5: Missing her?

Magsimula sa umpisa
                                    

He's your typical tall and pretty boy. His black yet medyo long hair pero hindi naman Emo.. sakto lang look, makes him a little mysterious kaya naman maraming customer ang pumupunta para sa kaniya. Dahil sadyang magnet ata ang restaurant na ito nang mga pogi! Well, mas pogi pa rin si bebe Seven ko.

Inirapan ko din siya. Sungit eh, nagulat naman ako dahil may nagpatong ng kamay sa ulo ko. Bwisit, ginawa ba namang arm rest ang ulo ko dahil sa matangkad siya. Lagi na lang!

" Tsk, tsk, Wala lang feel kasi naming asarin yung isa diyan. " Sabi ng ungas sabay tawa ng malakas. Tinabig ko yung kamay niyang nakapatong sa ulo ko sabay siko sa tiyan niya.

" Pwede ba Topher? Huwag mo akong asarin baka tamaan ka saakin. " I glared at him.

" Sige basta banda dito sa lips. " Sabi ng mokong. Grr! Nakakainis talaga ang malanding ito! Kung gaano ka neutral si Raven kabaligtaran naman niya si Topher! Napaka flirt tapos laging nang aasar! Hindi magkalayo ang edad nila 21 na siya at 22 si Raven magka school sila pero parang galing sa ibang planeta itong ungas na 'to.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil alam ko namang patay na patay siya kay Ate Rocky. In short nagpapabebe lang yan.

" Sorry baby Chan. I tried stopping them. Medyo bored kasi ang mga iyan dahil pakonti na ang mga costumer. It's been raining all day today pati kahapon kaya naghahanap sila ng mapaglilibangan. " Apologetic na sabi ni Ate Rocky. Ngumiti naman ako sa kanya.

" Ok lang Ate. " Sabi ko at nag cling sa Braso niya sabay belat kay Topher. Nag belat din siya at nag glaring contest kami.

" Tama na yan! Go back to work! Umuulan kaya ayusin ninyo ang trabaho ninyo! There are few customers than usual kaya dapat hindi kayo papatay patay! " Sigaw ni Manager. Nakakatakot talaga siya. Curious ba kayo kung anong itsura niya? When I say Manager hindi po siya mukhang dirty old man! Grapo din siya at matangkad! He's my type pa naman pero mas bet ko si Seven.

Oo, dahil mukhang lumabas si Manager galing sa painting! Classmate daw siya ni Seven sa culinary school noon kasama nung Seo. They've been friends kaya nung nalaman ni Seven na nandito siya sa Pilipinas agad siyang pinakiusapan ni Seven na maging Manager ng Resto. nito.

" Opo, Sir Vincent. " We said in unison.

And ayun umiskapo ako sa Kitchen nandun na pala si Seven kaya nagkakalat na ng lagim si Sir Vincent sa labas. Busy na silang nagluluto kasama ng mga helper sa kusina. Huwag ko na sila ipakilala sabi ng author dahil napapagod na siya kakaisip ng pangalan. Pero nakasalubong ko si Ace na waiter din. Nag usap kami using eye contact. Galing no?

Retreat daw! Dahil bad mood si Seven. Hayyy! Totally back down kapag Bad trip si Seven dahil nakakatakot siya. Hindi nakakatakot na iniisip ninyo mga bes. Dahil sobrang ngumingiti siya at sobrang bait to the highest level! He'll smile while talking pero alam mo namang hindi siya ok. And when he's in a very bad mood bigla bigla na lang siyang sisigaw na " Libre lahat ng kakainin ninyo today! Dear customers! " and magwawala sa kitchen si Manager. Boom lahat kami damay! Kaya the best way is to avoid talking to him.

Napabuntong hininga na lamang ako. I didn't know what happened but I know may kinalaman ang poste na iyon. I hate this but... why she stopped coming here?! So she didn't really liked Seven?

***

Madison's POV

Umuulan... it's been three days.
And I feel like dying! I'm lacking of Seven energy.. akala ko nakapag charged ako ng husto after hugging him but I'm running out of battery. Pero no! Madison stop! Remember Rule #5! Dapat Sunny day ka lamang magpapakita! But...I want to see him.

Seducing SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon