CHAPTER 18

1.2K 45 3
                                    

Nakaupo lang ako sa sofa at nakatulala.  Iniisip ko kung paano ako  hihingi ng tawad kay Carlie.  Nawala talaga sa isip ko na may usapan kami.  Tiyempo namang nakacharge at silent iyong phone ko.   Gusto ko tuloy sampalin iyong sarili ko dahil sa katangahan ko.  Narinig ko naman na tinawag ako ni manang.

"O Lexus !. Bakit kanina ka pa nakatulala diyan ? " Lapit ni manang sa akin at umupo sa sofang kaharap ko.
"May problema ka ba?".  Nakakunot na tanong niya.

"Meron po manang.   Nagalit po si Carlen sa akin.  Hindi ko po kasi siya sinipot nung friendly date sana namin nung valentines."  Alas otso po ang usapin namin,  pero nakalimutan ko po. Nakita niya na mang kasama ko si Philip dun sa restaurant na napag usapan namin. Mga 10:30 pm na po ata iyon." malungkot kong sabi.

"Naku naman !.  Pambihirang bata ito Oo.  Pinaghintay mo siya ng ganun katagal ? Naisip mo lang ba na may naghihintay sa iyo? Paniguradong nag alala iyon sa iyo kaya hinintay ka niya ng ganun katagal." Sana sinabihan mo siya agad.! "  sermon sa akin ni manang.

"Nawala po sa isip ko eh" napangiwing sabi ko. Napabuntong hininga naman si manang.

"Kausapin mo siya. Ipaliwanag mo kung bakit hindi ka nakapunta.  Maiintindihan naman niya siguro."

"Ang problema po manang ayaw niya akong kausapin.  Sinusubukan ko naman pong kausapin siya pero iniiwasan niya po talaga ako. " Ano pong gagawin ko? " Ayaw ko namang forever na hindi kami magkaayos. Kahit papaano naman po kaibigan ko siya at marami na kaming pinagsamahan.  Ayokong mawala iyon. " paliwanag ko.

"Mahirap nga iyan.  Hindi ko rin alam kung papaano ka hihingi ng tawad sa kanya,  kung ganyang galit siya sa iyo.  Kung ako ang nasa kalagayan niya talagang magagalit rin ako.   Ikaw ba naman paghintayin ng mahigit  dalawang oras dun.  Sinong hindi magagalit ? Napagod lang siyang maghintay sa wala."  Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. sabi ko sa sarili ko.

"Iyan na nga bang sinasabi ko. Kung pinatapos mo lang sana ako sa pagsasalita nung gabing iyon ay baka naalala mo sana."

"Manang naman eh.  Sana po kinulit niyo ako !. " napapapadyak na sabi ko.

"Ako pa ngayon ang sisisihin mo?  Gusto kong ipaalala iyon sa iyo,  pero nung tinawag ka ni Philip bigla ka nalang umalis.   Halatang excited ka sa date niyo ni Philip,  kaya nakalimutan mo iyong kay Carlen."
"Ngayon palang humanap ka na ng paraan kung paano ka hihingi ng tawad . " sabi nito.  Tiningnan ko naman si manang. 

"Tama po kayo manang hihingi ako ng tawad sa kanya kahit anong mangyari !" medyo napalakas naman iyong boses ko.   Bigla namang pumasok si Philip.

"Saan ka hihingi ng tawad  honey?".
kunot noong tanong niya.

"Ahm na -nag a-away ka-kasi kami ng ate ko ka-kaya hihingi ako ng tawad. " ngumiti ako at nilapitan siya. Inakbayan ko naman siya at hinalikan sa pisngi.

"Ah ganun ba?" Tumango naman ako.

"Musta ang work?"  I asked.

"Ok lang.  Nakakapagod makipag meeting dun sa isang client.  Masyadong ewan ang personality.  Pero naging ok  naman."  Kung hindi lang talaga ipinilit ni dad iyong negosyo na pinahahawak niya sa akin. Hindi ko tatangapin."
reklamo ni Philip.

"Ok lang iyan,   masasanay ka din." Ngiti ko at ngumiti din siya sa akin.   Iyong kanang braso niya naman ay nasa bewang ko.

"Mabuti pa kaya magpahinga ka muna sa taas at ng mamasahe kita"   Mukhang stress na  kasi si honey ko. " 

"Mabuti pa nga " ngiti ni Philip at umakyat na kami sa hagdan.






________________________

Nakahiga naman si Philip sa kama habang minamasahe ko.

