Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Follow the rules, Bullet. Follow the goddamn rules."

***

"Napanood ko ang laban mo kanina, ate," ang sabi ni Timmy nang pumasok siya sa kwarto ni Tammy. Umupo ito sa kama ng kapatid dala ang laptop nito. "Kumusta ang noo mo?"

Napangiti si Tammy. "Halata ba?"

Umiling si Timmy sa kanya. "Kanina..."

"Hmm?"

"May sumusunod na lalaki sa amin ni Mama kanina."

Agad na kinabahan si Tammy. "Ano'ng nangyari?"

"Sa supermarket. Napansin kong sinusundan niya si Mama kaya kinausap ko."

Nagulat si Tammy sa narinig at hindi napigilan na mag-alala. Matalino ang kapatid niya. Alam nitong hindi ito dapat na nakikipag-usap sa mga hindi kilala. Lalo pa at kahina-hinala ang taong sinasabi nito.

"Timmy!"

"Pero nang lumapit si Mama, mabilis siyang tumakbo."

"Ano'ng hitsura niya?"

"Matangkad. Naka-suot ng suit. Kasing tanda ng Papa ni Vee. Mukha siyang pamilyar. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Mukha siyang artista."

Nakahinga nang maluwag si Tammy. Kilala na niya kung sino ito.

"Lumuhod siya sa harap ko na para akong isang bata sa paningin niya."

"Si Ninong Jared. Best friend ni Papa. Matagal ka na niyang hindi nakikita. Siguro bata ka parin sa mga mata niya." O baka nakita niya si Papa kay Timmy noong bata pa sila. Kamukha ni Timmy ang Papa nila noong bata pa ito.

"Pero bakit siya tumakbo nang lumapit si Mama?" ang inosenteng tanong nito.

"Hmm. Medyo... weird lang talaga siya."

"Ahh..."

Napatingin si Tammy sa maliit na polar bear na naka-display sa study table niya. Hindi alam ni Timmy ang kwento tungkol sa pamilya nila. At mas gusto niyang hindi nalang nito malaman pa.

***

"AAAAAAAAAHHH!!!"

Walang nagawa si Jack kundi ang panoorin si Jared na isigaw ang problema. Nakatungo ito sa mesa at ginugulo ng dalawang kamay ang buhok. Nakasakay sila sa isang cruise ship at nagpapakalasing.

Ang cruise ship ay pagmamay-ari ng pamilya Maunnick. Isang family business na ipinasa sa bawat henerasyon. Ang kanilang sinasakyan ay kasalukuyang pinapatakbo ni Jack bilang kapitan.

"Bakit siya parin?" ang paulit ulit na tanong nito saka nito inuntog untog ang ulo sa mesa. "Bakit ako tumakbo? Shit! Mukha akong tanga kanina."

Bumuntong hininga si Jack at inubos ang laman ng kanyang baso. Sumenyas siya sa bartender na bigyan siya ng isa pang baso ng whiskey.

"Bakit hindi mo siya hinarap?" usisa niya.

Inangat ni Jared ang ulo nito at tumingin sa kanya. Namumula na ang mukha nito. Sunud-sunod ang inom nito sa baso ng alak kanina kaya mabilis na nalasing.

"Kinabahan ako. Natakot ako," sagot nito saka ininom ang alak sa baso nito.

Napansin ni Jack ang suot nitong wedding ring. Napailing siya. Ilang taon na ang nakakaraan pero paatras ang edad ng kaibigan niya. Mukha itong teenager na na-in love sa unang pagkakataon. Totoo nga siguro ang kasabihan na hindi namamatay ang unang pag-ibig.

"May plano ka ba ulit na magpakasal?" tanong niya.

Umiling si Jared. Tatlong taon na rin ang nakalipas noong mamatay ang asawa nito. Nagkaroon ito ng malubhang sakit. Kasal sila sa loob lamang ng isa at kalahating taon.

Tila ba may sumpa ito na sino mang babae na mapadikit dito ay mamamatay. Namatay din ang unang asawa nito pitong taon na ang nakalipas. Idagdag pa ang nanay ng anak nitong si Blue.

Maraming babae ang naghahangad na mapangasawa ang kaibigan niya. Kung titignan mabuti, hindi naman ito mukhang malapit nang mag-kwarenta. Mukha itong mas bata ng sampung taon.

"Why not? Maybe third time's a charm. Give it a try."

"I am f*cking cursed!" sagot nito saka idinikit muli ang noo sa mesa at hindi na gumalaw.

Napatawa nalang si Jack. "Maybe you should become a monk."

Hindi sumagot ang kabigan niya at napansin niyang nakatulog na pala ito. Inubos niya ang laman ng baso saka inalalayan si Jared na tumayo at ihatid sa kwarto nito.

***

Linggo. Katulad kahapon ay maraming estudyante ang pumunta sa Pendleton High upang panoorin ang laban ng mga seniors nila. Buhay na buhay ang usapan ng mga estudyante sa forum kung sino ang nanalo kahapon at ang mananalo ngayong araw.

Nananatili sa pinakasikat na topic ang pagkapanalo ni Tammy Pendleton. Ang kauna-unahang babae na nanalo sa King's Tournament ng Pendleton High at kinikilalang school idol.

Dahil unang beses ng mga first years, wala silang masyadong alam tungkol sa mga third at fourth years. Dahil din sa hiwalay ang building ng mga ito at mahigpit na hindi pinapapasok sa loob ang mga first at second years sa loob, nananatiling misteryoso sa kanila ang katauhan ng mga ito.

"Excited na akong makita ang King nila!" ang masayang sabi ni Fatima.

"Ano kayang hitsura nila?" kumikislap ang mga matang tanong ni Cami.

Maging si Tammy ay kinakabahan at excited din. Makikita niya kaya ngayon ang taong hinahanap niya?

"Nabasa ko sa forum na ang King ng mga third years ay half brother ni Bullet!" sabi ni Lizel.

"Really?! Ano'ng hitsura niya?" tanong ni Cami.

"Hmm. Walang nag-post sa forum e. Kaya hindi ko rin alam."

"Half brother sa father side o mother side?"

"Pareho raw sila ng ama. Japanese. Tapos ang sabi pa ng iba, medyo kontrobersyal ang pamilya nila kasi maraming silang kapatid sa ama na magkakaiba ang nanay."

"Oh... Playboy. Tsk tsk."

"May gang din daw dati dito yung tatay nila e. Nakalimutan ko ang pangalan pero sikat din daw 'yon noon. Parang gang din ng tatay mo Tammy."

Nakuha non ang atensyon ni Tammy. Napatingin siya kay Lizel.

"Hahaha! Coincidence naman, Tammy. Baka magkalaban pala mga tatay ninyo dati. Ingat ka," biro ni Fatima.

"Ano'ng pangalan ng grupo nila?" tanong ni Tammy.

"Nakalimutan ko talaga Tammy e. Pero may number din 'yon katulad ng sa Lucky 13."

Kumunot ang noo ni Tammy sa narinig. Isang grupo noon na may numero rin. Sa kwento sa kanya noon ni Nix marami itong nabanggit na mga gang na nakalaban ng grupo ng Papa niya. Marami din doon ay may numero. Alin kaya roon?


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


***AN

Ano raw itong drawing sa itaas? Yan yung nasa taas ng gate ng Pendleton High. Hahahaha!

Nag-twitter party kami kagabi. Kasalanan talaga ni Aril Daine, hindi ako naka-update kagabi. Kekekeke~

High School ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon