Chapter One-First Aid

109 2 3
                                    

CHAPTER ONE

I felt complete and utter shh

In layman's term, panget.

Kakatapos lang ng huling period namin at nagsimula nang magsilabasan ang mga zombie sa kanilang lungga. Jusko, nakakahaggard naman mag-aral pwede bang fast forward na to successful me agad.

"Hoy mukha kayong pinigang pusit" masaya kong bati sa mga kaibigan ko na konti nalang luluwa na ang mga mata.

"Mukha kang masayang pusit" Banat naman ni Bella, best friend ko.

This week tambakan ang mga requirements at kabi kabila ang mga assessment at quizzes dahil palapit na finals, hell week kumbaga kaya stress mga lola niyo at bilang isang napakagandang estudyante nagawa ko na karamihan sa mga reqs, tapos na, iproproofread ko nalang ang iba. Tapos na rin ako gumawa ng outline at reviewer para sa exam. Ang hirap maging grade conscious na student no? I mean, ang hirap maging average student na ayaw magkados sa card, kailangan maging diligent 24/7.

"Bes, tara group study tayo" sabi ni Bella nung makalabas na kame ng gate. Bilang lang ang mga estudyante ang lumalabas ng gate kahit late na. Mga ganitong panahon kasi puno pa ang library, naghahabol pa para matapos ang requirements.

"Sinong niloloko mo dyan sa group study na yan? Hindi ka pa ba nadadala dyan sa grouo study na yan?" Binalatan ko ang huli kong lollipop habang patawid kame, nagcocommute lang ako pauwi minsan naman sabay ako kay Bella pag sinusundo siya ng Kuya niya.

"Naalala niyo huling group study natin? Halos ikabagsak ko na yun bes. Jusq wala ako maisagot puro chismis lang ginawa natin--- " Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsitilian ang mga tao sa palagid. Ang bilis ng mga pangyayari. Next thing I know bigla nalang nahati ang lupa sa dalawa at lumabas si Aang, ang huling airbender. Char hinde

May nadaganan ng motor. What the fudger hit and run. OH MY GOSH HIT AND RUN

"Pigilan niyo siya!" Sigaw ko kahit alam kong useless kasi one, nakalayo na siya at second, walang pumapansin saakin. Lahat nakatunganga lang. Mistulang nafreeze ang lahat. Hello earth to these people. Ang bagal naman magprocess ng mga utak nila.

"AJA 34-- 346? 349?" Sinubukan kong alalahanin ang plate number. Urgh hindi ko maalala where are u brain when I needed u the most?

Patawid na kame ng biglang may motor ang dumaan at nadaganan si Kuya na humamblot saakin. Nakita ko kung paano siya nagpagulong gulong sa kalsada, at ang patak ng dugo sa kalsada.

And that hit me. Hard. Ako ba ang dapat masagasaan? Niligtas niya ba ako? HOLY CRICKETS MUKHANG ALAM KO NA ANG SAGOT DYAN

Parang binihusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. I can't move my limbs. Ever since bata palang ako, sobrang accident-prone ko na pero holy mother and father may nadamay pa ako. Sht

"Tumawag po kayo ng ambulansya" I croaked halos wala nang boses na lumalabas, nanunuyo na ang lalamunan ko.

Slowly I dragged my feet to the victim. Ang bigat ng pakiramdam ko. At nalaman ko bakit the moment na nakita ko sino ang biktima.

Si kuya Kaden. Ang nakatatandang kapatid ni Bella.

Of all people?

"Kuya? Kuya Kaden? Naririnig niyo po ba ako?" No response. Nanginginig na buong katawan ko but I know I have to stay calm. Gusto kong sumigaw sa sobrang galit bakit walang tumutulong, bakit walang gumagalaw? Pero hindi ko magawa kasi tulad nila hindi ko pa nadidigest ang mga pangyayari.

First Aid (Short story)Where stories live. Discover now