"Alam mo ba nakakainis iyong ka business partner ko kanina. Napaka  ewan !"  sabi ni Philip.

Tumawa naman ako.
"Why? " Babae o Lalaki?  I asked.

" Lesbian.  Nakakainis iyong ugali !"

"Chill ka lang honey at least  you finished the meeting. " natapos naman akong imasahe siya. Aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at humarap sa akin.  Tinitigan ko lang siya habang iyong labi niya ay papalapit naman sa labi ko.   Until we are kissing each other.  Namalayan ko nalang na nakahiga na ako at nakadagan siya sa akin.  Itinaas niya naman iyong t-shirt ko hanggang umabot ito sa dibdib ko.   Iyong kamay ko naman ay nasa likod niya humahaplos.   Iyong labi niya ay bumaba sa leeg ko hanggang sa umabot ito sa isang nipple ko. Ipinaikot niya ang dila niya dun at hinalik halikan.  Napapapikit naman ako sa sensasyong ginagawa niya.

"Aahhh " ungol ko.  Umakyat naman ulit iyong labi niya sa leeg ko papunta sa labi ko. He deepened the kiss when suddenly the image of Carlen flash on my mind. Iyong halikan na ginawa namin sa  guest room. Bigla naman akong napadilat at itinulak si Philip.  Nagulat naman ito.

"Why?"  nalilitong sabi niya.

"Ma-may pupuntahan pa pala ako.  Importante !."   at dali daling akong umalis sa kama.  Inayos ko iyong T-shirt ko at walang  lingon na tinungo ang pinto at lumabas ng kwarto na iyon.   Pumasok ako agad  sa guest room.  I don't know what happen to me and why the image of Carlen flash on my mind.  Nagiguilty ako.  Kasama ko si Philip pero ang naiisip ko ay si Carlen.  
"Ano bang nangyayari sa akin? " litong sabi ko at hinilot ko iyong sintido ko.










_______________________

"Good morning manang ! "  Saan po si Philip ? " I asked.

"Nauna na may meeting pa raw siya."   Tumango naman ako at umupo na para makapag breakfast.

"May naisip ka na ba kung paano mo makakausap si Carlen?" tanong ni manang.

"Meron na po " sabi ko.  "Sana nga lang gumana". sabi ko at  humigop ng kape.

"Mabuti kung ganun.  Ang bait pa naman ni Carlen.  Sayang kung hindi kayo magkakabati.  Kung lalaki ka lang sana,  ang gusto kong makatuluyan mo ay si Carlen.  "

"Manang naman imposible iyan . Bakla kaya ako.  Hindi ko nga naiisip na magkagusto sa kanya.  Hindi rin kami talo."  at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Huwag kang magsalita ng tapos.  Maraming napapahamak sa maling akala.   Iba ang nakikita ko sa iyo . May mga pagbabagong magaganap na hindi mo aakalain. " seryosong sabi ni manang.
Uminom naman ako ng tubig dahil tapos na rin akong kumain.

"Manang naman,  nakakatakot iyong itsura  niyo. " sabi ko.

"Patingin nga ng palad mo" .

"Bakit po?". Huhulaan niyo ko?  Hay naku alam niyo namang hindi ako naniniwala sa ganyan."

"Basta patingin".  sabi niya at sa huli ay ipinatingin ko na din iyong palad ko sa kanya.

" Pakiusap Lexus huwag mong papakawalan si Carlen.  Dahil kapag nawala siya sa iyo,  ay para mo na ring pinakawalan iyong taong makapagpapasaya sa iyo ng lubos  habang buhay. " sabi ni manang habang nakatingin sa palad ko. 

"Si Philip lang po ang nagpapasaya sa akin. Wala ng iba at siya din ang alam ko na gusto kong makasama habang buhay.  Baka ang tinutukoy niyo ay iyong friendship namin ni Carlen.  Naku! wag kayo mag alala dahil tatagal iyong friendship namin.  Bff forever ko iyon eh."  sabi ko naman ng nakangiti.
Napabuntong hininga naman si manang. 









"Lahat ng tao nagbabago.  Iyong akala mong siya na, ay hindi pala"  iniwan niya naman akong naguguluhan.


AUTHOR' S  NOTE

      Sorry sa bromance intimate scene na slight lang hahaha.  Wala talaga akong balak ituloy iyon.   That's the last scene na intimate pa sila .  Hindi ko na uulitin itong ganitong scene ! Hahaha.  Don't worry virgin pa naman si Lexus sa lalaki hahaha.

Lexus The GayWhere stories live. Discover now