KABANATA 1: ANG TIBARO

19.3K 535 52
                                    

KABANATA 1:   ANG TIBARO

Kasalukuyang panahon…

SA HARDIN ng Greenbelt sa Makati, kung saan matatagpuan ang na kinatatayuan ng naglalakihang  puno ng akasya, ay lumabas mula sa malaking katawan ng puno ang isang di-pangkaraniwang nilalang—si Montar. May tatlo’t kalahating talampakan lamang ang taas niya, may malaking ilong at matutulis na tainga, pero ang mukha niya ay napakaamo. May kalong-kalong siyang isang sanggol. Luminga-linga siya. Pinagmamasdan siya  ng mga tao at ang ilan ay natatawa sa kanya. At dahil may Cosplay, hindi nahalata na siya ay kakaibang nilalang at hindi isang tao.

            Naglakad nang naglakad si Montar. Naghalo ang hitsura niya sa mga taong naroroon dahil marami ang naglalakad na naka-costume. Hanggang sa makarating siya at napahinto sa National Bookstore. Nakita niyang maraming tao roon. May book signing sa loob ng bookstore para sa isang sikat na manga book kaya may Cosplay na nagaganap. Sa tarpaulin sa loob ng bookstore pinagmasdan niya saglit ang larawan ng librong manga na may pamagat na “Ang Modernong Aswang.” Naroon din ang larawan ng awtor ng libro, may katandaan na ito at halos natatakpan ang mukha sa kapal na balbas at bigote. Natigilan si Montar sa hiyawan ng mga tagahanga ng awtor. Nagulat siya nang namalayang nasa tabi lamang pala niya sa kinatatayuan niya ang awtor—nakaupo sa may mesa at kanina pa ito nakatitig sa kanya. Bigla siyang nginitian ng awtor nang mapalingon siya rito.

“Magpapapirma ka?” tanong ng awtor kay Montar na nanatiling nakangiti pa rin sa kanya.

Walang reaksiyong gumuhit sa mukha ni Montar, tumalikod lamang at tuluyan nang pumasok sa bookstore.

Isa sa mga teenager na nagkukumpulan sa loob ng bookstore ang lumapit sa kanya.

            “Okay ba, dude?” sabi ng teenager na naka-costume ng anime na ang tinutukoy ay si Montar.

            Tiningnan lamang ni Montar ng mapanuring tingin ang lalaking teenager.

            “Lupit, dude,” sabi uli ng teenager kay Montar.

“Anong character ‘yan?” tanong ng kasama ng teenager na naka-costume din. “May dala ka pang sanggol. 'Buti pinapasok ka ng guwardiya dito.”

            Hindi umimik si Montar bagkus itinuloy niya ang paglakad sa loob ng bookstore.

            “Hey! Kinakausap kita!” habol ng teenager.

            Patuloy sa paglakad si Montar sa loob ng bookstore, pinagmasdan niya ang mga librong naroroon. Nakarating siya sa kung saan naroon kinaroroonan ng romance books. Pinagmasdan niya ang mga pabalat nito—ang mga babae’t lalaking nakalarawan na nagyayakapan—nang biglang umiyak ang hawak na sanggol. Inilabas niya ang kanyang hintuturo, bahagya itong humaba at nagkulay-ginto. Itinuro ang hintuturo sa  bibig ng sanggol at pagkatapos ay nagningning ang dulo nito. Patuloy sa pag-iyak ang sanggol pero wala nang narinig na boses. At nang wala nang marinig na boses mula sa pag-iyak ng sanggol ay muling ibinalik ni Montar sa normal na anyo ang kanyang hintuturo. Napahinto siya nang makita niya ang isang saleslady na nakatingin sa kanya. Kanina pa pala ito nakasilip sa kanya sa kabilang shelf kaya nakita nito ang ginawa niyang pagmamadyik.

            “Shhhhhhh…” sabi ni Montar sa saleslady.

            Ipinilig-pilig ng saleslady ang kanyang ulo—hindi ito makapaniwala sa nakita, nanatiling nanlalaki ang mga mata nito. Natakot ito kay Montar kaya dagli itong lumayo, hindi makapaniwala sa nakita. Sinundan naman ni Montar ang takot na lumalayong saleslady.

            Napatigil si Montar sa paghabol sa saleslady nang makita niya ang librong nadaanan sa isang shelf. Tiningnan niya itong mabuti, napakunot-noo siya. “Philippine Myths and Legends” ang pamagat ng libro. Kinuha niya iyon at namangha nang makita ang nakalarawang magandang diwata sa pabalat ng libro. Bubuklatin pa sana niya ang libro pero gahol na siya sa oras.

Moymoy Lulumboy Ang Batang Aswang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon