Chapter 2

2K 49 0
                                    

Lexus POV

Mabuti at binigyan ako ng author na ito ng chance na makapag POV  ,dahil gusto ko na talagang sabunutan at ipakain sa anaconda ang babaitang iyan !  
Nang hindi ko na siya makita ng buong buo. I hate that woman.  Imbiyerna siya! magkaka wrinkles ako dahil sa kanya!  .Ang ganda ganda ko para tumanda agad ng dahil sa konsumisyon !.
Hindi na nga nakikipag socialize sa amin ,madalas pa akong asarin! Kaya humanda ka sa akin babaita ka makakaganti din ako sa iyo.. Sabay evil laugh na ako lang ang nakakarinig habang matiim kong tinitingnan ang babaeng tinik sa buhay ko..


"Bakit bigla akong kinilabutan?  parang may nakamasid sa akin at kanina pa ako tinitingnan".. sabi ko sa sarili ko.   Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Lexus na matamang nakatingin sa akin. Pero nagulat siguro ito kaya ibinaling sa iba ang tingin niya.
Pinabayaan ko na lang ito..

"Problema nun." sabi ko nalang..











________________________

First time kong sumama sa kanila dahil birthday ni Maureen ngayon kaya kahit na ayaw ko eh napilitan tuloy ako.  Kami lang nila
Cris, Lexus, Maureen at Lorie ang nandito.  May duty kasi ang iba at hahabol na lang daw.  Nagsiuwian na din ang Ibang bisita ni Maureen at kami nalang ang natitira.  Nasa pool kami ngayon dahil gusto daw nilang mag night swimming.  Lahat sila ay nakabihis na pang swimming habang ako ay hindi na nag abala pang magbihis dahil wala naman akong balak maligo sa pool.  Ayaw ko nga iexpose iyong katawan ko at baka mainggit pa iyang Lexus na iyan.  Saka hindi ako marunong lumangoy.  Wala akong tiwala dito sa mga kasama ko dahil siguradong hihilahin nila ako sa malalim na parte ng pool.Nakakatakot..
Si Cris lang ang tanging nakakaalam na hindi ako marunong lumangoy at may trauma ako sa mga swimming pool o dikaya beach. Kung nagtatanong kayo kung bakit?  Basta malalaman niyo rin..

"Ang kj mo naman Carlen sinabihan na kita na magdala ng extra damit diba?  para sa night swimming natin ngayon." sabi ni Noreen.

"Basta mag enjoy nalang kayo diyan ,kakain nalang ako dito sa tabi." Lapit ko sa kanila sa may gilid ng pool.

"Hayaan mo na siya,  may dahilan iyan si best kaya ayaw niya. Saka itong pool mo ,akala ko may 4 ft. ,eh 5 ft pataas pala ito eh.. pang swimmer lang Ito".

"Kaya nga hindi ko pinapapunta iyong mga bata dito dahil baka biglang tumalon eh malunod pa" sabi ni Maureen.

Nagulat naman ako ng may biglang tumulak sa akin sa likod. Napasigaw  ako sa gulat at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa tubig..
Halos hindi ako makahinga sa sobrang takot kahit alam ko namang kaya kong tumayo. Pero hindi ko magawa dahil nanginginig ang mga tuhod ko at hindi masuportahan ang buong katawan ko, mukha tuloy akong nalulunod..
May bumabalik din na mga pangyayari  na ayaw ko na talagang maalala pa kahit kailan kaya iniiwasan kong mag swimming.
Ang nakapagpapainis pa sa akin ay ang tawa ng bwisit na bakla na iyan !
Nakakainis! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya !! Tuwang tuwa pa siya sa kalagayan ko ngayon eh halos mamatay na ako sa takot!

"Lexus! What have you've done ?! Hindi siya marunong lumangoy !"
sigaw ni Cris.

"Eh ang baba lang niyan, kung tuuusin kaya niya namang tumayo".
Lexus said.

"You're such a jerk!"  sigaw ulit ni Cris dito at tinulungan ako para makaahon. Tumulong din sila Lorie at Maureen.

Napaubo naman ako ng maiakyat uli nila ako. Marami ata akong nainom na tubig   dahil sa panicked kanina.  Napahawak ako sa dibdib ko habang umuubo. Sila Cris at Noreen ay hinahaplos naman iyong likod ko..
Tinitigan ko ng masama si Lexus at pinilit na tumayo para makaalis sa lugar na iyon dahil baka ano pang magawa ko sa Lexus Salvacion na iyan.  Tinulungan naman ako ni Cris. 
"Aalalayan nalang kita best" sabi nito..
"No thanks best I can managed"..
sabi ko at nilisan ng tuluyan ang lugar na iyon.

"Why did you do that to her?"  Maureen asked  Lexus..

"Akala ko kasi hindi siya magagalit and besides its a joke"..

"A joke that is not so funny"
Cris said habang naka crossarms.
"Alam niyo bang takot siyang lumangoy at mag swimming sa pool o beach.. Hindi ko alam ang buong pangyayari kung bakit. I asked her sometimes kung bakit, pero ang lagi niyang sinasabi may trauma daw siya and she don't want to talk about it anymore."

"Kaya naman pala. Ikaw kasi eh!" Lorie said at hinampas niya si Lexus sa braso.

"Ok mga besh, I'm sorry its my fault." Lexus said.

"Don't say sorry to us ,say sorry to her.  Sa kanya ka may kasalan hindi sa amin." Lorie said..

"True ! Kaya kung ako sa iyo magisip isip kana kung paano ka hihingi ng tawad sa kanya.. Ang hirap pa naman nun magpatawad lalo na at malaki ang kasalanan sa kanya"
Cris said at tinalikuran na nila ito..









________________________

Lexus POV

Naguilty tuloy ako sa ginawa ko kay Carlen, pero wala na nakagawa na ako ng pagkakamali ng dahil lang sa kagustuhan kong makapaghiganti sa lahat ng pang aasar niya sa akin..
Paano ba naman parating pinapahiwatig na bakla ako.
Eh secret ko nga iyon mga teh .. At gusto ko ako lang ang nakakaalam..
Kaya nga secret diba !? 
Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya kahit labag sa damdamin ko at sa buong pagkatao ko ..  hehe joke lang..
Sincere akong hihingi ng tawad sa kanya pero tinatamad ako eh
Maybe next year nalang siguro.. Hahaha.  Pagdusahan niya muna ang ginawa ko sa kanya..

Lexus The GayWhere stories live. Discover now