(Must read)Prolouge

17 4 0
                                        

"Bata! Anong ginagawa mo d'yan?"nagtatakang tanong sa akin ng isang batang babae.

Kasalukuyan kasi akong nakaakyat sa bayabas. May nakataling tali sa leeg ko na ang kabilang dulo ay nakatali sa sanga nitong puno.

"Hindi ba halata? Magpapakamatay ako. Umalis ka na kasi naka-ka-istorbo ka."sabi ko sa kanya.

Sa papatakan ko kasi sya nakapwesto.

"Ahahaha nagpapatawa ka lang diba?" Tanong nya sa akin habang tumatawa.

"Hindi ako nagbibiro. Bakit naman ako mag-jo-joke sa katulad mo? Hindi naman kita kilala. Tsaka kung concern ka at may balak kang pigilan ako, huwag mo nang ituloy." Disidido na sabi ko kahit na gusto ko talagang may pumigil sa akin.

Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na gusto ko nang mamatay may parte talaga sa akin na gustong maging ligtas.

Pigilan lang talaga ako ng babae na ito, magpapapigil talaga ako.

Ayaw kong mamatay, kaso nakakahiya naman pagtumigil ako. Nakakalalaki yun.

Pigilan mona ako, dali na.

"Hindi kita pipigilan. Ahahaha alam mo, nakakatawa ka. Sa palagay moba mamamatay ka talaga pag-tumalon ka d'yan?" Tumawa na naman sya ng tumawa na parang biro ang lahat.

Baliw ba 'to?

Dito na talaga siguro magwawakas ang gwapong buhay ko.Hindi nya daw ako pipigilan eh.

"Alam mo? Sumama ka nalang sa akin. Tuturuan kita ng tamang pagpapakamatay. Tingnan mo nga, hanggang leeg ko lamang ang sanga kung nasaan ka. Mababalian ka lang pag tumalon ka d'yan imbis na mabigti."sabi nya.

Naisip kona yun. Kaso lang pag umakyat ako sa mas mataas, baka hindi ko kayaning tumalon, takot ako sa matataas eh.


"Aist! Wag na nga, nakakainis ka. Napakadaldal at pakielamera mo kaya tina-tamad na ako."palusot ko sa kanya kahit na ang totoo ay natutuwa ako na yehey buhay ako.

Tinanggal kona yung tali sa leeg ko tsaka nagmadaling bumaba sa puno ng bayabas.

Pinagpagan ko yung kamay ko at pasimpleng tumingin dun sa babae.

Nakamasid lang sya sa akin ng tahimik.

"Anong tini-tingin-tingin mo d'yan?"masungit kong tanong sa kanya.

Tatlong hakbang ang layo nya sa akin o ang lapit nya sa akin.

May hanggang balikat na buhok at may dalang Bag na nasa likod.

Mga hanggang tenga ko sya.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan?" Tanong nya sa akin at humakbang palapit. At iniikutan nya ako.

"Madungis ka, hindi mabango, at para kang palaboy. Palaboy ka ba?" Tanong nya at tumigil na sa pag-ikot sa paligid ko. Nasa harap kona sya at kinakausap ako.

"Nilait moba ako? Nilait mo ako kanina, diba?" Tanong ko.

"Hindi. Lait ba yun? Para sa akin pag di-describe yun." Sabi naman niya.

"Alam mo? May pagka-masama yang ugali mo."

Pasalamat ka, ikaw ang dahilan kaya hindi ako tumalon sa puno ng bayabas. Kung hindi, pinutol kona yang dila mo.

"Nakangiti kana naman."

Napasimangot naman ako kaagad.

Hindi ko kasi maiwasang mapangiti pag naiisip kong buhay pa rin ako.

Sweet Kisses AngelesDes histoires addictives. Découvrez maintenant