Chapter 24

249 9 2
                                    

Hukom P.O.V.

Pinilit kong makawala,ngunit hindi ko magawa.Inilagay na nito ang dalawa kong kamay sa aking likuran.Itinali niya ako sa isang upuan.Narinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan,may isa pang pumasok.

“Magbantay ka na lang sa labas”Boses yun ng lalakeng nagtali sa akin.

''Wala ng mga tao sa labas,gabi na kaya''ani Babae siya dahil sa boses niya at hubog ng katawan.

''Naninigurado lang''sagot naman ng lalaking nagtali sa akin.Kapwa sila may takip sa bibig kaya hindi ko makita ang mga mukha nila.

Sino sila?,anong kailangan nila sa akin?.

''Bakit kayo andito?'' kalmado kong tanong habang pinipilit kong luwagan ang pagkakatali sa akin.

''Pasensya na kung kailangan pa naming gawin sa iyo iyan,alam ko naman kasing gagawa ka ng hindi maganda kapag nakilala mo kami''ani ng lalake.''Kailangan namin ng tulong mo''dugtong pa niya.

''Hindi ako tutulong sa mga tulisang katulad niyo,patayin niyo na lang ako,hinding hindi ako magtataksil sa bayan''

''Sabi ko na nga ba yan ang isasagot mo eh''sagot nito sa akin saka bumaling sa babae niyang kasama ''Pano ba yan nanalo ako sa pustahan''

Naiiritang sumagot ang babae''Oo na,oo na,gagawin ko na yung pinapagawa mo mamaya''

''Yun oh!,gawin mo na ngayon''mag-usap lang kayo ng matanngal ko ang taling ito.

''Aish bakit ngayon,may misyon pa tayo''

''Walang karapatang magreklamo ang natalo''lumuluwag na ng konti ang tali.

''Sssh,ang daya''

Tinanggal na ng babae ang takip niya sa bibig at lumapit sa lalake.Kilala ko siya,isa siyang sakit sa ulo ng silangan.

''Mabuti naman at naunawaan mo''

Tinanggal na rin ng lalake ang takip niya sa bibig.Mabilis siyang hinalikan ng babae sa pisngi na agad namang bumalik sa puwesto nito na tila nahihiya.

''A-anong ginagawa niyo dito''tanong ko pero parang wala lang tong narinig at ngingiti ngiti pa sa kawalan.

''Hindi ako nakikipaglokohan dito,anong ginagawa niyo dito,prinsipe Orphen,Dukesa Titania''nataasan ko na ang boses ko sa inis.

''Huh? ano ulit?''tila gulat na tanong ng prinsipe

''Ang.sabi.ko.anong.ginagawa.niyo.dito''dahan dahan kong pagulit ng sinabi ko at pinapanatili ang sarili kong kalmado.

''Sinagot ko na yan kanina''biglang sumeryoso ang mukha ng prinsipe.''Kailangan namin ng tulong mo''Konektado kaya to sa sinabi ni prinsipe Kalix tungkol kay Duke Calisto Hindi kaya.....totoo ang lahat.

''Anong alam niyo''tanong ko ulit.

''Marami''

3rd Person P.O.V.

Isang linggo ang lumipas at tulad ng inaasahan bumagsak na rin ang silangan at hilaga na napasakamay ni Dylan.Mas maraming namuhi kay Dylan at may iba pang nag aklas ngunit hindi nila kayang makatapat ang mga malalakas nitong tauhan.Lahat ng tao ay umaasa ng tulong upang maayos ang lahat.

''Labis na ang galit ng publiko sa prinsipe,hindi ba't dapat na tayong kumilos ngayon''tanong ni konde Sahiro kay Duke Calisto na halatang hindi nagugustuhan ang mga nangyayari.

''Hindi pa panahon para dyan,nasan si Kalix,nawawala hindi ba,asan ang bangkay ng reyna,nawawala din,ganun din ang marquis,asan sila''Nahampas pa ng duke ang lamesa sa sobrang galit.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon