Chapter 11

381 9 1
                                    

Lamia’s P.O.V.

''HUWAA B-bkti siya n-nandito''para namang nakakita ng multo itong si Orphen.

''Bakit nandito yang bastos na lalakeng yan''isa pa tong si Titania.

''Sandali!magkakilala ba kayo''tanong ko,naguguluhan na kasi talaga ako.

''Hindi''

''Oo''

AISH,ang gulo.

''Magsitigil nga kayo,sino kasi yang dala dala mo Lamia''tanong naman ni Kalix na isinandal pa ang ulo niya sa kama.Bakit ba naman kasi dito pa nilang naisipang mag pulong,alam ko namang hindi kami pwedeng basta basta na lang kung saan saan kami magusap usap,pero pwede namang sa kuwarto ko deh bah. Ang gulo gulo kaya ng kuwarto niya parang basura.

''Siya nga pala si Titania,isa sa mga dukesa sa aming kaharian''paliwanag ko.

''Weh di nga,dukesa siya''ani Orphen na kinaasar naman ni Titania.Lalapitan sana siya nito at siguradong hindi maganda ang gagawin ni Titania kaya naman pinigilan ko agad ito.

''Siya pala ang kinuha ko upang maging espiya sa silangan,alam niyo na bakante ang kaharian namin ngayon''tama wala ngang namamahala ngayon dun,ako andito,si ama naman ay nasa hilaga.Hindi naman ako makakabalik dun dahil sa sitwasyon ngayon.

Si Titania lang ang alam kong mapagkakatiwalaan ko ngayon.Isa siyang malapit na kaibigan.Kaklase ko siya noon sa aralin tungkol sa tamang gawi ng isang binibini.Kung ako ako ang laging napupuri siya naman ang laging nakakagalitan,puro taliwas kasi sa tinuturo ang pinagagawa niya at madalas pang napapaaway.Sa totoo lang hindi ko din gusto ang araling iyon dahil parang dinediktahan nito ang mga kilos mo na maski pag upo mo ay dapat kaaya aya sa panigin ng iba.Minsan may aralin kami tungkol sa paraan ng pagtawa,naasar ako dahil ayaw kong pati pagpapakita ng kasiyahan ko pagsasabihan ako ng guro namin at sa sobrang inis ko sa pagpapagalit niya sa akin ay nasapak ako nito.Ito namang si Titania ay inasar pa ang matandang guro namin na bumulagta sa sahig.Kaya naparusahan kami at dun kami naging malapit na magkaibigan.

''Sige Lamia aalis na ako''paalam sa akin ni Titania matapos ko siyang ipakilala pero bago siya lumabas ng pinto ay may sinabi muna ito kay Orphen''At ikaw,lumayo layo ka kay Lamia kung ayaw mong samain sa akin''Tumango lang si Orphen at parang natakot,ikaw ba naman ang titigan ni Titania.

''Pare teka lang,gusto kong kumuha ng maiinom babalik din ako''paalam ni Orphen,mga ilang minuto pagkaalis ni Titania,hindi pa ata nahihimasmasan kay Titania,tsk,tsk,tsk.Naiwan tuloy kami ni Kalix.

Mga isang linggo na rin ng makabalik kami dito sa kanluran.Pinarating ko na rin sa prinsipe na nagbago na ang desisyon ko at pagiisipan ko ang alok niyang kasal.

''Ang mahal na reyna may balita ka ba''matagal na rin kasing hindi bumabalik ang mahal na reyna dito.

''Wala''simple niyang sagot at kuha ng libro at binasabasa.

''Ganun ba,kung gayon tutulong ka ba sa plano naming?''

''Hindi'

'''Ano bang gusto mong mangyari ah''

''Sirain ang kasal niyo''

''Ilang beses ko bang sasabihin na walang kasalang magaganap,paaasahin ko lang siya para mabaling dun ang atensyon niya at para na rin makilala ko siya''ilang ulit ko bang ipapaliwanag yun sa kanya.

''AH,kaya pala pinapunta mo siya dito,kapal mo din noh,kaharian mo ba to''pinapunta ko nga dito ang prinsipe upang ditto sabihin ang desisyon ko,mas mabuti nang andito kami sa matatawag na teritoryo pa namin kaysa naman dun sa kuta niya mismo.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon