Chgapter 15:Diary(special chapter)

323 10 1
                                    

Hulyo 1,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Ikasiyam na kaarawan ngayon ng aking anak.Habang lumalaki siya ay lalo siyang gumaganda at nagiging kamukha ko.Nais kong paglaki niya ay maging isa siyang kagalang galang na binibini.

Anya

Hulyo 7,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

May mga bagay akong narinig na hindi ko dapat yata narinig.Hindi ko sinasadyang mapakinggan ang usapan ng aking asawang hari at ni Duke Callisto.Ang dukeng iyon ay makapangyarihan pa kaysa sa mga hari.Hawak nya halos lahat ng sangay sa bawat kaharian.Ang bantang iyon sa aking asawa ay marahil ay simula na ng kanyang pagganti.

Nakakatakot.

Anya

Agosto 10,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Halos isang buwan nang hindi bumabalik ang hari,wala din siyang pinapadalang mensahe sa akin.Ang tanging alam ko lang ay nasa timog siya,kasama ang iba pang hari upang pagusapan ang lumalalang tagtuyot at ang kabikabilang rebelyon.

Agosto 5,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Isa sa mga konseho ang aking nahuling nakikipagsabwatan sa Duke.Gusto ko nang magsalita ngunit wala akong kapangyarihan upang gawin iyon,reyna lang ako sa pangalan at hari lang din sa pangalan ang aking asawa.Marahil ang mga hari ngayon ay napasakamay na ni Duke Callisto.Ang pag-asam niya na maging hari din ang sumisira din sa kanya.Ikalawang  prinsipe lang siya ng Kanluran,at naibaba pa ang puwesto niya sa pagkaduke,dahil nahulihan siya ng mga ipinagbabawal na armas.Hindi pa ba siya titigil.Ang magagawa ko lang ngayon ay ang manahimik upang mapangalagaan ang aking anak.

Agosto 20,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Isang mensahe ang dumating sa akin mula sa kanluran,si reyna Lira ay inaanyayahan daw ako sa kanilang kaharian.May okasyon daw na hindi naman niya sinabi.

Agosto 28,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Ngayon ko lang ulit nakita si reyna Lira,mahilig pa rin siya sa mga bulaklak.Pinakilala ko na rin sa kanya si Lamia.Sayang nga lamang at wala dito ang dalawa niyang anak at nasa timog din daw.Dito muna ako hangga't wala pa ang aking asawa,nararamdaman kons mas ligtas ang lugar na to.

 Agosto 29,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Isang malawakang pag-aaklas ang nagsimula,at nagsimula pa ito sa kaharian namin.Naguguluhang tinanong ko si reyna Lira kung may alam ba siya dito,ngunit ang tanging sagot lang niya ay pagkatapos daw ng mga pangyayaring ito ay mas mabuting burahin ko na sa alaala ko ang mga ito.

Septyembre 1,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Kabi kabila na ang mga pag-aaklas at kataka takang hindi nadadamay ang kanluran.Ano na bang nangyayari.Kapag tatanungin ko naman ang reyna ay wala itong sinasabi.Kumikilos ito na tila wala lang nagaganap na kaguluhan.

Septyembre 15,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

Tumigil na rin ang mga kaguluhan,at maaari na kaming makabalik sa kaharian namin.Ngunit isang sulat ang dumating sa amin na naglalaman ng isang kahindik hindik na bagay. Ang mga hari ay nahatuln ng kamatayan dahil sa pagsisimula ng mga rebelyon.Yun ang nakalagay sa mensahe.Nakita kong tumulo ang mga luha ni reyma Lira at marahas na nilukot ang papel.Hindi siya tumupad sa pangako,mga katagang binulong niya.

