[13] First Love Never Dies ♥

Beginne am Anfang
                                    

Napatitig naman ako sa sahig nung sinabi ni tita yun. Ngayon lang nagsink-in sa utak ko na may hika nga pala to. Ibig sabihin bawal siyang mapagod at pagudin. Kahit magkababata kami ni Sam, hindi ko sya kailanman nakitang nahimatay o nawalan ng malay. Oo nga't may hika si Sam pero kapag inaatake siya ng hika di nman umaabot sa ganito na dadalhin sa ospital.

Kahapon, tumakbo kami papuntang playground at mahaba-haba rin yun pagtakbo namin kasi ang layo ng playground. Tapos tumakbo pa kami paikot-ikot sa playground. Kaya siguro nakita ko siyang maputla ang mukha niya. Ah. Leche. Ibig sabihin ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganto si Sam at nandito siya sa ospital.

'Joe, magkasama kayo ni Sam kahapon di ba?'

'Ahhh, opo tita. '

'May ginawa ba kayo ni Sam para mapagod siya?' Hindi ako nakasagot dun.

'Huwag mong sisihin ang sarili mo kung bakit nandito si Sam. '

'Pero tita, ako naman po talaga ang may kasalanan eh. '

'Hindi. Normal lang kay Sam na nandito siya sa ospital. Kasi nga may hika siya di ba. At mas mabuti na rin to para malaman talaga natin ang nararamdaman ni Sam. Kasi di sinasabi ng anak kong yan kung may masakit sa kanya eh. Kaya mas maganda na to.'

Natahimik ako ulet sa sinabi ni tita. Pero totoo naman eh. Mas iniisip ni Sam ang iba kesa sa sarili niya. Kahit na mukha siyang malakas, alam kong mahina siya. She's strong in the inside but so damn weak inside.

'Mahal mo ang anak ko hindi ba? '

'Po?' Yun na lang ang naisagot ko kasi nagulat ako sa tanong ni tita.

'Alam kong mahal mo ang anak ko di ba Joe. '

'Opo tita. '

'Kung ganon Joe, alagaan mo siya ha. Simula ngayon ikaw na ang mag-aalaga sa kanya.'

 'Tita ano po ang ibig niyong sabihin?'

'Matanda na kasi ako at lagi akong busy sa work. Di ko na mababantayan ng maayos. Kaya alagaan mo siyang mabuti ha.'

'Oo naman po. Aalagan ko po siya at poprotektahan.'

 'Ipromise mo yan sa akin yan ah.'

'Oo tita. Promise.'

Pagkatapos ng usapan yon, medyo gumaan yung pakiramdam ko. Tapos biglang bumukas na yung pinto ng E.R. Lumabas na yung doktor. Ngayon, nag- aalala na naman ako.

'Sino po ang kapamilya ng pasyente?' sabi naman nung doctor.

'Kami po doc.' sagot ni tita.

'Doc, kamusta na po siya?' tanong ko naman agad.

'Okay na naman po ang pasyente. Pero may sasabihin po akong bad news sa inyo.'

'Ano po yun doc?!'

Kinakabahan ako sa sasabihin ng doctor. Baka kung napano na so Sam!

'Ayon sa observations namin, hindi nag- tetake ng medicines ang pasyente para sa asthma niya. Alam niyo naman po na maintenance niya yun dba?'

'Pero doc. Binibilhan ko po siya palagi ng gamot.'

'Yun po ang di ko alam kung bakit. Pakitanong na lang po sa pasyente. At isa pa po. Dahil po sa hindi niya pag take ng medicines, humina po siya.'

'Doc panong humina?'

'Humina po ang katawan at resistensya niya. Sa ngayon kelangan niya munang magpahinga at huwag ma-stress. At kelangan na rin po niya itake ang medicines niya daily and properly. Yun lang po.'

First Love Never DiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt