Chapter Two- Medic

41 3 5
                                    

And we lived happily ever after.

No

Bilang tumili sila Bella at mga kaibigan ko. With that, bumalik ang katinuan ko.

Ginamit ko na ang lahat nang natitira kong lakas para kumawala sa hawak niya

And he's still smiling like a kid who just got his lollipop.

Bwiset na mga bulate sa tyan, nag aalboroto

I never once thought that my first kiss would be like this.

I never once thought that my first kiss will be stolen by a jerk named Kaden.

I feel so....molested

Nakakahiya

Naghahabol padin ako ng hininga, Doon ko lang narealize na nagpigil pala ako ng hininga all this time

Ramdam ko ang bawat mata ng mga chismosong studyante sa palagid, ang init padin ng pisngi ko both sa kahihiyan at galit. Parang may 500 volts of electricity na dumadaloy sa dugo ko, feel ko super saiyan na ako. Kaunti nalang sasabog na ako ewan ko kung galit ba or kilig. Alam kong inaasar lang ako nito eh kaya galit siguro. GALIT panigurado.

"Nice one bro" Tuwang tuwa na pang aasar ni Kuya Ralph sabay apir pa nila dalawa. Hayop?

"ANO TO KUYA KADEN? PINAGTRITRIPAN MO BA AKO? BAD JOKE! BAD JOKE! BAD JOKE!" Inis kong sabi sabay hampas sakanya pero hindi padin maalis ang nakakapikon niyang ngiti kaya aakmang susuntukin ko sana siya pero syempre hindi ko naman kaya. Urgh ang weak ko pagdating sakanya chos hinde weak talaga ako yun yun, period.

"I'm not your brother" He said, his lips curved in amusement. This time, he really crossed has the line. Alam niya ba kung gaano ako natakot? Kung gaano ako nagalala? Hindi magandang biro yun! I can't believe I fell for that.

Tapos ano? Yun lang ang sasabihin niya? Yun lang? Matapos ang lahat?

Panagutan mo 'ko.

Lumapit na ang guard para tignan ang nangyari. Ngayon pa. Pinaalis niya na rin ang ibang usisero at usisera dahil padating na daw ang medic. Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. "Bwiset ako na nagmagandang loob ako pa tong naagrabiyado" mahina kong bulong.

"Where are you going?" Tanong ni Kaden. Bilib rin talaga ako dito, ang daming nakatingin at ang daming fangirls na pinipicturan siya wala man lang pake dun. Napakaunbothered, san niya kaya binaon ang hiya niya?

"Im going to go gargle bleach now" He looked at me flatly then glares as he attempt na umupo.

"Kad, wag ka muna tumayo. Dumudugo noo mo" Nagaalalang sabi ni Kuya Ralph. Sakto naman biglang pumilipit si Kaden sa sakit dahil sa fracture sa right arm niya. Alam kong totoo yung bali niya sa braso, hindi naman kasi talaga natatago kapag nasasaktan char

"Kuya please, wag ka na muna gumalaw baka mas lalong lumalala yang fracture mo" Sabi naman ni Bella bakas sa mukha niya ang pagalala. Hindi ko rin maiwasan magalala kahit itanggi ko man pero mahalaga si Kuya saakin este samin.

"Ouch. Damn it" He groaned as he touched his bleeding forehead. Mukhang totoong napuruhan nga 'to.

I pressed my lips into a thin line still pondering and deliverating ano ba ang dapat kong gagawin. At the end, huminga ng malalim bago lumuhod malapit sa gagong walangya hayop saka tinanggal ulit ang cardigan ko at pinisil sa noo niya.

"Ouch!" reklamo niya ng napalakas ang pagpisil ko ng sugat niya.

"On the scale of 1 to 10, one being the lowest, How do you rate your pain?" Mapangasar kong tanong, Tinignan niya lang ako ng masama.

---

"Papa hindi naman ako naglaro sa daan eh. Patawid na kame nun nung biglang may dumaan na motor" Pangsampung paliwanag ko kay papa.

Nung dumating ang medic agad na isinugod siya sa hospital at dahil ako nagbigay ng first aid at dahil ang swerte ko, isa si papa sa paramedic na rumesponde kaya isinama na rin ako sa hospital.

Para pagalitan.

"Angee naman bakit kasi hindi ka nagiingat. Paano pag ikaw ang naaksidente? Ikaw talagang bata ka. Buti nalang hindi magsasampa ng kaso si Kaden." Pagaalala ni papa. Naiintindihan ko naman saan siya nanggagaling.

"Eh hindi naman ako ang nakasagasa sakanya bakit ako ang kakasuhan?" Ako pa nga ang dapat magsampa ng kaso. Magnanakaw po yang si Kaden pa!

"Gusto ka daw makita ng magulang ni Kaden." sabi ni papa habang ang atensyon niya sa binabasa niyang papel.

Automatic namang lumaki bigla ang mata ko. "Huh? Papa wala naman akong ginawa!" Hindi pa ba sapat ang sermon ng tatay ko dadagdag pa nina tito at tita?  I mean, kilala ko naman sila Tito at tita, magkaibigan mga magulang namin kaya alam ko naman mabait sila hindi tulad ng anak nila pero malay ko ba, anak na nila ang napahamak dito

Sakit talaga tong sa ulo si Kaden. Paano naman ang reputasyon ko kila tita? Kaines

"Oh ganun naman pala. Anong pinoproblema mo?" Ang bait talaga ng tatay ko. Concern talaga siya saakin. Ramdam na ramdam ko ang pagaaruga, suporta at higit sa lahat pagmamahal niya.

"Papa naman, tulong kasi!" Ewan ko kung saan ba ako natakot, sa magulang ba ni Kaden o ang makita si Kaden.

"Angelina tantanan mo nga ako. Kakausapin ka lang naman." Iritadong sabi ni papa nakatuon ang atensyon niya currently sa phone niya

"Bakit hindi yung nakasaga ang kausapin nila?" I snapped. You don't know how much I wish I could take that back. Dahan dahan na inangat ni papa ang ulo na nakatuon sa cellphone niya. Sana hindi niya narinig ang sinabi ko.

Pero hinde.

At yun mga kapamilya, kapatid, kapuso, nasilayan ko ang transistion ng bibig ng tatay ko to machine gun "ANGELINAAAA! IKAW TALAGANG BATA KA EWAN KO TALAGA SAAN KAME NAGKAMALI SA PAGPAPALAKI SAYO AT GANYAN KA TABAS ANG DILA MO  BLAH BLAH BLAH BLAH"

Ang haba ng araw na to. Help

First Aid (Short story)Where stories live. Discover now