 Ikinuwento niya sa akin ang lahat,nagkaroon pala ng kasunduan sa pagitan ng mga hari at ni Duke Callisto.Hindi biro ang kapangyarihan ng huli,kahit na sabihing isa lamang siyang duke.Hawak lang naman niya ang apat na konseho.Nagawa niya yun  dahil sa umaapaw niyang kayamanan na mula sa mga ilegal niyang gawa.Ang kasunduan ay ang pagbigay sa kanya ng kaharian ng kanluran kapalit ng hinhdi niya pagtuloy sa pagpapasiklab ng isang gyera.Inakala ni Reyna Lira na ang mga rebelyong  naganap ay kasama lamang sa kasunduan upang maibaling ang atensyon ng mga tao sa naganap na rebelyon at maging madali ang pagpalit ng puwesto.Ngunit isang tunay na traydor si Duke Calisto,ang nais niya ay ang apat na kaharian,isa siyang sakim at ganid sa kapangyarihan.Wala na kaming magagawa,at labis ko yung ikinalulungkot,kung ano man ang kahahatungan nito ay tatanggapin ko na lang ng maluwag.Ang tanging mapanghahawakan ko na lang ay ang pagiging reyna.

 Disyembre 3,XXX1

Mahal kong kaibigan ,

 Isang bagong hari ang itinalaga ngayon sa bawat kaharian at sa tingin ko ay isang mapanganib na kakampi ni Calisto.Ayaw ko na sanang marinig ang pangalan niya,isang mamatay tao,isang hungkag.Araw-araw ay nakatunghay ako sa labas magmula dito sa aking balkonahe at hinihintay ang aking hari,ang aking mahal kahit na alam kong kahit kailan ay hindi na siya dadating.At ang pagbaon sa limot sa mga namayapang hari ay lalong nakapagpasakit sa aking kalooban.Pinagutos sa  buong lugar na walang babanggitin na kagit na ano man tungkiol sa mga nangyari.

 Hulyo 1,XXX6

Mahal kong kaibigan ,

 Medyo maalikabok ka na,patawad kung itinago kita,ayaw ko na sanang balikan pa ang mga bagay bagay limang  taon na ang nakakalipas at siguro ito na ang huli kong sulat dito.Isang linggo na ang nakakaraan at nagpunt kami ni Lamia sa kanluran.Pinakilala ko siya sa anak ni Reyna Lira na si prinsipe Alex,sayang nga lang at wala dun ang nakababata nitong kapatid.Mukang masaya naman ang aking anak na makakilala ng bagong kaibigan.Nagkausap din kami ni Lira at hindi ko sinasadyang matanong ang isang bagay tila walang ginagawa si Calisto upang mapag isa ang apat na kaharian,ilang taon na rin,mananatili na lang ba siyang hari ng mga hari sa likuran din ng mga ginawa niyang mga hari.At ang sagot niya ay

 “Anya kalimutan mo na ang lahat at manahimik.Ginawa ko na ang lahat upang maantala ang mga plano niya,isang malaking sikreto niya ang nalalaman ko,kung kaya't hindi siya makakilos ngayon”.

Hindi niya sinabi sa akin kung anong sikreto iyon

Hulyo 10,XXX6

Nakabalik na kami ni Lamia sa palasyo at nakapagdesisyon na ako.Kailangan kong umalis,ilayo ang anak ko sa impyernong ito.Di magtatagal ay magiging katapusan na ng lahat.Ilang taon mula ngayon ay magiging bilanggo kami sa palasyong ito kapag  hindi kami tumakas.

Lamia’s P.O.V.

Itinabi ko sa tagong lalagyan ang talaarawan ni ina. Hindi ko namalayang unti unting bunuhos ang nga kuha ko.Ang huling sulat niya ay nagpapahiwatig kong gaano natatakot ang aking ina sa mga mangyayari. Hindi siya namatay sa sakit tulad ng pinaniwala sa akin,piñata siya.Siguro’y nalaman ang pagtakas niya .

Ang lahat ay mga kasinungalingan lamang. An aking ama,ang akin katayuan……lahat ay kasinungalingan.

Ngunit hindi ko gagawin ang ginawa ni ina,hindi ako tatakas,gagawa ako ng paraan upang mawakasan ang lahat ng ito…..kailangan kong makausap sina Kalix at Dylan. Base na rin sa sulat ni ina naroon sila ng araw na binitay ang mga hari….yun ba ang dahilan….

-------------------------------------------

A/N

So medyo napaaga ang ud ko ngayon hahhahhahahahhaha,

Naaasar ako sa sarili ko madalas na akong mag ka writer’s block….

So comment and vote pag may time,thanks for your support sa kaechusan ko hahhahhaha

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon