuhan! Nagka-chikahan! Basta lahat ng uri ng usap ay tila para sakin ay napag-usapan na namin. Alam mo ba ang feeling na nasa kabilang linya lang pala ang taong mamahalin mo? Alam mo rin ba ang feeling na tila nadala na ng text ang puso ko papunta sa kanya? Ganun ang nararamdaman ko ng mga panahong iyon. At tila may masamang mangyayari, pangyayaring hindi nakaugnay sa Tiyan ko at sa Banyo at tila ito ay … … … …

Oh Nooooooo! May assignment pa pala ako at 12 am na nun! At masakit na rin ang Tiyan ko.

*Kung NATAPOS mo itong CHAPTER na ito, ibig Sabihin eh PASAWAY KA!*

Change of HypothalamusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon