Chapter 13

357 10 1
                                    

Lamia’s P.O.V.

Hayyts ang kulit ng dalawa,buti umalis na.Kapag ganitong mag-isa ako pilit na nagsusumiksik sa isip ko ang mga problemang kinakaharap namin.ARGH,kahit isang gabi lang gusto ko munang makapagpahinga sa kaiisip. Bukas aalis na rin si Titania papuntang silangan ,sana naman maging maayos ang pag iimbestiga niya.

TEKA si Kalix yun ah.

anong masamang hangin naman ang nagdala sa kanya dito sa hardin para maglakad lakad din.Iniba ko na agad yung direksyon ko bago pa niya ako makita kaso.

''Hoy Lamia,teka''asar nakita ako.

Hindi ko ito pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad kaso sumunod siya sa akin.Tahimik lang kaming naglakad,nakakaasiwa tuloy,ang lamig pa,malas lang nakalimutan ko yung balabal ko.Kung ayaw niyang magsalita eh deh ako na lang.

''May sasabihin pala ako''sabay naming sabi.

''May sasabihin ka din?''maang kong tanong.Meron nga deh ba,kaya ka nasasabihang bobo Lamia eh.

''Bingi ka ba meron nga deh ba''sabi ko na nga ba lalaitin na naman niya ako eh.

''Pwes meron din ako kaya paunahin mo muna ako''sabi ko.

''Hindi ako muna,ako ang prinsipe ng kahariang ito''

''Ako muna sabi,prinsesa ako at ikaw ay prinsipe,ipakita mo ang pagiging maginoo mo''may ganun ba kay Kalix.

''Ako ang mauuna''syempre wala.

''Ako nga sabi''''Ako''

''Ako nga eh''

''Patawad'

'''Huh''ano yung narinig ko paulit nga.

''Patawad,yun yung gusto kong sabihin,oh tapos na ako,ikaw na''

Hindi pa rin nagproproseso yung isip ko.''Huh?''sabi ko ulit.

''HUH?,yun lang yung sasabihin mo,wala ka talagang kwenta''

"Sshh,para san naman ang paghingi mo ng tawad ah?"

"Para sa lahat ng di mo nagustuhang ginawa ko,alangan namang para sa lahat ng ikintuwa mo,tsk.tsk.tsk,utak naman gamitin"sabi niya sabay pitik sa noo ko.Ganito ba ang tamang paghingi ng tawad?

"Aray,ano ba"hinimas himas ko pa yung noo kong pinitik niya.

"Tsk,tara na sa loob,nilalamig ka na ata"nilagay niya yung kamay niya sa kanyang buls at naglakad na palayo na mabilis ko namang sinundan.

"TEKA LANG"sigaw ko.

Kahit ganun yung pagkakasabi niya sa akin halatang seryoso naman siya,napangiti tuloy ako.

------------------------

"AHHH"malayo pa lang ay naririnig ko na ang sigaw ng dalawang bihag.

Kaninang umaga ko lang nalaman ang pagkakatuklas ni Prinsipe Dylan at Asha sa isang lihim na imbakan ng mga ilegal na armas na pag-aari daw ng isang konde.Lalo tuloy naging magulo ang mga pangyayari.

"May sinabi na ba sila"tanong ko kax Prinsipe Alex ng makarating na ako dun.

"Wala,tahimik pa rin sila"

Nasa labas lang kami ng seldang natatakpan ng makapal na bakal,at dalawang knight lang ang nasa loob ang nagiintoriga sa mga bihag,kaya't kung ano mang pagpapahirap ang ginagawa sa loob ay wala akong alam.

"Wala tahimik pa rin sila"sagot ni Prinsipe Alex.

"Hindi sila magsasalita kahit patayin pa natin sila,mukang mga bihasa ang mga kawal na iyan at hindi lang kinuha kung saan saan"yun yung kunklosyong sumagi sa isip ko.

As Being A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon