CHAPTER 33

1.4K 40 8
                                    


Nagtungo ako sa loob ng locker room para ilagay ang gamit ko. Walang tao dito kundi ako lang. Narinig ko namang bumukas ang pinto. Sinilip ko ito at nakita ko si Cris na may kausap sa cellphone niya. Hindi niya siguro ako napansin dahil nasa likod ako ng locker cabinet. Habang inaayos ko ang gamit ko, ay narinig ko ang pangalan ni Lexie. Napatigil naman ako sa ginagawa at medyo lumapit ng konti para marinig ang sinasabi niya. Kinakabahan naman ako, pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"Iyong hinihingi ko sa iyong gamot maibibigay mo ba ngayon?" Cris said.

"Mabuti. Gagamitin ko iyon mamaya at kailangan umepekto iyan kay Lexus. Dahil kung hindi, hindi rin kita babayaran." dagdag niya pa. Napalaki naman ang mga mata ko sa narinig. May gagawin siyang masama kay Lexus ?.

"Sige na ,may duty pa ako. Magkita nalang tayo mamaya. Itetext kita kung saan." sabi ni Cris at narinig ko ang pagsara ng pinto. Gulat at hindi ako makapaniwala.

"Anong binabalak niya?" tanong ko sa sarili.








______________________🐼

Out na ni Cris kani kanina lang. Ganun din si Lexie. Pareho kasi sila ng duty. Hindi naman ako mapakali tungkol sa narinig ko kanina. Mabait naman si Cris pero bakit parang may masama siyang balak kay Lexus? tanong ko sa sarili.
Nasa ganun akong pag iisip ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay si Maureen pala.

"Anong nangyayari sa iyo? Bakit tulala ka diyan ?. Kunot noong tanong niya.

"Wa-wala may naalala lang ako." hinawakan ko naman ang kamay niya.
" Maureen puwede bang tulungan mo akong magpalusot ? Hindi muna ako mag duduty ngayon. Kailangan ko lang talagang umuwi agad eh. Importante lang talaga." seryoso kong sabi sa kanya.

"Huh ? Tungkol saan ba iyan at kailangan mo pang mag absent ?" tanong niya.

"Just help me. I have something to do and it's important. I can't say it to you." matagal naman niya akong tinitigan ng nakakunot ang noo.

"Ok fine. Pero dapat may kapalit." she said.

"Call ako diyan. Anything you want. Tutuparin ko. Please just help me ." seryoso kong sabi. Tumango naman si Maureen at ngumiti.

"Sige gagawin ko kahit mahirap. Duty mo kasi pinsan eh. Tapos pumasok ka pa. Hindi sana tayo mahihirapan kung hindi ka nagpakita ngayon. But, dont worry I have something on my mind and I think it will help us." ngiting sabi ni Maureen.








_____________________🐼

Mabuti nalang at tinanong ko si Lexie, kung saan sila pupunta ni Cris. Nakiusap daw kasi itong magpasamang pumunta sa kabubukas lang na bar ng pinsan niya. Gusto daw kasi nitong pumunta pero kailangan may kasama siya. Hindi naman daw ako pwede dahil may duty ako at ang iba pa naming close friends sa work.  Napangisi naman ako. Ayos din magpalusot itong si Cris ah. Bakit kami lang ba ang kaibigan niya sa pilipinas?!.

Habang nag dadrive ay kinakabahan ako. May nabubuong eksena sa utak ko pero binabalewala ko lang ito. Baka napaparanoid lang ako. Baka nga nagpasama lang talaga si Cris. Pero hindi eh, nagtataka kasi ako dun sa gamot na binanggit niya. Ano ba kasing gagawin niya dun?.

Ang sabi niya 7pm sila pupunta sa bar na iyon. Eh 8:00 na !. Napapalo naman ako sa manibela ng sasakyan ko.
"Kainis! Sumabay pa ang traffic !." sabi ko.

Tinext ko naman si Lexie at tinawagan pero hindi niya ito sinasagot. Ring lang ng ring. Nakailang tawag na ako pero wala pa rin.
"Ano na kayang nangyari dun.?" nagaalalang tanong ko.
Sa tagal ng traffic ay lumipas ang halos isang oras bago ako nakarating sa bar na iyon.
Kainis talagang traffic iyon. Kung may private plane lang ako ay ginamit ko na ng makarating ako agad.

Lexus The GayWhere stories live. Discover now